Nakakahilo, teh!

Akala ko madami na akong nakilala noong may buntot pa ako at nagrereyna-reynahan sa karagatan..

Hindi pa pala!

Eeeee...

Ang hirap mamili.

Ikaw, kanino mo bet sumisid at magpasisid?



Si Nicki at ang escalator

Hay naku, mga ditse.

Fresh from the experience.

Lecheng-leche lang talaga.

Kung may mas leleche pa, eto na yun!

Az en!

Anyway, pauwe na ako galing work ng nagsimula ako magpatugtog ng bagung-bago kong favorite song na 'Pound The Alarm' ni Manay Nicki.

Hello, MTV pa lang ng kanta, akong-ako na!

Az en!

Magandang substitute ang feathers sa previous na buntot ko. It's a nice change, no?

Kita nio naman.

Makapatay nga ng mga manok sa kapitbahay para naman may pang Casual Fridays ako sa office.


Eto na ang pinakabonggang Casual Fridays with officemates, if ever!
Anyway, so eto na nga.

Andun na akiz sa may walkway rumarampa papunta ng MRT ng bigla kong masight ang aking kaopisinang singsarap lang ni Papa Paolo Avelino.

Hindi singgwapo pero day, ang ang appeal parang hindi ako makakapasok kinabukasan kapag nagsama kami sa iisang bubong ng isang gabi.

Partida, nakadamit pa siya ng lagay na yan ah!

Hahahah

Basta nakita ko siya at feeling ko nakita niya din ako.

Kaso dahil magkakilala lang kami by face, super smile lang ang lola nio.

Ganyang smile. Pinagpraktisan ko pa yan nung may buntot pa akiz!

Kebs na kung may ibang nakakita or kung nagmukha akong shunga dun.

Basta ang jimportant, nagmeet ang aming mga eyes.

Para mapanaginipan niya din naman ako kahit 2 minutes.

Ung moment na kinakati siya.

Un ang bet ko! Hihi

So binilisan ko ang lakad para mag-abot kami.

Nandun kasi siya sa kabilang side ng daanan.

Para sa office lang, nasa ibang floor siya kaya bihira lang kami talaga magkita.

It's us against the world ang peg diba?

So nung nag-abot na kami, may slight pagbabagal naman ako para nauna lang ako sa kanya tapos nasa likod ko lang siya na naglalakad papuntang MRT.

Maglaway ka sa pwet kiz! sa isip ko.

Sana lang walang nakarinig. Hahaha

Tapos pagsakay ng escalator, nauna siya.

Gagamba-levels naman kasi ang biyas ni Kuya!

Ang haba-haba.

Pwedeng magmodel sa haba ng strides.

Dinaig ang lola!

Kaso papatalo ba akiz?

Wititit!

Super junod pa din ako.

At kunwari mauuna na ako sa escalator kaya kumanan ako tapos bumaba na sa gumagalaw na escalator.

Eh ang siste, hindi ako makafocus sa binababaan ko dahil nga feeling ko nakatingin pa din siya!

Nung nasa dulo na ako, wit ko nalaman na umaapaw na pala ung mga tao sa dulo ng escalator.

Az in parang kumpul-kumpol na bulbol.

Eww diba?

Kaya dapat magshave!

Kinalaman? Hahaha

Dahil nalate ako ng pagpansin, bumangga ako sa nasa harap kiz na bilat.

Muntik ko pa masandalan si ate.

Eww! Babae!! The nerve dabah?

Eh di super atras ang lola paakyat para hindi ako maipit. Ganun din ung mga nasa likuran kiz.

Hanggang sa naabutan na ako ni Kuya.

Nakangiti ampotah.

"Are you okay?"

Muntik pa ako jimatayin ng slight dahil kinausap ako.

So lumipat ako ng side at sumingit sa side nila para si Kuya eh nasa harap ko.

I composed myself at sumagot: 'Yeah. Grabe ang dami ng tao diba?'

"Oo nga eh. Buti hindi ka naipit."

"Eh alam mo naman dito. Palaging jampacked." sagot ko.

"Napansin ko nga. May lakad ka ba? Nagmamadali ka eh."

Eeeeeee!

Napapansin niya akey!!

Ibig sabihin, pinanuod niya ang aking pagrampa mula nung nagkita kami!

Ambishosa lang diba? Haha

Tuloy-tuloy lang ang chikahan hanggang sa magkajiwalay kami ng bababaan.

Pati talaga mga tirahan, ayaw kami pagsamahin.

Pero bago bumaba si Kuya: "Lunch tayo bukas."

Hindi nagsink-in ang sinabi niya pero sumagot na lang ako ng 'Sige.'

"Kita tayo lobby lunch time. Ok?"

Tumango na lang ang lola nio dahil hindi akiz makapaniwalang makakasama ko siya bukaz.

eeeeeee!

Pero dahil naalala kong isa akong barako sa kanyang mga mata, siyempre hindi ko pinahalata ang nagwawala kong damdamin.

Damdamin na gustong kurut-kurutin at hambalusin ng dos por dos ang mga katabi ko sa MRT.

Excited na ako bukas!

Ano kaya isusuot kiz?

Help me, mga ditse!

Hala! 4 talaga teh?

Siyempre hindi katulad ng dati, G4M at Fabuloush lang ang avenue ng mga tukling pagdating sa hadahan.

Ngayon, pati mobile meron na!

Salamat sa mga naglipanang mobile apps eh sina mars at tonette eh pwede ng maghasik ng pagkababae sa sangkabaklaan kahit saan man sila dumapo.

Hindi pwedeng sa websites lang sila magpapakapamin.

Dapat pati sa mga phone apps binubuka nila ang kanilang namumulaklak na alindog!

Ang hirap na nga malaman kung tigasin ko nagtitigas-tigasan lang si kuya, mas lalo pa tayong mahihirapan kasi limited resources ang peg ng mga apps sa ngayon.

Anjan ang Grindr.

Kaya naman nung nadiscover ng inyong abang lingkod ang gaybar-in-da-pocket, ay dali-daling nag-install akey ng Grindr.


Ngayon pang paa na ang dati kong malansang buntot, hindi lang ako magtatampisaw.

Makikipagbalyahan na akey sa mga sirena at syokoy ng Grindr!

Hello? Ako pa ba ang magmamalinis? Hihi

Although malinis naman talaga ako.

Sure akiz jan!

Kimi.

Donselya.

Bubot.

Char! 

Tsaka na yung iba. Ito muna para naman hindi ako masyadong pag-agawan. Diba?

Kaso ang plano ko na bumili ng 2 telepono at install-an pareho ng Grindr eh madami na pala ang mga gumawa.

Mga echosera!

Ang dami talagang makakating mga bakla sa mundo.

Lalung-lalo na si kuya!



Apat-apat talaga!!

Mauubusan talaga ng lalaki, teh?

Hahaha

I'm back, bitchez!

Haayyzz..

Hindi ko alam anong nangyari mula nung huli akong nagsulat ditiz.

Bakit nga ba ako tumigil sa pagbablog?

Bakit nga ba hinayaan kong maulila ang aking mga fanz?

Like kayong 2. Ganyan.

Char!

Saan nga ba ako nagpunta?

Ano nga ba ang nangyari sa akin mula ng huli kong post noong 2008?

At bakit ang dami kong tanong?

Well, 'wag na nating problemahin yan dahil hindi ko din alam saan ako magsisimula. Hihi

Kaso naman kasi, sa dami ng mga pinagagagawa ko mula nung huli akong nagblog ditiz, nawalan na din ako ng time para asikasuhin ang mga bagay-bagay sa mundo.

Kaya nagtago muna ako for a while para lang makapagpahinga.

Makapagnilay-nilay.

Makapag-isip isip.

Ang drama kiz diba? Haha

Oh well. Dahon ng laurel.

Ang jimportante, hinayaan akong muli ni Itay na umahon sa lupa.




Kasi naman, wala akong ginawa dun kundi makipaglaro sa mga isda.



Sa mga hipon.



Sa mga pusit.




Hello, ang lalansa!!

Gusto ko naman maiba.

Gusto ko naman ng karne. 


eeeeeeee!

Gusto ko naman na magbabuyan uli tayo.

Kaya naman....




I'm back, bitchez!