Iha, nakikita ko pa ang gatas ni Inay..

Nakasakay ako ng jeep papuntang Dakota (hihi..) Harrison nang may nakasabay akong limang mga estudyanteng babae. Nakita ko sa uniforms nila ang salitang "high schoo." Pero kung tutuusin, mukha pa silang mga grade 5. Maroon skirts at white blouses. Black leather shoes, kaso ung isa, sushalin, nakachux. Blue green na magnda ang print. Mukhang original pero nakakapagtaka. hehe
Hindi sa minamaliit ko na galing silang public school, pero naman kung amarte sila, prang sila may ari ng jeep.

Nagulat na lng ako nugn narinig ko ang mga salitang "eb, txtm8, pogi, maayaman"dun sa babaeng nakachux. Iha, napakabata mo pa para jan dba? un ang gusto kong sabihin.

Pero hindi ko na sinabi, baka mabungangaan lng nila ako.

Gurl 1: Nakipageb nga ako. Ok naman. Mabait. 2 kmi nung isa ko pang classmate na kinita cia.

Gurl 2: Tlga? ako ayoko nakikipag eb. nahihirapan ako. Alam mo naman ngaun, baka niloloko lng o baka rape-in nila tayo. (panalo c bakla dun sa linyang un. mature kung mature.. )

Gurl 1: ala lng. Kumain lng kmi. nilibre nia kmi nung classmate ko.

Gurl 2: O? Saan?

Gurl 1: dito lng.. jan... (sabay turo sa may mga fastfood sa may Pedro Gil)

Gurl 2: anu naamn kinain nio?

G1: d ko alam, bsta mamahal sila. tapos binigay pa nga nia (pertaining to the guy she met) samin ung pagkain nia. tawa kami ng tawa. haha

G2: ang tatakaw nio. mayaman ba cia?

G1: o0, mayaman. May kaya.

G2: taga-san ba cia?

G1: QC.

G2: Biruin mo pinuntahan ka nia dito. Ung iba ako papinapapunta. Aba, kung sila nag aya, sila pumunta.

G1: Un na nga.

At ang mas nakakalokah, sex ang pinag uusapan nila after nung eb na un!!! Kesyo masakit daw sa una.. mahapdi at d nila makakalimutan..

Hanuveh?!

Anu na ba ang nangyayari sa kabataan ngaun?

Anu bang pinaggagagawa ko nung highschool ako? Nagkakabisado ng Philippine History at gmgwa ng article para sa school paper!

Napag iiwanan na ako. hmm....

0 ang nakichika: