naudlot na daga sa butter diner

At dahil sa malaking kapaguran sa trabaho kahapon, niyaya ako, at pilit na pinilit ng isa kong kaibigan na nakilala ko sa Manjam. C Ryan. Isang bata saksakan ng adik, siraulo, and not to mention, baklitang paminta. *ang gaganda ng terms ko sayo daba? hehe*

Dahil gabi na paglabas ko ng opisina, d na ako makakahabol sa sine na papanuodin namin. Ratatouille. Kaso ang bangag na Ryan bumili pa din ng ticket. 9:35pm. Kmustahin naman ang pagkalate ng showing time daba? May pasok pa ako kinabukasan kaya impossibleng makapanuod pa kami.

So after work, fly na ako to the nearest LRT station para lumipat lng sa LRT2 papuntang Cubao. Kerrek, dumayo ako para lng makita ang baklang adik kong kaibigan. *makonsiyensya ka, Ryan* hehe

EFFORT!!

Pagdating ng LRT2, haggard na ang ganda ko. Walang ayos sa buhok, wlang pabango. In short, walang ganda.

Tama ba kasing nakalimutan ko na magkikita pla kami ni Ryan ngaun?

Pagkarinig ko sa tren ng

"Next station, Araneta Center-Cubao. Ang susunod na istayon ay Araneta Center - Cubao"

Standing ovation agad ang lola mez at fly to the nearest sliding door. Sosyal, parang model lng ako kunwari. rampa pababa at palabas ng station.

Shettangga!! Madami palang badess ditei, tapos wala akong ganda? This is injustice!!

So mega glide ako to the CR only to find herds of badesses roaming around the restroom. Kamustahin naman un daba?

Kaloka ang kabaklaan. Walang patawad. Pati banyo. Iritasyon!!

Awardance ang mga tukling na ito! Parang ang sarap bigyan ng naghuhumiyaw na gintong medalya na hugis pekpek! hahaha

Pag akyat ko sa cineplex, ryan was nowhere to be found. Tinry ko sa Lost and Found, kaso d daw sila tumatanggap ng nawawalang adik. So tumayo na lng ako sa isang tabi at naghintay na may kumalabit na adik para manghingi ng pambili ng drugs.

Nagulat na lng ako, biglang may tumalon sa gilid ko. Hindi hop, talon talaga. Konti na lng, lundag na ito. haha Naka-jacket na itim at red na v-neck shirt. At F&H pants na katulad ng nasa cabinet ko. Bakla tlga to! haha c Ryan lang pala, ang baklitang adik!

Ako: Imposibleng makapanuiod pa tayo ng sine. 9:35 pa ung susunod. D ba pwedeng papalitan ng movie?

Ryan: Nirefund ko na. Wag ka na magmaganda jan. hehe

Ako: Fine. So san tayo lafang, gutom na ang lola mo.

Ryan: Basta ako bahala. Nasa labas pa un eh.

Ako: hala. mega gutom na ang lola mo, paglalakarin mo pa ako? Award ka!

Ryan: Wag ka mag inarte. Bsta sumama ka na lng.

Ako: Effort tlga? Kelangan tlga ung parnag gumagapang na ako sa gutom papunta sa kainan bago mo pko pakainin? Winner ka!

Pagkalabas ng Gateway, Butter Diner ang pinasok namin. Mega dami ng kinain ng lola mo. Parang any minute huhulihin na ako ng chef para lutuin! *korek! susyal ang laman ko. ambisyosa dava?* haha

Mega kwentuhan. Asaran at gaguhan. Nainggit pa ako sa hairstyles ng mga crew. Afro. Mala-Beyonce sa Austin powers! Gusto ko nga tnungin ung isang crew at para makapagpabili ako ng gnun. Award un sa office pagpasok ko bukas! hehe

Nang patapos na kami, may dumating na 2 guy, biologically nga lng. Ung isa mukhang pahada at ung isa mukhang humahada. *sama ko dava? hahah*
Ako: Sa tingin mo straight sila?

Ryan: Ay! Kung straight sila, girl na ako!

Ako: Ambishosa! haha *sabay kuha ng paminta sa table* eto ka o! hahaha

Ryan: *natawa* hindi, asukal ako. kasi sweet ako.

Ako: Uwe na tayo. Bigla ako nawalan ng gana. haha

Nag ikot ikot kami sa gateway. Naghanap ng libro ni Wanda sa Fully Booked. Kaso wala.

Ryan: Sa national tayo pumunta.

Ako: May National ba dito?

Ryan: OO, mlaki nga eh.

So habang naglalakad kami papunta sa kung saan mang lupalop matatagpuan ang National Bookstore.

Ako: Grabe, anung bansa na ba tyo? Ang layo nito ah?!

Ryan: D pa tayo lumalabas daba?Inaty naman.

Ako: Grabe ang tagalk anamn!! Effort ito ah! Effort!!

after 5 mintues

Ako: Effort na tlga ito ah! Asan na ung national na yan? Pinapagod mo ako! Effort! hahaha

RYan: Pwedeng mag intay? Itulak kaya kita jan? haha

after 5 minutes uli, nakita namin ang National. Kaso madilim na at may nakaharang na bakal na sa harapan.

Ryan: Malas ka! pinagsaraduhan na tayo! Bawal daw kasi ang hindi virgin!

Ako: Grabe, lightyears ang tinagal nating maglakad tapos wala pla?! At excuse me, super duper mega at over na virgin ako. Masikip at inosente ang buong katawan ko. hahah

Dahil sa kapaguran kakaikot, napagdesisyunan na naming umuwe. Kapagod. Effort tlga. Kamuntikan pang mawala ang cellphone ng bakla sa may MRT. hehe

Malas ka kasi, Ryan! haha

3 ang nakichika:

Anonymous

Wednesday, August 1, 2007 at 6:18:00 PM GMT+8
Permalink this comment

1

said...

he he he. kulit.

wanderingcommuter

Friday, August 3, 2007 at 7:56:00 AM GMT+8
Permalink this comment

1

said...

masaya ang mga bagay na hindi napapansin ng iba pero ikaw napoapansin mo... hahaha...

hanga, kudos!

Anonymous

Friday, August 3, 2007 at 12:41:00 PM GMT+8
Permalink this comment

1

said...

oi... magtigiltigl sa pandrodrowing ah... malapit ka nang magmasteral dyan ay actually parang pangdoctorate na... kung hindi meron akong mga ibubulgar na sikreto mo... mwahahahahahah( sabay lagay ng kamay na me nakaipit na panyo sa tapat ng bibig habang tumatawa) hehehehe