Kulang pa sa tulog ang magandang Barbara kung kaya't mejo maikli ang pacensia biscuit ng lola nio. Kamustahin naman kasi ang lingguhang paggimik twice a day, davah?!
nasa trabaho lng ako buong araw, at as usual, d paramdam c Jabee. Blanko. Parang exam na wa akiz masagot. Kalokah un! Tapos biglang may magriring sa nyelpon ng lola mez
1 Call Missed
Pag pindut ng lola mo, ang nakalagay eh ang work number na lagi kong tinatawagan for the past week. Number ni Jabee.
Avaya! Nagparamdam ang bakla. Tawagan ko ba? Magpapakamaganda pa ba ako?
Hay, tawagan na.
Dial dial dial. Toot toot toot.
Busy. Dial uli. Busy. Dial uli. Busy.
Wit ko na tinuloy. Kalokah. Busy lng. Malamang kay Lam-ang, may kausap na cliente. Maya Maya na cguro.
So balik sa trabaho. After a few hours, mega tawag uli ang lola mo.
Uy, nagring.
Jabee: Hello, ******, Good Afternoon?
Ako: Aba, ang galang nga naman tlga. hehe
Jabee: Aba, ciempre. Required un bakla. hehe
Ganito kami sa phone. Baklaan. Pero enjoy.
Ako: Nax. hehe so kamusta na?
Jabee: Eto, siraan ng ulo dito sa work.
Ako: eheh anu bang bago? Dito din naman.
Jabee: Jan? Petiks ka kaya jan. hehe
Ako: hehe minsan lng naman.
Jabee: Puk* mong green. haha
Ako: yellow nga. Anuburr? hehe so magkita tayo mamaya?
Jabee: D ko alam eh. Pagod ako.
Cnu bang hindi?
Ako: Ah ok cge. Next time na lng. Dpat knina pa kita tinawagan kaso busy ung phone mo.
Jabee: Bakit kanina pa?
Ako: Eh kasi po, bigla kang nagpa-missed call sa phone ko.
Jabee: Huh? AKo?
Ako: Oo no. Nagregister tong work num mo sa cellphone ko. May record ako sa call list.
Jabee: baka auto dial lng.
*&^%$#na mo! Auto dial mong mukha mo. Naisip ko, may gnun ba? Sa tanang buhay ko, d ko pa narinig ang palusot na yan. Landline, may auto dial? Eh hindi ka nga tumtawag sa cellphone ko gamit ang landline mo. Once lng un at patakas pa. And that was three days ago, impossibleng msave ang num ko jan sa dami ng tinatawagan mong kliente!
Kung may auto dial man from landline to cellphone, sorry, ignorante ako pero sa pagkakaalam ko, walang gnun.
Ako: hala? may gnun from landline to cellphone?
Jabee: Ewn ko. Pero d kita tinawagan.
Nawalan na ako ng gana bigla.
Ako: Ah ok.
Jabee: Kung gusto mo, sleep over ka na lng sa bahay. (apartment nila)
Ako: Ngek. Ala akong dalang gamit. Tsaka pagod ako bbyahe pa. hehe remember, wala na din akong pera gaya mo?
Jabee: Ok cge.
Nagpaalam na ako bigla. Or cia ung nagsabi na back to work na cia. D ko na matndaan. Bsta alam ko, gusto ko ng ibaba ung phone. At kinuha ko ung opportunity na ibaba na nung ala na kaming mapag usapan.
Balik to work ang lola mo na may poot sa aking puso. Kirot na gusto kong kumain ng isang buong pizza. Kamustahin naman ang labasan ko ng frustracion dba? Pagkain. Kaya ako tumataba. Bwisit tlga!
After a few hours, nagtxt c Pikoy. Invite daw ng friend nia na film writer. Sana may film din akong masulat. hehe tungkol sa mga masasarap na lulurki sa buong mundo. Hayy, sarap! Tapos habang may sinusulat akiz, may mga alipin akong model na nakatapis lng. shet!!
Ang alam kong ansagot ko, d ako makakapunta dahil sa wa akiz kaandahan. Pero nag aya din ang bagong promote at mahilig na mag asim kong friend, si Jansen.
Jansen: Vaklur, punta tayo gateway later? Ung invite ni Pikoy.
Ako: Wa na akiz anda, gurl. Alam mo naamn kapag maganda, nauubusan ng kaperahan. Unless, may mabait jan na bagong promote na ililibre akiz? hihi
Jansen: Ok fine. 100 lng naman ung movie ticket.
Ako: *aba, lulubsuin ko na ang libre ni bakla. Bihira lng un topakin manlibre. hehe* Well, sana kahit may isang kurot ng pandesal malibre mo din ako, bakla. Kahit isang kurot lng naman.
Jansen: hahah fine fine. Bakla ka tlga.
Ako: Haha yay!! dahil jan, maganda at mabait ka na. Ngaun lng ah? Wag abusuhin. hehe
Jansen: Haha inggitera!!
Ako: haha gnun tlga! Cge, kita tayo after work.
After work, lipad na ang lola mez sa fx station para sumakay. Kaso naman, ang bwisit na driver, wala ata balak isoli ang sukli kong 25 kiyaw unless ipakita ko sa kanya ang mala-Odhette Khan and Chanda Romero eyes ko! Kalurki un! Kung hindi ko pa cia tinitigan na parang papatayin ko cia, d pa nia maiisip na isoli ang sukli ko. Aba, pamasahe din un, davaching?
Katxt ko din c Jabee habang nasa fx.
Ako: kta kami ni Jansen sa gateway. Nuod ng cine. sama ka?
Jabee: NO. Cge enjoy kayo. u
Aba, ngaun lng ako nakatanggap ng isang NO from someone who claims he's courting me. Sushal. Kumukulo nanaman ang dugo ng lola mo.
Fine!
Ako: Ok.
Lumabas ako ng fx na dala ang mundo sa mga paa ko. Bwisit.
Nagkta kami ni Jansen sa gateway kasama ung friend niang galing ibang bansa. Hongkong ata, na kelangan kausapin mo in english para magkaintindihan kayo. All the time, nakatingala ako. Dahil any minute, tutulo na ang dugo ko from the nose. Effort!!
Ang haba ng kapilahan. Parang linya lng sa movie nina Juday at Baklang Piolo dati. Box office tlga itei! Di namin napansin ang yellow font color ng movie.
Pagdating sa counter.
Counter woman (bsta ung nasa counter na kukuha ng bayad at pupunit ng ticket habang pumipili ka ng uupuan mez): sir, *sir tlga? irita!* sold out na po.
Hanudaww?!
Counter woman: Sold out na po.
Biglang gusto kong maging super saiyan. Nagiging blonde na ang hair ko nung biglang pinigilan ako ni Jansen at nung internationally-acclaimed niang friend.
Jansen: Bakla, d natin napansin ung yellow font color. Sold Out na tlga nung nasa dulo pa tyao ng pila. ngaun ko lng din napansin.
Hinila ako palayo nina Jansen bago pa man makita ng mga tao ang aking true color. Super Saiyan na Bakling.
Hayy, iritasyon itei!
Nagpasya kaming mag intay na lng paglabas nina Pikoy. Tumambay sa food court. bwisit naman, kung kailan madaming beki sa paligid, d ako maka aura dahil mukha akong palanggana sa damit ko. Effort!
Lumipas ang 2 oras, wiz pa din exit ang baklang Pikoy.
Txt ko: Bakla ka. Kapag wiz ka pang lumabas jan, I will hunt u down and feed u to my kitty. Now na!
Pikoy: bax, may mga natitirang movie pa. Wiz pa kami pwede lumabas. Sayang.
Ako: Irita. It's like, i wanna make durog u na. As in, i wanna make pasabog na the cinema.
Pikoy: Wag gurl, mababawasan ang populasyon ng mga beki, madami kasi dito.
Ako: May mga pogi?
Pikoy: Slight.
Ako: O cge, palabasin mo muna sila, itira ang mga chaka at pasasabugin ko na.
Nagdecide na kaming umuwe ni Jansen sa tagal umexit ng beki.
Pagdating ko sa bus, mali pala ang nasakyan ko. Umexit akong nahihiya. Parang thank you girl lng sa beauty pageant. Irituh!
Nagtxt ang nagmamaasim na Jabee.
Jabee: Hows the movie?*smiley* (panu ba gawin ang smiley dito sa keyboard? effort!)
Ako: Ma! wiz kami naka enter. sold out na ticket. Pauwi na ako.
Jabee: Sana dito ka na lng tumuloy. Anu bang gagawin mo sa inyo?
Haller? Bahay ko un, anu pa bang gagawin ko dun? Tsaka 9pm na bakla ka. What time pa ako makakauwe kung dadaan ako jan. Ayoko magstay jan dahil irita ako sayo.
Ako: wala nga ako damit dba? wala din pera.
Jabee: Kung gusto, madaming paraan. Kung ayw, madaming dahilan. *smiley*
Magrereply ba ako? Kairita dba? Sana tinamaan ka din sa sinabi mo. Sarcastic ka pa.
Ako: Buti d ka tinaaman sa tnxt mo.
Nagreply pa cia. Nakalimutan ko na dhail wala din kwenta. Nagmataas pa din cia.
Duamting ako sa bahay ng bwisit na bwisit. Natulog at kinabukasan, nanuod ng dvd buong araw. Walaman lang ciang paramdam kahit forwarded txt.
Tapos na ang bahaging ito sa buhay ko. Kung magpaparamdam pa man cia, d ko na alam kung hahayaan ko pa ciang gaguhin ako ng paulit ulit. Malamang may explanatin cia kung bakit cia nagkaganun, pero ito ung bahagi ko ng storya.
Nraealize ko ang problema naming 2. Pareho kaming mataas ang pride. Pero sana nilalagay nia sa lugar ung pride nia. Ang palusot nia kasi, bakit daw cia palage. Ang naisip ko naman, cia ung kelangan patunayan na gusto nia ako, dpat lng cia palage. Tsaka matagal ko ng sinabi na gusto ko na din cia, kelangan ko na lng ng matibay na foundation para sabihin sa knya na kami na. Tapos isasampal nia saken ang pride nia?
There's a limit to how much pride I can swallow, honey.
Tapos na. Hindi naman naging kami, pero tapos na.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
1 ang nakichika:
Anonymous
Monday, August 13, 2007 at 5:02:00 PM GMT+8
Permalink this comment
1
antaray so ibig sabihin basted na ang bakla hahaha. ganda mo sis!
Post a Comment