Ang Halay!

Siyempre dahil nanumbalik ang aking gana sa pagba-blog lately ay nainspire na din ako magbasa-basa na din  ng mga blogs sa paligid ko.

Hello?

Ung mga dating nasa Blogroll ko ay sumakabilang-buhay na ang mga blog.

Mga kasing-edaran ko lang kasi.

Nung mga panahong aktibo pa ang lola nio sa internet, ang dami ko din nakilala through my blog.

Kaya super exchange kami ng linkz and all.

Kaso isa-isa na din silang naglaho dahil siguro nagbagong anyo na din sila like me.

Ganyan ako matulog. Sa loob ng aquarium. (Source)

Kaso naman nung bigla kong binisita ang aking Stats page at nakita ang mga search keywords na papunta sa aking blog, humagalpak akiz ng tawa sabay print screen.

Kasi ba naman ito ang tumambulat sa pez ko..

Dahil putol, may I copy/paste na naganap sa Notepad.
Hindi naman masyadong mahalay diba?

Sino kaya ang judiktus na nagsearch nian?

Gusto kong makilala..

At magpakidnap na din. hihi

Nakakapangliit lang

Dahil nga naman hindi akiz nabiyayaan ng beauty queen-level na height.. (ganda lang kasi..) ay isang challenge ang makahanap ng lalaki for mwah.

Kasi naman, knows naman ng lahat ng mga beki na looks matter lalo na sa unang pagkikita.

Hello?

Naging bakla ka pa kung hindi ka naman marunong mag-ayos ng sarili.

Kaso dahil hindi naman nareremdyuhan ang height, dinadaan ko na lang sa pagextend ng leeg at pagtingkayad Hahaha

As in Girraffe Girafee.. peste..

Ang jiraffe i-spell!

Basta ayan ang peg.

Kesehodang mamulikat akiz sa kakaextend ng leeg ko basta makadagdag lang ng kaunting pulgada (hihi) eh kerebum pa din!

Minsan lang andaming echoserang mga bakla na ang choosy choosy kesyo bet daw nila ung 6".

6 Footer kasi gurl. hahah pero hindi na din ako choosy kung 6 inches.

Tapos mga bottomesa naman din pala. Hahaha

#Bitter

Anyhoo, may jisang beses na may imemeet akiz na boylet from Grindr.

First time ko lang gumamit ng Grindr...

(kidlat, ulan, baha, delubyo at sabay nilamon ako ng lupa after maggula-gulanit ng personality ko..)

Fine. Adik na ako sa Grindr. Hindi na first time.

Kere na?

Nyeta.

So eto na nga, magmemeet na kami ni kuya.

Bagets pa. Mga 12. Hahah

Chozmita Sen!

23 naman kasi teh.

Pero ciempre dahil cutiebam, magpapakachoosy pa ba ako?

Sila na nga ang lugi.

So napagkasunduan naming magkikita kami sa Starbucks.

Tambayan ng mga baklang 'sushal-ako-kaya-ako-nagSStarbucks-pero-wa-akey-pera-kaya-wit-ko-ipapahalata-na-isang-frap-lang-binili-ko-for-the-last-4-hours'.

Kinaya?

So nung nauna ako dumating, hanap akiz agad ng mauupuan.

Buti na lang nauna akiz dahil makakahanap ako ng spot kung saan perfect ang lighting at tama ang angulo ng aking pez kapag nakita niya ang alindog ko.

Pak! Praktis muna akiz ng mga poses ko habang wala pa si boylet. 

Nung dumating si kuya, kamuntik na ako mahulog sa kinauupuan ko.

Malayo pa lang, alam ko ng Joel Torre ang bakla.

As in Tore, mga ditse!

Sobrang tangkad, hanggang bewang lang kita sa picture! 

Buti na lang nakaupo akiz at wit niya pa narerealize ang aking kapansanan.

Nung nakita na niya akiz, sumignal siya na oorder muna siya.

Pagkarating sa aking spot, nagsimula na ang pagpepretend na ako ay isang paminta.

Az in!

Minsan nasusuka na lang ako from within kapag naririnig ko boses ko tuwing nagpapakamhin akiz.

Ibang level sa internal hemorrhage, mga ditse!

Chikahan portion kami.

Like ano ano ang mga likes and dislikes..

Dito ko na maaapply ang aking pinagpraktisang pozez!


First pose. May I highlight ang jolders. 

Anu-ano ang mga goals in life..

Pose uli to highlight my fez habang nakikinig kay bagets.

Anu-ano ang mga places na napuntahan namin at mga exotic food na natikman namin...

Nabloat akiz sa frap at banana cake kaya may I hide muna ng cheeks.

Hanggang sa umabot na sa Ex Q&A.

Mga nakalipas na lalaking nagpatibok ng aking invisible flower..

Ang aking final pose. Para memorable kay boylet.

Nung oras na para lumarga at ituloy ang date sa sinehan...

Oy!

Wit bookingan teh!

Ang dumi-dumi ng mga jutak!

Hahaha

I may be easy but I'm not cheap!

Hahaha chozera!

Nagkasunduan kasi kaming manunuod ng Step Up Revolution

So nung moment na tatayo na akiz ay bigla kong naalala ang aking kapansanan.

Kaso dahil wala na akong magagawa, tumayo na lang akiz at naglakad kasabay niya.

Nanliit lang talaga akiz.


Lalo pa ako nanliit nung umakbay ampotah.

Parang gusto pa niya ako buhatin at isakay sa balikat niya.

eeeeeeeeh later na yan!

Kebs na lang kung nagmukha akong dwende sa sitwasyon namin basta nanuod na kami ng sine at tinuloy ang date.

Ano nangyari after?

Well, sabihin na lang nating natapos ang date na may ngiti sa aking bibig at ngisi sa aking virginal keps.

Konting kembot na lang!

Para sa mga fans ng RuPaul's Drag Race, ilang kembot na lang at mapapanuod na natin ang pinakaaabangan ng mga ditse!

Ang All-Stars!

Mga 80% ng mga contestants I think are deserving.

May 2 or 3 na hindi ko lang sure kung bakit napasok.



RUPAUL'S DRAG RACE ALL STARS TRAILER from POPKern on Vimeo.

Una ko 'tong napanuod nung minsang naghahanap kami ni sisterette ng mga anime DVDs sa quiapo. Nung nakita ko ang pez ni Mama Ru, dali-dali kong isinilid sa supot at derecho sa kahera.

Very porn lang daba? haha

Ay naku mga ditse, kung hindi kayo aware sa show na itiz, hindi kayo ganap na bakla! Hahah

As if naman may magdududa pa sa kalansahan nio diba? :P


Ngumunguya ng Charantia Bitter Herbs

One time pagkatapos ko magtrabaho na parang walang bukas, tinamad na ako makipagsiksikan sa MRT kaya super jeep ang lola nio.

As in with cape and all.

Char!

Dahil medyo late na din, at Thursday noon, wit ko ineexpect na madaming tao.

Kaso pagsapit ng Taft, ayan na ang mga nerdy boys ng DLSU.

Wala man lang gwapo.

Well, late na at for sure ito ung mga nagsara ng library.

Haha diskriminasyon talaga?

Anyhoo, bumaba na din ung sa kanila sa mga sumunod na istasyon kaya kebs na kung ano pa mga ginawa nila habang kasakay ko sila.

Wa naman akong paki.

Hello? Sila ang dapat maging conscious dahil they are in the presence of royalty.

Az in daba?

Makakatulog na sana ako sa kinauupuan ko sa harap ng biglang may mga sumakay na sirenang walang buntot din.

Hindi ko sila knows so may I pretend na kunwari nakatingin ako sa dako pa roon at pinakikinggan ko sila sa kanilang chismisan.

"Kasi naman teh!"

"Teh, ang pait ng hangin bigla!" sagot nung isang mas malambot sa kanila.

"Tse! Basta nakakairita siya noh!"

"Dahil lang dun? Bakla ang bitter." sabay tawa niya.

"Gurl, ikaw ba naman, magdedate kayo ng ilang beses tapos sasabihin sa'yo na hindi pa daw siya ready magkarelasyon uli. Na hindi pa daw siya ready isuko ang bataan." sagot nung baklang pinaglihi sa ampalaya.

"Teh, ok lang naman un. I'm sure ginamit mo din yang linyang yan sa ibang hombre diba?"

"Well.."

"See!"

"Eh un nga. Kaso dinate lang niya si (d ko narinig yung name. Kakaiba kasi.) tapos ngayon ang kwento ni bakla gusto na daw makipagjowa. Ano yun?"

"Bakla, tanggapin mo ng ayaw sa'yo nung tao. Nagustuhan niya ang lambut-lambutang friend natin." At natawa siya sa sariling joke.

"Gagah! Ganun na nga. Kairita lang."

"Bakla, alam ko na tawag jan. Inggit. Hindi pait. Inggit talaga." sabay tawa. "Tapos lalo ka pang nagiging mukhang tanga tuwing pinapakita mong affected ka. Bakla, konting control. 35 ka na." tawa uli.

"Tse!"

"Bakla alam mong totoo mga sinabi ko. Wala ka ng magagawa. Hindi ikaw ang gusto. So tama na ang pagnguya ng charantia bitter herbs and spices!"

Wit akiz binayaran for this. Hihi.

"Hay nako talaga teh! Ang mga lalaki talaga!"

"Bakla, kung gawain mo din, tama na ang pag-iinarte. Wala kang magagawa."

At sabay na silang bumaba after ng ilang stopover ni Manong Driver.

----------------------------

Biruin mo na ang lasing huwag lang ang baklang nawalan ng booking!