Sinong Bestfriend mo doon?

Alang kakaibang kaganapan ngaun... usual na araw. Pero kagabi, tumambay ako kasama pa nung iba kong kaibagn sa bahay ng close friend kong c Em Em. Andun ang balikbayan nilang barkada at literal na nagwala cia.. nanghada. Imbes na gumimik eh naisipan na lng nilang mag inuman (na ala namang exciting na naganap bukod sa pagsipa ko sa isang baso ng beer..salamat sa excitement ko sa pagpicture picture...). Nagkodakan buong gabi hangang sa inantok at nagsitulog...

ang resulta? LATE AKO. Ilang araw kong inalagaan ang time in at time out ko para alang bawas sa sweldo, eto, may bawas nnaman. Naghalf day na ako dati dahil sa kalandian, ngaun naglate naman dahil sa kapuyatan...

Sayang, may kameet sana ako ngaun, after kng magpalaki ng katawan.. kaso aun, nag inarte. Taga-philcoa cia. Sa Malate pa ako manggagaling. EB place? SM North. Ayaw niang umabot ng lagpas 10pm. Cinderella?! Korek!! Ayun, ako na nagcancel bago ko pa maitsa ang computer ko sa kabilang building. Ayoko ng Maarte. Ayoko ng pahabol effect. Ayoko ng kumplikasyon. Ayoko.

Pero kahit papano, magnda naman ang araw ko ngaun... salamat sa pagpapabasa sakin ng sulat ng kaibgan ni Jiban. Dahil nagkahiwa hiwalay na ang barkada nia. Parang ung akin.

Jiban, d ako nagpaalam, pakopya ng isang linya...

"Hindi ako magiging ganito kung hindi dahil sayo.." un ung isang linyang nagpabigat ng dibdib ko.. Yan din ang masasabi ko sa mga kaibigan ko nasan mang panig sila ngaun ng buhay nila. Nagkanya kanya na kami. Isa na lng ang nakakasama ko dahil iisa kami ng lugar kung san kmi nagpapaka alipin ng dumbells at barbells. Lalo kaming naging close pero twing magkasama kmi, lalo ko din hanahanap hanap ung iba pa naming mga kaibgan.

Sa mundong ginagalawan ko ngaun, ang paghhnap ng kaibgang makakasama mo hanggang mamatay ka, eh parang paghahanap ng isang butil ng buhangin sa boracay. Ang pagiging bakla lang eh isang problema na. Panu pa kaya kung ala kang kaibgang tutulong sayo? Alang kaibgang sasama sayo twing napagtripan mong maglakwatsa? Kaibigang magagalit sayo twing may ginawa kang hindi maganda sa kapwa bading? Kaibgang sasabhin sayo, "***, Andito ako, Mahal naman kita.." sa twing hihiwalayan ka ng boyfriend mo...

Nabuhay akong mag isang bakla. Tahimik. Malungkot. Akala ko noon, ako lng ang ganito. At mula elementary hanngang early years nung college eh mag isa ako. Madaming kaibgan. Madaming tunay madaming peke. Pero hindi ung kaibgang katulad ko na makakaintindi sa kalagayan ko. Kaya siguro konti lng nakakalaam na ganito ako. Bakla. Kaya nung nakilala ko ung mga kaibgan ko, na tinuring ko nang barkada, hindi ko akalain na ganito ko din sila kamahal. Sila ang nagbago ng buhay ko. Ang naging dahilan kung bakit kahit single ako, ok lng. Bsta anjan sila. Ang naging dahilan kung bakit mas tanggap ko kung anu ako ngaun at kung anu ako bukas. Hindi kami nabigyan ng pagkakataon na magkasama sama madalas. Bihira lng. Pero sila ang mga kaibigang hinahanap ko.

Sa kasamaang palad, hindi pwedeng ganun na lng kami. Nagtuloy tuloy nga ang agos ng ilog. Ngaun? Kahit na andito lng sila, kanya kanya pa din kami. Naiyak ako nung umalis papuntang ibang bansa ung isa, hindi lng dahil mamimiss ko cia, kundi dahil noon pa lng eh alam ko ng imposible na kaming magkasama sama. Hindi na kami magkikita kitang magkakasama. Siguro pagkatapos pa ng ilang taon. Ok din yun, kaso iba na kami. Hindi na kami ung makukulit na siraulo gaya ng dati. Hindi na kami, kami...

Kaya sana, kung nasan man kayo ngaun, kahit saglit, maalala nio din ako. Dahil sa inyo, ganito ako. Kumpleto. Masaya. Bakla.

Hindi ko alam ang buhay ko kung hindi ko kayo nakilala. Kayo lng ang kinilala kong pamilya sa labas ng bahay ko.

Siguro maghihintay na lng ako kung kelan kayo babalik. Hanggang dun lng ang kaya kong gawin. Sana masaya din kayo gaya ng saya ko kasama nio. Sana masaya kayo ngaun hanggang bukas. Salamat.

Salamat...

0 ang nakichika: