Si Nicki at ang escalator

Hay naku, mga ditse.

Fresh from the experience.

Lecheng-leche lang talaga.

Kung may mas leleche pa, eto na yun!

Az en!

Anyway, pauwe na ako galing work ng nagsimula ako magpatugtog ng bagung-bago kong favorite song na 'Pound The Alarm' ni Manay Nicki.

Hello, MTV pa lang ng kanta, akong-ako na!

Az en!

Magandang substitute ang feathers sa previous na buntot ko. It's a nice change, no?

Kita nio naman.

Makapatay nga ng mga manok sa kapitbahay para naman may pang Casual Fridays ako sa office.


Eto na ang pinakabonggang Casual Fridays with officemates, if ever!
Anyway, so eto na nga.

Andun na akiz sa may walkway rumarampa papunta ng MRT ng bigla kong masight ang aking kaopisinang singsarap lang ni Papa Paolo Avelino.

Hindi singgwapo pero day, ang ang appeal parang hindi ako makakapasok kinabukasan kapag nagsama kami sa iisang bubong ng isang gabi.

Partida, nakadamit pa siya ng lagay na yan ah!

Hahahah

Basta nakita ko siya at feeling ko nakita niya din ako.

Kaso dahil magkakilala lang kami by face, super smile lang ang lola nio.

Ganyang smile. Pinagpraktisan ko pa yan nung may buntot pa akiz!

Kebs na kung may ibang nakakita or kung nagmukha akong shunga dun.

Basta ang jimportant, nagmeet ang aming mga eyes.

Para mapanaginipan niya din naman ako kahit 2 minutes.

Ung moment na kinakati siya.

Un ang bet ko! Hihi

So binilisan ko ang lakad para mag-abot kami.

Nandun kasi siya sa kabilang side ng daanan.

Para sa office lang, nasa ibang floor siya kaya bihira lang kami talaga magkita.

It's us against the world ang peg diba?

So nung nag-abot na kami, may slight pagbabagal naman ako para nauna lang ako sa kanya tapos nasa likod ko lang siya na naglalakad papuntang MRT.

Maglaway ka sa pwet kiz! sa isip ko.

Sana lang walang nakarinig. Hahaha

Tapos pagsakay ng escalator, nauna siya.

Gagamba-levels naman kasi ang biyas ni Kuya!

Ang haba-haba.

Pwedeng magmodel sa haba ng strides.

Dinaig ang lola!

Kaso papatalo ba akiz?

Wititit!

Super junod pa din ako.

At kunwari mauuna na ako sa escalator kaya kumanan ako tapos bumaba na sa gumagalaw na escalator.

Eh ang siste, hindi ako makafocus sa binababaan ko dahil nga feeling ko nakatingin pa din siya!

Nung nasa dulo na ako, wit ko nalaman na umaapaw na pala ung mga tao sa dulo ng escalator.

Az in parang kumpul-kumpol na bulbol.

Eww diba?

Kaya dapat magshave!

Kinalaman? Hahaha

Dahil nalate ako ng pagpansin, bumangga ako sa nasa harap kiz na bilat.

Muntik ko pa masandalan si ate.

Eww! Babae!! The nerve dabah?

Eh di super atras ang lola paakyat para hindi ako maipit. Ganun din ung mga nasa likuran kiz.

Hanggang sa naabutan na ako ni Kuya.

Nakangiti ampotah.

"Are you okay?"

Muntik pa ako jimatayin ng slight dahil kinausap ako.

So lumipat ako ng side at sumingit sa side nila para si Kuya eh nasa harap ko.

I composed myself at sumagot: 'Yeah. Grabe ang dami ng tao diba?'

"Oo nga eh. Buti hindi ka naipit."

"Eh alam mo naman dito. Palaging jampacked." sagot ko.

"Napansin ko nga. May lakad ka ba? Nagmamadali ka eh."

Eeeeeee!

Napapansin niya akey!!

Ibig sabihin, pinanuod niya ang aking pagrampa mula nung nagkita kami!

Ambishosa lang diba? Haha

Tuloy-tuloy lang ang chikahan hanggang sa magkajiwalay kami ng bababaan.

Pati talaga mga tirahan, ayaw kami pagsamahin.

Pero bago bumaba si Kuya: "Lunch tayo bukas."

Hindi nagsink-in ang sinabi niya pero sumagot na lang ako ng 'Sige.'

"Kita tayo lobby lunch time. Ok?"

Tumango na lang ang lola nio dahil hindi akiz makapaniwalang makakasama ko siya bukaz.

eeeeeee!

Pero dahil naalala kong isa akong barako sa kanyang mga mata, siyempre hindi ko pinahalata ang nagwawala kong damdamin.

Damdamin na gustong kurut-kurutin at hambalusin ng dos por dos ang mga katabi ko sa MRT.

Excited na ako bukas!

Ano kaya isusuot kiz?

Help me, mga ditse!

0 ang nakichika: