Pauwe na kami galing sa Galera (saka ko na kkwento ung adventures ko dun) at nasa bus kami from Batangas pier to GMA - Kamuning. At dahil sa kainitan ng araw pati na din sa dami ng tao, napilitan na kmi ng kasama ko na maghiwalay ng upuan. Natabi ako sa isang matanda na lalaki. so ok lng. sungitan ko lng to, d na ako guguluhin. so ayun, bayaran na.
ako: manong, sa Cubao lng.
konduktor: ok. eto, (at kinuha ko ang tiket at nagbayad)
Katabi ko na ang sisingilin. Tinanong nia, 'san ho kayo baba?'
sagot ni manong, 'muh-kuh-tee'. as in ung itchy ang meaning. sa isip ko, aba! foreigner pala ito. akala ko naghihihiga lng sa kalsada at nagkataon na naskay sa bus. Wala kasi sa hitusra nia ang foreigner,o kahit na may pera. as in! masama na kung masama, mukha tlga cia alang pera. hehe pacencia naman..
aba, ang binging manong, sabi ba naman, 'saan?'
'muh-kuh-tee... muh-kuh-tee'
bingi ba c manong o sadyang tanga lng, akalain mo ba namang ang isagot eh,
'guadalupe?!' (gusto ko na magpatiwakal nung sinabi nia un. haha)
'muh-kuh-tee'
aba, hindi nakuntento, nilingon ako, kasi ako ung nasa aisle side. eh nakashades ako (taray dba?) so akala nia ata nung una natutulog ako.. eh nilingon ko ung mashonda, tapos nilingon ko cia, ung konduktor...
dahil na rin cguro sa d ko makalimutan niang guadalupe, natanga na din ako at nasabi ko dun sa foreigner..
"where would u like to stop?" hahahah in tagalog, "san ho ba kayo hihinto?"
ang layo sa gusto itanong ng konduktor na "saan ho kayo bababa?"
naghang tlga utak ko nung nasabi ko un. hehe
Sana lng, d ako narinig nung nasa paligid namin, kahiya hiya tlga... hehehe
Buti na lng, nagets ni foreigner at ni konduktor so keber na lng kung mali english ko. hehe
Note to self: wag magmarunong. manatiling tulug-tulugan sa bus para d maghang ang utak. Alamin ang english ng "San nio ho ba gusto bumaba?" Google, here I come.... :)
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
0 ang nakichika:
Post a Comment