bakla, hairspray at skinny jeans

Sentot: Bakla, naalala kita.

Ako: Bakit? Panu?

Sentot: Kasi, kagat ko dila ko. Tapos humingi ako ng number.

Ako: Anu number?

Sentot: 2 hihi

Ako: B? D naman B ang name ko, gurl. leche kang bargadora (Baklang Kargadora) ka!!

Sentot: B as in Bakla!! hahahaha

Ako: Peste ka! haha

Ang saya ni Sentot. Nakakainggit kasi laging masaya yang hinayupak na yan.

Well, anyhoo, nag aya uli ng movie c Ryan. Libre daw nia. hihi Aba, dapat lang naman kasi naman ang yaman ni bakla. Imagine, OT kung OT. Napilitan lang cia magOT pero naman, ang sweldo, humaharurot c ATM. Konti na lng, mapupuna na ang account ni bakla. haha

So anyhoo, after work, hanap agad ang lola mez ng japex (FX) para makaputna ng TRinoma. Sushal c bakla, trinoma pa tlga. kainggit sa kayamanan!

Kaso ala akez makitang paputnang Project 6 kasi naman, limited edition ang mga japex ditei. Kaya ang sinakyan kez ay paputnang Batasan.. kung san man un, wiz ko na knows! basta alam ko sa QC un, flylaloo na agad ako sa likod para makisingit sa kauupuan kiz. hihi

Kalurki galit ung nasa tapat ko. Sabihan ba naman niya ng "Turuan mo gna gumamit ng cellphone yan. Naiinis na ako." ung kausap nia? hala.. malapit na sia magsuper saiyan, oh!

Kakaimbei, ang tagal ng biyahe. Nafa-flat na ung wetpax ko. Kalokra!

Ryan: bakla, san ka na?

Ako: Espanya na. Lapit na.

Ryan: Bakla, ang layo pa nian.

Ako: Hayy. wag ka na mag inarte. D ko kasalanan itei.

Ryan: Magtransform ka na at lumipad papunta dito!!

Ako: Gurl, d ako pwede dito. Masikip. Tsaka naiwan ko ung skirt ko. Basa pa. Ang bagal kasi maglaba ni Lukring.

Ryan: Hayy.. pakisabi kay manong drayburr, lipad na!

Ako: Fine!

Hayy, kabagalan ng biyahe. Sisihin ang makitid na lupa ng espanya kaya d kasay ang naglipanang mga sasakyan. Ang pwet ko, flat na. Flat na nga dibdib ko (Cup D ito dati hihi) tapos flat pa ang wetpax ko. Kamustahin naman un dava?

Pagkarating ng QC, nagtxt c bakla. D na daw kami abot sa 7:20pm show. So sa D'block na lng daw kami lalamyerda.

Ang kyogal ni bakla. Andito na ako pero wa pa cia. Magrampa ever na nga akiz muna.

"San ka na? dito na ako." txt ni bakla.

Hala. ngaun lng nakadting kung kelan naikot ko na buong d'block.

Pagkabili ng ticket ni bakla. Hairspray pala panuorin namin. Tungkol saan naman un? Wiz ko na knows. basta libre, tag along si akiz. hehe

AKo: Bakla, wa pa akiz kain buong araw. Gutom na akiz.

Ryan: Hala? kanina ka pa andito, d ka pa bumili ng foodelya?

Ako: Ksalanan ko ba kung lumilipad utak ko kaya d ko napansin na wala na pla laman bahay-bata ko? haha

Ryan: Fine! Umikot tayo. Hanap pagkain. Patay gutom ka tlga.

Ako: d naman mashadew! hihi

Ryan: Eto, KFC. Ang haba ng pila. *nung nakita nia ung Yellow Cab* Dun na lng tayo.

Nakalimutan niang matagal din ung serving ng food doon.

Pero dahil napabili na c bakla ng pizza, dun na kami.

Ryan: ayan, d ko na mapapanuod ung simula. Nagsimula na girl!

Ako: ok lng. kasi sabi nung tikitera girl, pwede namand aw pumasok ng late. D nga lng pwede umulit. hihi

Ryan: Gusto ko pa naman manuod ng trailers.

Ako: Wiz ka na mag inarte ate. Tapos na. Nalate ka na. hihi *kahit ako ung late*

Pagkabgay nung order sa amin, karipas na kami ng takbo ni bakla. Parang naeebs lng cia sa pagkabilis niang maglakad with matching TOPMAN plastic bag nia. Dun cia nabili ng damit. Sushal. Kainggit tlga!!

Nagsimula na ang movie. Kalurki. Puro pla kantahan itei. At ang cutenezz ni Zac Efron ah?! Azz in kakawet cia. Ang cute nia.

Ako: Bakla, ang ganda naman ng fit sa knya ng skinny pants nia. Gusto ko kapag nagganyan din ako, ganyan din ako ka-hot. haha

Ryan: Ang daldal mo ate. manuod ka nga.

Mahilig kasi ako magcomment sa kung anu anung nakiktia ko. Wag na ciang makialam. Basta lafang ng pizzza lng cia habang nanunuod. Ang cute tlga ni Zac. Kapag tumanda to ng konti tapos mas naging malaki katawan, shet, fly akez sa states para asawahin cia! hahah Ayoko sa mga bata pro naman, exception c Zac dun. haha

Ok ung movie. Nakakatuwa naman tlga. hehe after noon, umuwe na ako. Katamad. May pasok pa pala tomoorew. Kakatamad tlga. bakit ba kelangan pang kumita ng pera?

Bakit ba hindi na lng magpaulan ng kaandahan c Lord para naman masaya lahat davurhz?

Txt ng friend ko, "dapat ba panuodin ko sa cinema?"

Reply ko, "Wag na ate. Intayin mo na lng sa DVD or kung nagmamadali ka bili ka sa bangketa. Mas mura. Iyong iyo pa. hihi"

2 ang nakichika:

Anonymous

Saturday, August 25, 2007 at 11:29:00 PM GMT+8
Permalink this comment

1

said...

like ko din sya...yung movie ha! sayong sayo na si zac, wag ka mag-alala. hehe.
-suntok

Anonymous

Sunday, August 26, 2007 at 2:07:00 PM GMT+8
Permalink this comment

1

said...

na-alaws yung comment ko kanina.. :(