eto, Hansel kumain ka


Gumimik kami nung Friday, san pa nga ba, kundi sa baklaan ng Makati, Government. Dahil manggagaling pa ako sa workalee, eh binitbit ko na ang purse ko na singlaki ng bahay namin. Taray sa purse dava? Paris Hilton, Eat my ass!

Ay, winner, dumaan pa pla ang bakla sa gym. Hayy, nakita ko na sana si Select, (kung cnu cia, basahin nio ang previous posts ko. Kung anek un, bahala kayo. hehe) kaso tinamad sia maggym. Nagpacute si bading. Infairness, cute naman tlga cia. Mejo tumataas nga lng ang noo nia. haha

After ng Gym, mega gallop (korek, reindeer nung gabing un ang lola mo.) na ang lola mo sa condo ng friends ko. Duwa sila. C Becky at c Markee. Parehong kadugo ng lola mo. Kung hindi ko sila friendship, kakumpitencia ko sila sa beauty contest dahil sa angking ganda at experience nila. Buti na lng naging friends kami, kundi... Hmp!

Heyniway, andun din pla ang buong pamilya shoklita sa condo. Konti na lng pwede na kami initin. Sardinas itu. Ang dami namin. Ang saya, baklaan tlga. Uminom na muna kami dun para pagdating ng Government, may amats na! Tipid na, praktikal na, sushal pa! Kunwari madmi na kami nainom sa loob. Victoria Beckham dava?!

Walang kwenta sa loob. Ang inaasahan kong mgandang Friday gimik ay nauwe sa maagang pag uwe. Katamaran tlga dahil ang panget ng set ng DJ tapos isama pa ang nilalangaw na loob ng club. Kurek, walang tao! Kung andun ka man nung araw na un, baka bigla ka na lng tumumba at humilik sa gitna. Ang sakit sa bangs tlga.

Mga 3am na kami umuwe. Kung magnda ang music nuon, baka kaladkarin pa ako palabas ng mga bakrends (bakla friends) ko. Kaso nung Friday tlga, sa labas na lgn kami tumambay. Iritasyon!

Derecho sa condo ng barkada. At hindi na ako pumasok kinabukasan. Sakit ulo. Dun na lng ako nakitulog. Winner dava?!

Nakasando at pekpek shorts ang lola barbara mo. Nagputna pa kami ng Walter Mart dahil nagutom kami ni Becky. Ay! Kabog ang mga tao dun nung nakita kami. hihi 2 bakla ba naman umagang umaga ang masight nila?

Buong araw kaming nagkkwentuhan na bakrends ko. Umuwe ung iba, natira ubng gma hindi kinaya ang gabi. Dahil im sure, gigimik kmi uli ng Saturday night dahil Birthday ng isang dj dun sa gov't ciempre lilipad uli kami later. Magpapalampas ba akong d makita ang future husband ko? Wiz mangyayari un ever gotesco grand central!

Buong araw na music marathon. As in parang nasa Government din ako dahil sa house at remixes ang pinatutugtog. Hayy, katamad na araw. Hindi ako pumasok, sakit lng tlga sa ulo. Teka, namention ko na un dava? Winner, hanggang ngaun sabog pa din ako. hihi

Nanuod ng Another Gay movie. Ok ung movie. Kung hindi dahil sa cute boys, baka naborlogs na ako bigla umpisa pa lng. hehe

Ayan na, gagabi nanaman. Kaso kaso kaso at isang malaki pang kaso, pang isang araw lng ang binitbit ko sa purse ko. Kmustahin ang kakulangan sa underwear? Hayy, kung bakit ba naman kasi kelangan pa mag underwear eh? Eh maghuhubadan din naman kami kung sakaling may booking akong magets. (oy, joke lng un. hihi malandi ako pero wiz cheappangers ang lola mo. defensive ba? hehe)

Humiram ako ng damit. At kumandirit papunta sa Walter Mart para bumayla ng undies at the middle of the night. Ung baggay (bagger na gay) eh todo landi pa saken with matching "Sir, babalik po kayo dito ah? As in bukas pwede. Or mamaya after po ng shift ko intayin nio ako. date tayo." Kinailangan ko pang titigan cia na ala-bella flores at chanda romero na pinaghalo para bitiwan ang pinamili kong underwear dahil hindi nia talaga binibigay hanggat wiz sumasagot ang lola mo.

Gusto ko sana sabihin, "ateng, lulurki din ang hanap ng lola mo. Mas girl ka pa sa nanay ko." sabay irap then quarter turn then Heidi Klum walk palayo.

Pagdting ng condo, nagdesisyon kami ni friendship ko na magcheck ng mail. (ito na ang term para icheck kung may boylets na nagreply online sa messages ng lola mo.)

Winnur, andun pa ang 2 sa mga crushezz ko sa Government. Ung isa tisoy, ung isa kagandahan ang katawan. Magbarkada din sila. And apparently, roommates pala sila. Taray dba?

Check ng messages. Check ng multiply, downelink at friendster. D na ako mabenta. Knti na lng nagpapacute sa lola mez. Isang malaking *sigh*. Keri lng, paparamihin ko mamaya. hihi ambishosa nanaman ang lola mo. Pabayaan mo na ako, hanggang dito lng naman ako eh. hehe

Lipad sa room, kami na lng pla ang hindi pa naliligo, at nagpeprepare sa gimik. So zoom kami sa aming pagpapaganda. Kapaguran dahil mega hurry burry ang paghahanda namin. Late na kami, baka d kami abutin ng time (dahil may limit time kapag nasa guestlist ka. winner dba? Dapat walang time.)

Pagdating ng Goverment, konti pa lng tao. At mejo umaambon pa. Nagworry nga kami, kasi baka dumami tao dahil naulanan sila. Bigla silang maging triple sa isang patak lang. hihi

Masaya ang gabing un. New friends na may syad din gaya ko. hehe Lumalawak na ang network ko. Kasabay ng pagliit ng chances na makahanap ng asawa. Kung bakit, isipin mo na lng. hehe

5:20 na kami nakalabas ng Government at bumalik sa condo. Masaya sobra dahil lahat kami sabog na sa kalasingan. Pagdating ng condo, ang isa kong boylet, nagdrama. Mega konsiyensya. Infairness, kasalanan ko naman. Nagcancel ako sa date namin para gumimik sa Government. At ang punch line, nagpunta cia ng Government para makita kung lumalandi ako. Taray dba? Kaso hindi nia ako pnansin. Hay, nag enter the dragon ang lola mo sa cr para magcrayola. (cry). Napaluha tlga ako sa mga sinabi nia. Nagworry tuloy ung friends ko kasi d naman nila alam kung bakit.

Tumawag cia. Jabee. Ung nagpacryola sa lola mez.

Jabee: Anu ba tlga? Unang txt mo, sabi mo ayaw mo ako makita. Ngaun naman, gusto mo ako makasama. Ang gulo mo.

Patawarin ang lola mo. Lasing ako nun.

Ako: D ko alam eh. Naguguluhan din ako. Pero ang siguradso ko, gusto kita makasama.

Jabee: Asan ka ba?

Pauwe na cia ng probinsya. Lingguhan cia kung bumaliksa bhay. At taga dun din ako. Uwean ako kaya pwede kaming sabay umuwe.

Ako: Dito sa condo ni Becky.

Jabee: Naghahanda na ako umuwe. Sabay na tayo.

Ako: Magbfast pa kami. Tapos ligo then bihis na. Baka matagalan ka pa kapag sumabay ka pa saken.

Jabee: Ok lng. Sunduin kita jan. Saan ba yan?

Ako: Wag na. Baka mahirapan ka pa. Mabigat pa mga dala mo.

Jabee: Tapos bangag kang uuwe mag isa? Hinde, sunduin kta. Hatid ktia sa inyo then uuwe sa amin.

Kinilig ako dito. Mahina ako pagdating sa mga ka-sweetan. Pero nanaig ako dahil nagmamadali tlga cia. Sabi ko kita na lng kami mamayang gabi.

Jabee: Sige, kita tayo sa SM then sabay na tayo pumasok sa work bukas.

Sa bahay cia matutulog. Sabay kami papasok sa work. Kapaguran. At nakakatamad.

After ng usapan, balik sa room then handa na para umuwe. Sabay na kami nagtaxi ng friends ko para maisa then binaba nila ako sa pinakamalapit na suking LRT station. Then sakay ng tren.

Mas mabigat pa ang mata ko sa tren. Kaya mega hawak ang lola mo sa mga mata ko para naman d ako makaborlogs at maground trip sa LRT line. Effort un ni. Wiz ko keri!

Pagdating ng bahay, 9am, jontok na at mejo badtrip. Dahil ala pa akong tulog, maikli ang pasencia biscuits ko.

Mama: Nuod ka dito DVD. nakakatawa. Kasi after nito, padadala ko na to saPapa mo. Gusto daw nia mapanuod sa barko.

Ako: Patulugin mo muna ako!

Nakonsiensya ako dun sa pagsigaw ko kay mama. Kaya mega bawi ako sa kanya after. Sana d nagtampo.

Borlogs ako. Nagising ng 2pm then umihi then borlogs uli. Intermission number 1, to the tune of Chihuahuwa. Nagising uli ng 3pm, umihi, then borlogs. Intermission number 2. To the tune of Chokolate.

Sinundo ko si Jabee sa SM. Bumili ng libro ni Wanda Ilusyunada at umuwe sa bmalik sa parking area para umuwe.

Pagdating sa bahay, kwentuhan. Nuod DVD. Then shower. Pinahiram ko cia ng damit. At natulog na kami. Ciempre, may nangyari samen. Kelangan pa bang imemorize yan?

Isa sa pinaka enjoy kong sex ung samin ni JP. Kasi kahit may action na, nag uusap kami at nagkkwentuhan. Wtih matching kilitian pa. Kaya napatagal bago kami natapos.

Jabee: Anu ba tayo?

Ako: Hindi ko din alam eh.

Nanliligaw sia saken. D ko alam tawag samin.

Jabee: Bakit hindi mo alam?

Ako: Adik ka. wag mo nang tianong kung bakit.

Jabee: Adik ako, dati. Ngaun, sayo na ako adik.

Tumbling to the nth power ako nun.

Ako: Matulog na tayo. Binobola mo na ako. hehe

Jabee: *ngiti cia* ayaw pa maniwala. *habang yakap nia ako*

Ako: Itigil na ito. Nagugutom ako. Ginutom mo ako dahil sa tagal natin matapos. hehe

Jabee: *sabay sundot sa tagiliran ko* Ako pa daw ung matagal, eh anung tawag mo sayo? Huh? *kiliti uli saken*

Ako: Ewan. *kuha ako ng biscuit. Hansel. Mocha Sandwich. Plugging itu* eto, kumain ka na din. para matigil ang pambobola at pagpapacute.

May nagtxt. Binasa ko. At nalungkot.

Jabee: Tapos na din ako kmain. Tulog na tayo.

Tumabi na ako sa kanya. At natulog na magkahawak ng kamay habang naka yakap cia saken. Nag iisip ng malalim.

C Guy ung nagtxt. Nagpaparamdam ng panliligaw nia saken. Akala ko din tumigil na cia. Akala ko din ayaw na nia. Ako kasi, nakalimot na ako panandalian nung kasama ko c JP. Pero nung nagtxt cia, bigla kong naalala ang lahat, hindi pa pala.

3 ang nakichika:

Anonymous

Tuesday, August 7, 2007 at 1:25:00 AM GMT+8
Permalink this comment

1

said...

dude, make up your mind na. (dude talaga e no?!) kawawa naman si Jabee kung bigla kang babalik kay Guy. isipin mo na mabuti sino talaga mas gusto mo...ngayon din...hehe.

good luck! ;D

(at sana naman magcomment ka din sa blog ko hahaha.)

-suntok

lazy john

Tuesday, August 7, 2007 at 12:27:00 PM GMT+8
Permalink this comment

1

said...

haaaiiizzz ang hirap ng sitwasyon mo ah... in fairview hanggang dun kalayo ang inaabot ng hair mo ngaun hehehe... hope you'll choose the right one pero ang sigurado lang eh one of them ends up sad in the end...

Turismoboi

Wednesday, August 8, 2007 at 8:54:00 AM GMT+8
Permalink this comment

1

said...

dami boylets