Akala ko noon, ang diskriminasyon eh nararamadamn lang ng taong may pagka-inferior na nararamdaman towards others... hindi pla. Ipinamumukha din pla un. Masakit dahil totoo. Pero mas masakit dahil akala mo, wala kang ipinagkaiba sa knila..
"well, what can you expect from a *** grad?"
ang sagot ko sana eh NOTHING dahil para saken, mas magnda ung ala kang ineexpect from someone dahil it only adds pressure lalo na kung maciadong mataas ang expectations ng ibang tao. Hindi ba mas magnda ang feeling na ala clang ineexpect from you tapos bigla plang may nagawa kang magnda?
Pero iba ang pinadating sakin ng isa kong nakilala. Nothing. As in wala. Walang kwentang tao. Hindi nararapat bigyan ng importansya. Bato, in short. Masakit, hindi dahil sa totoo o hindi, kundi dahil mangagaling pa mismo sa taong hindi mo iisiping magsasabi nun sayo.
Ganoon na ba kami kababa at hindi kami dapat bigyan ng importansya?
Dahil hindi kami nakapasa ng UPCAT?
Dahil hindi kayang pumasok sa Ateneo o bayaran ang tuition fee ng Lasalle?
Dahil lumipat ng eskwelahan dahil hindi RAW tumatanggap ang UST ng shifter kaya napilitan akong lumipat ng ibang unibersidad? (iilan lng ang hindi tumatanngap. malas lng at ung gusto kong lipatan, hindi DAW tumatanggap. Tapos malalaman kong sa sumunod na sem eh tumatanggap na pla sila dahil nakalipat ung kabatch ko dun...)
Nakakapanghinayang dhil hanggang ngaun, buo pa din ang diskriminasyon. Nasa skwelahan ba tlga ang ikatatagumpay ng isang tao? OO, nakakatulong pero dahil ba dun eh may karapatan na ciang matahin ang hindi pinalad? Ako. Kami?
Nakakalungkot dahil naranasan ko din ito nung naghahanap ako ng trabaho. Kuha ko na ung posisyon. Sila na nagsabi na congratulations. Pinaghihintay na lng ako for signing, pero nung ininterview nila ung isang taga TOP school, biglang "we'll call you for updates about the position you applied for." ang sakit. Late na dumating pero cia pa din ang natanggap. Bitter? Cguro. Pero hindi naman cguro tama un. Hindi naman cguro tama ung gnawa nila saken.
Sa chat, ilang ads na din ang nabasa ko. ANy1 from UP, ateneo, DLSU, USt only?
nasa skwelahan bang pinanggalingan ang ikatatagal at ikasasaya ng relasyon nio?
Hindi naman ako bitter. Naiinggit lng. Dahil hindi pantay ang tingin sa amin. sa akin. Anung kulang sa amin? sa akin?
Nakakalungkot. Nakaka-disappoint. Bakit gnun?
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
0 ang nakichika:
Post a Comment