Swerte nga ba o malas?

Noong una, ang saya ko. Akala ko nakilala ko na mga kaibigan na hinahanap ko. Mga gago na kasabay ko nang lalaki sa mundo ng kabaklaan. Hindi pla. Ilan lng ang matatwag na kaibgan, iiwan ka pa. Tinuring mong barkada. Kapatid. Iiwan ka din plang umaasa..

Isang taon na din ang nakalipas mula nung magkasama kami. Ganun din, hindi pa din kami matatawag mong magkakaibigan. Mas malapit pko sa barkada ng iba kesa sa sarili kong barkada.

Tuesday

ako: sama ka?

friend ng friend: bsta kasama sila (ung main barkada nia)..

ako: hindi eh. d dw cla pede.

friend ng friend: ah.. ayoko. mas masaya kung kasama cla..(ung friend nia nga..)


Wednesday

ako: anu na lagay mo? one week na ako nagtatanong sa status mo. ikaw pa naman nagyaya nito.

barkada 1: oo nga eh. tagal kasi dumating nun..

ako: hala. eh ilang linggo na natin plano yan. may pag asa bang makasama ka?

barkda 1: SANA nga eh.

ako: (puro na lng gnyan. simlpeng OO o HINDI na sagot, d mo maibigay) ok. txt mo na lng ako mamaya gabi kung anu status mo.

Kinagabihan.. ako pa din nagtxt. late na nga ako nagtxt, 48 yrs pa cia bago nagreply. nakakadisappoint.

ako: yo, anu na lagay mo?

cia: ala pa din dw. d nila ako mabigyan ng matinong sagot.

ako: (kasi naman deretsahin mo. nag aaral sa isa sa pinakamahal na skwelahan tapos nahihirapan ka jan? Simpleng oo o hindi lng na tanong ang kelangn mo para makakuha ka ng sagot na OO o hindi lng..) ok cge. (hindi na ako aasa sayo. huli na to. ayoko na magmukhang desperado't tanga.)

Thursday

ako: tayo na lng. tuloy ba tayo? ayoko na itxt un, aasa lng ako sa wala. ayoko na madisappoint.

barkada 2: ok cge. tayo na lng. sayang at d kasama ung c (isa pa namin barkada),..

ako: pabayaan mo na. may srili ng buhay. kita mo, ala na sa sirkulasyon natin. parang hindi na tyo kilala, unless may kelangn cia malaman from us.

pinagsama sama ko na mga sinabi nila, para umikli.. simple nga lng na outing, d pa kmi magkasama sama. Hindi na nga cguro ako dapat malungkot dahil na-expect ko ng mangyayari tlga to. un nga lng, umasa din akong sana hindi.

Kung tutuusin, mciado tong mababaw. Pero, kung nabuhay kang kagaya ko, mag isa mula bata, hahanap hanapin mo ang kasama. Kaibigan na maituturing mong pamilya. Hindi masaya gumalaw sa mundo kung saan hindi ka pa tanggap. Hindi ka pa pwede. Hindi ka pa, ikaw.

Swerte ako dahil nakakilala ako ng mga kaibgan sa kanila. Malas lng, umasa akong magiging 'sex and the city' style kmi.. 'queer as folk' na barkada. 'will and grace'' na samahan. "friends" na pagkakaibigan. Nakakalungkot mag isa. Nakakalungkot maging bakla.

0 ang nakichika: