koya, ang init ng palad mez

Kalurki!! Umagang umaga, may malibog akong nakashobi.

Pagkahatid sa akin ng aking mudra sa shookayan ng jeepalya (kurek, purita ang lola mez kaya jeeppangga akiz sumasakay sa umaga)

So mega bayad na ako ng ticket nila dhail un ang gusto nila. Shomad yata mga driver abutin at ibalik ung mga bayad from his seat kaya bumuo zeela ng organisasyon o kapisanan para magmanage ng mga bayad.

Winnur davauh?!

So pagkagets ko ng shicket, mega wait na akiz para makasakay. Ang kroglema naman, may ticketing management nga zeela, ang pilahan naman ang absent sa klase. Waing pila pila. Shokbohan ang mga jusahero para makaenter the dragon of air pollution. So, papasok ka pa lng sa jeep ng umagang kay ganda, haggard ka na kasi agawan factor ang labanan para makasakay sa dami ng jusahero.

Kalurki!!

So pagkashopos ng 43 1/2 years ng pakikipagsikuhan at apakan sa ibang josahero (buti na lng walang cute kundi lost ang byuti kez. huhu) nakaupo din akiz.

Madami dami pa din ang kulang, nakikipagjogawan ba naman ung mga majujubis kaya wa magkasya sa pasukan ng jeep.

Biglang may na-sight akiz na nakashongin sa lola barbara mez.

Hindi sa akin to nakatingin kaya kunwari lumingon na lng ako sa iba para d naman mahalata na nakatingin din ako sa kanya.

D ko type. Mukha namang ok pero wiz type ni lola mez. Tanders na kasi.

Tumabi sia sa akin. Aba aba aba aba.. kyoding itei! Malambot ang pilantik na daliri. haha

Nakared na polo. Maluwang na black pants. Sapatos na malaki.

Hip hopper na kyoding. kakaiba davuh?! haha

So mejo jontok pa ang lola mez kaya napag isip kong bumorlogs na lng ng biglang..

nangati ang katabi kong bading at inabot ng kanan niang kamay ang kaliwa niang bewang sabay brush ng daliri sa legs ko.

Hmm?? sinadya kaya un??

D ko na lng pinansin. Baka d nia sinasdya.

At biglang naulit after a few minutes..

Hmm... kadudaduda....

At naulit uli....

Kunwaring borlogs lng ako nun pero naiinis na ako sa kanya kasi naman aga aga, jontok pa lola mez, biglang may malibog na tanders na magpaparamdam..

kalurki!!

Nung pababa na cia, bigla ciang napatayo at sinadya niang hagurin (kurek! hagod tlga, ate!) ang tuhod ko. D naman halata sa d nakakaramdam, pero sa kapwa kyoding, halatang halata un. Haller, ang laki ng lugar para ikaskas nia ang palad nia sakin davuh?

At ang init ng palad nia. Parang tinapat nia sa kaldero bago nia hinagod sa tuhod kez!!

Kalokra tlga!! Montik na akiz mapatumbling sa lakas ng loob nia dahil umagang umaga ang libog ni bakla! haha

Bakit ang mga gwapo, d ginagawa saken itei? hihi

Malandi na ako. itigil na nga itei. hihi

1 ang nakichika:

the prodigal son returns!

Friday, August 31, 2007 at 4:39:00 AM GMT+8
Permalink this comment

1

said...

We should meet Barbara.