Ngumunguya ng Charantia Bitter Herbs

One time pagkatapos ko magtrabaho na parang walang bukas, tinamad na ako makipagsiksikan sa MRT kaya super jeep ang lola nio.

As in with cape and all.

Char!

Dahil medyo late na din, at Thursday noon, wit ko ineexpect na madaming tao.

Kaso pagsapit ng Taft, ayan na ang mga nerdy boys ng DLSU.

Wala man lang gwapo.

Well, late na at for sure ito ung mga nagsara ng library.

Haha diskriminasyon talaga?

Anyhoo, bumaba na din ung sa kanila sa mga sumunod na istasyon kaya kebs na kung ano pa mga ginawa nila habang kasakay ko sila.

Wa naman akong paki.

Hello? Sila ang dapat maging conscious dahil they are in the presence of royalty.

Az in daba?

Makakatulog na sana ako sa kinauupuan ko sa harap ng biglang may mga sumakay na sirenang walang buntot din.

Hindi ko sila knows so may I pretend na kunwari nakatingin ako sa dako pa roon at pinakikinggan ko sila sa kanilang chismisan.

"Kasi naman teh!"

"Teh, ang pait ng hangin bigla!" sagot nung isang mas malambot sa kanila.

"Tse! Basta nakakairita siya noh!"

"Dahil lang dun? Bakla ang bitter." sabay tawa niya.

"Gurl, ikaw ba naman, magdedate kayo ng ilang beses tapos sasabihin sa'yo na hindi pa daw siya ready magkarelasyon uli. Na hindi pa daw siya ready isuko ang bataan." sagot nung baklang pinaglihi sa ampalaya.

"Teh, ok lang naman un. I'm sure ginamit mo din yang linyang yan sa ibang hombre diba?"

"Well.."

"See!"

"Eh un nga. Kaso dinate lang niya si (d ko narinig yung name. Kakaiba kasi.) tapos ngayon ang kwento ni bakla gusto na daw makipagjowa. Ano yun?"

"Bakla, tanggapin mo ng ayaw sa'yo nung tao. Nagustuhan niya ang lambut-lambutang friend natin." At natawa siya sa sariling joke.

"Gagah! Ganun na nga. Kairita lang."

"Bakla, alam ko na tawag jan. Inggit. Hindi pait. Inggit talaga." sabay tawa. "Tapos lalo ka pang nagiging mukhang tanga tuwing pinapakita mong affected ka. Bakla, konting control. 35 ka na." tawa uli.

"Tse!"

"Bakla alam mong totoo mga sinabi ko. Wala ka ng magagawa. Hindi ikaw ang gusto. So tama na ang pagnguya ng charantia bitter herbs and spices!"

Wit akiz binayaran for this. Hihi.

"Hay nako talaga teh! Ang mga lalaki talaga!"

"Bakla, kung gawain mo din, tama na ang pag-iinarte. Wala kang magagawa."

At sabay na silang bumaba after ng ilang stopover ni Manong Driver.

----------------------------

Biruin mo na ang lasing huwag lang ang baklang nawalan ng booking!


2 ang nakichika:

Shenanigans

Tuesday, September 25, 2012 at 12:59:00 AM GMT+8
Permalink this comment

1

said...

nakakairita yung ganung excuse

"di po ko ready makipag relasyon"

SHUTANGINA BEEEEEEEECKS! ang LAME ng excuse!!!!

ANU YOOOOOOOOOOOOOON?

makikipag date, grindr, chat sa DL, lalandi sa Bed or Obar tapos HINDI HANDA? TANGA TANGAHAN?

lecheng mga walang kwentang mabababaw na tao yan!!!

.....

ay sorry! nadala lang ako.

hahaha!

nasabihan na din kasi ako ng ganyan eh... hihi!

Barbara Bakal

Wednesday, September 26, 2012 at 12:33:00 PM GMT+8
Permalink this comment

1

said...

Russell: uhmm.. friend, d ko masyadong ramdam ang poot mo. as in. parang bored ka pa nga sa comment mo. un bang walang ganang magtype. ganyan. haha choz!