Luneta, Kamusta ka na?


Galing ako sa opisina ng isa kong boss sa may Baywalk. Nung pabalik na ako sa opis namin sa taft, tinamad dumaan ng LRT line c manong driver kaya ayun, mega lakad ang bakla. Ok an san kahit lakad, kaso d ata nakapaglinis ng tenga c kuya kaya lumagpas ako kahit na megaphone na ang gamit ko pangsaigaw ng "Manong, PARA!!"

Ang ending, binaba ako sa may Luneta. Ung side ni Lapu-Lapu. Walang tao. Nakakapanibago. Kasi dati, kahit umaga, punum-puno ng tao dun. Pamilya at mga magsing-irog.

Habang naglalakad naman ako, may magsyuta. as in syuta tlga. Nagkikilitian. Kmustahin naman un dba? Parang sila lng 2 ang tao sa mundo. Nakakakilig na sana kung hindi lng dahil sa kanilang hitsura na parang 48 years na ang nakaraan mula nung naligo sila. (Di po ako nang ookray dahil totoo. as in! hehe)

So tuloy ang pagbaktas sa kahabaan ng Luneta. Wala tlgang tao. Parang feel kong magkandirit, kaso baka hulihin ako ni manong guard, ayoko naman batutain ako diba? (On second thought....hmmm)

Napadaan ako dun sa mini-park na lagpas ng Department of Tourism na isa pang inaagiw na dahil walang tao. Un na nga, ung sa mini zoo nila na ang ganda ganda dati. Kahit semento lng na pininturahan para magmukhang pampamilya, keri na un nung bata pa ako. Duon kami pinasyal nina Mama at Papa nung taga Caloocan pa kami. Ang saya saya namin nun dahil ang daming tao at ang daming bata na kalaro.

Sabay takbo ang 10 years, eto na cia ngaun. Kandado na ang mga gate. Walang tao. Blanko. Ang mga dinosaur, konti na lng, kakulay na ng lupa. Ang mga slide, ang dumi dumi na. Parang sumisigaw sila ng "pansinin nio kami!" nung dumadaan ako.

Nakakalungkot.

Naisip ko, ito ba ang kahihinatnan ko kapag tumanda na ako?

Pagkatapos gamitin, iiwan na lng basta?

Ayoko tlagang tumanda. Ayoko...

0 ang nakichika: