Kausap ko ung kaibigan ko, nagtatalo kami kasi ba naman, may bf cia, tapos naghahanap ng 'kembot' (na noon ko lng nalamang eb/landi ang ibig sbhin)
Sinasabihan ko cia, bakit mo pa kelangang kumembot kung may jowa ka na?
Cia: eh gnun tlga. alangan namang landiin ko asawa (boylet nia) ko dba?
Ako: OO. bakit may masama ba kung landiin mo cia? Kaya ka nga nagbf para iisa na lng landiin mo dba?
Cia: Gaga, ang asawa hindi nilalandi, nilolove un.
Ako: girl, kung lalandi ka pa sa iba, bakit nagjowa ka pa? Tsaka may mali ba kapag nilandi mo ang asawa mo na parang kakakilala ni lng dba mas makakapagpatibay ng pagsasama nio un? kasi parang kakasimula pa lng ng relasyon nio.
Cia: gaga, palibhasa d ka pa nagtatagal ng 7 months hahaha
Aray. Tinaman tlga ako dun. Pinakamatagl ko ng relasyon eh 6 months.
sagot ko: atleast proud akong masasabing sa 6 months na tagal na yun, naging matino ako. walang gaguhan. walang kembutan.
Cia: proud din naman ako na malandi ako. tsaka sayang ang ganda ko noh! haha (kahit alam kong nagbibiro cia, nagalit pa din ako sa sinabi nia na to. Mahal nia ang bf nia pero kaliwa't kanan ang kembot nia.)
Anu ba ang mas tama, 5 months na faithful, na iisa lng ang kasama mo, o 1 year na tagal pero 2nd month pa lng, lumalandi na sa iba?
Valid ba ang sinabi niang d pa kasi ako tumatagal for more than 7 months para sabihing hindi na ako magiging faithful after 6 months?
Mas importante ba ang tagal ng relasyon kesa sa pagsasama niong alam niong naging maayos ng walang halong gaguhan?
Siguro nga dahil medyo idealistic pa ako sa mga elemento ng isang matinong relasyon dahil kulang pa ako sa experience.
Ako ung tipong madaling magsawa kapag paulit ulit na, pero bakit kahit sawa na ako sa paulit ulit na ginagawa namin ng mga naging partner ko, d naman ako naghanap ng iba. Kahit every week ako gumimik noon sa lugar kung saan mas malakas ang tukso lumandi, bakit d ko nagawa? May mga nakilala na din akong nagtagal, pero alang gaguhan, or siguro d ko lng alam.
Nasa tagal ba o sa pagsasama?
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
0 ang nakichika:
Post a Comment