Sir, nakarma ako

Maciado nang naiinspire ang lola nio magblog at napepressure akong magtala ng mga kaganapan sa buhay ko. Winnur dava?

Kagabi, after a long wait ng pagpapatintero namin ni Gary, nagkita na kami. Kalbo. Tisoy at kasing height ko lng.

Shad: Nasan ka na?

Ako: Papaalis pa lng ng office. Ikaw?

Shad: Katipunan na. Kita na tayo dun ah?

Ako: Ok cge. (pero ang totoo, may tinatapos pa akong trabaho. hihi)

After 10 minutes, tawag c bakla.

Shad: San ka na?

Ako: Eto, hintay ng FX. (pero nasa office pa lng ako. papatayin ko pa lng ung pc ko. pcencia naman)

Shad: Umm.. tinwagan ako ng boss ko. Bumalik daw ako ng office dahil may visitor ang plant. Pwede mo ba ako maintay dun sa meeting place?

Ang bilis ng karma! haha. Kanina lng ako ang dpat nia maintay, ngaun ako na mag iintay!! hahaha

Sa d'Block ang meeting place. So keri lng. Malayo naman kaya magpapatagal na din ako. So nag glide na lng ako papuntang d'block with matching shawl at gown. Cinderella lang kunwari. Taray dabuz?

Shettwa na yan! Ang aga ko pa din. Keri lng, sabi nia padating na dwa cia by 7:30pm, 7:12 na, so sandali na lng un dava?

7:30pm na, mega txt na ang lola mo sa knya, "Asan ka na?"

Wa reply.

Txt uli.

Wa pa din reply. Ni ha ni ho ni hao ma wa tlga!

Pakinggerzie na yan! Inijan na ata ako!

After 15 minutes, nagtxt, paalis na daw cia ng office. Kmustahin naman un dava, Pasay pa galing?!

Haller!!!

Kung d ka lng gwapo sa picture, d tga ako mag eeffort. So mega rampa ang lola sa mall. Parang Victoria Secret Fashion Show lng. Bwisit lng, may mga jologito na audience! Bawal un sa venue, bakit ba pinapasok ng guard?

Guard, may mga hampas lupa sa daraanan ko, barilin nga!

Ambishosa ang bakla, dava?! haha

So rampa na nga dava? Kapaguran, naisa isa ko na ang mga botique. Nakakpagod na. Nakakaskas na ang mukha ko sa mall. Feeling ko ung mga tao dun at crew ng mall stores, nakikilala na ang bakla!

Hello? kokonti ang mga tao, at isia lng ang bakla na kembot kung kembot na parang mays ariling buhay ang balakang sa paglalakad dava?! haha

After 564 years 345 days 55 hours and 45 minutes minus the square root of 65 plus 3 minutes, nagtxt na si bakla,

"andito na ako. Paakyat na sa mall. Kita tayo dun sa meeting place."

Sa wakas!! Makokonyatan ko na cia.

May nakita akong kalbo, na tisoy na kasing height ko lng in a distance. Parang nagdilim ang paningin ko. Sabi nia saken discreet cia. Sabi nia saken, lalaking lalaki cia. Pero bakit gnun ang nakita ko? Kalurki!!!!

Naisip ko, sisiputin ko ba? Sisiputin ko ba? Nagmamaganda na ako! Ang sama ko na yata para d cia siputin! Bakit ba ako nakipagmeet sa knya? Anu bang meron cia? Bakit ba nagsinungaling cia saken? O ako lng nag isip nun? Pero bakit kmukha nia ung professor ko nung college na kinabbwisitan ko? Superficial na ba ako? Kaso nauto nia tlga ako sa sinabi niang manly cia at d mahahalata na bading? Kaso, 50 meters away eh naamoy ko na agad cia? At amoy na kumakapit sa ilong ah?! Nagmamaganda na tlga ako! Nakakainis, bakit sa hitsura ako tumitingin? bakit ba naman kasi nagsabi pa cia na lalaking lalaki cia? Leche tlga! Nalilito na ako! Nagpapanic na ang bakla tlga! Kasi naman, d sa nagmamaasim ako at nagfefeeeling magnda, pero may mga tao na sana nagsasabi ng totoo? Preference ko kasi ung discreet man lng. Kaso sa hitsura nia, tlgang parang gusto kong umalis na! Aalis na tlga ako! Bwisit! Bakit ba ang sama sama ko!

Habang naiisip ko un, nakita ko na ciang nakatambay sa meeting place. Lumilinga linga para hanapin ako.

Shet! Hindi ako tulad nila. Hindi ako gagaya sa kanila. Ayokong gawin sa kanya ang mga ginawa saken noon. Matino ako. Tao ako. Edukado. May manners. Shet, bakla tlga!

Tumalikod ako at hinarap cia.

Ako: Hey, Gary, right?

Gary: Yep! Saan mo gusto kumain?

Lakad lakad kami.

Nagdedecide kami kung saan kakain. Nagpapasahan ng desisyon kung saan lalafang. Naisip ko, ok naman pala cia. Superficial tlga ako, kaso tao lng tlga na mejo natuturn off dahil hindi cia ung inaasahan kong makikilala ko.

Masama na kung masama, pero ganun ako. Cguro, gnun din ung mga feeling saken nung mga taong nang injan saken. Karma tlga ito, bakla! Ramdam ko!

Napagdesisyunan na kung saan kumain. Umorder ng pagkain. Bwisit, bakit sa menu, walang nilagay na may gulay daw, eh d pa naman ako kumakain ng halaman. Shet tlga. Ang daming gulay ng inorder ko. Bwishitemas!

Gary: So kwento ka.

Ako: Hehe ala naman ako makkwento, matagal na akong single. Boring ang buhay ko. Ikaw?

Nung narinig nia un, cue na pala nia para ikwentoa ng talambuhay nia. Nagsalaysay cia. D kwento, salaysay tlga. Kalurki! haha

Masaya cia kausap. Mejo aggressive lang kaya d mciado ate ease angf bakla sa kanya! Heller? Tanungin ba nman ako kung hairy ba ako dun sa area na dapat jowa mo lng makakakita (or atleast kasex hihi) Tapos may mga tanung pa kung active daw ba akos a sex. haha kmustahin naman un.

Maayos naman cia kasama. Madaming alam, well may edad na kasi. Late 20's na din. Pero nakokonsiyencia tlga ako sa muntik ko ng magawa na hindi pagsipot. Sobra.

Nakadating ako ng bahay ng matiwasay. amatayan pa ng phone dahil empty batt. Nagshower at nagbihis ng biglang nakakuha ng txt msg galing kay Mother ng Government.

"Magpeperform kayo. Magpractice na kayo."

Bigla akong nahimatay at nakatulog.

2 ang nakichika:

TL

Saturday, August 4, 2007 at 7:12:00 AM GMT+8
Permalink this comment

1

said...

Winner! Another award! Best Actor in a kontra bida role! Ang shala!!!

Hehehe super sagap ba ng gaydar ang lulurkei? Dapat ask mo xa kung bakit xa nagpapangap na lalaking lalaki eh hindi pala. Ano xa? Hunyango??

lazy john

Saturday, August 4, 2007 at 2:41:00 PM GMT+8
Permalink this comment

1

said...

hahahah kaya pala nadisappoint ka nun... feeling ko talaga karma yan sa palaging pagsasabi na isa ka pang birhen. bwaheheheh at least napatunayan ko naman na me unting bait pa sa iyo akala ko nasira na lahat... hehehe basta katawa!!! Dapat nagkartwheel ka nung tinanong sa iyo yung mga sensitive stuff hehehe.=)