Noong una, ang saya ko. Akala ko nakilala ko na mga kaibigan na hinahanap ko. Mga gago na kasabay ko nang lalaki sa mundo ng kabaklaan. Hindi pla. Ilan lng ang matatwag na kaibgan, iiwan ka pa. Tinuring mong barkada. Kapatid. Iiwan ka din plang umaasa..
Isang taon na din ang nakalipas mula nung magkasama kami. Ganun din, hindi pa din kami matatawag mong magkakaibigan. Mas malapit pko sa barkada ng iba kesa sa sarili kong barkada.
Tuesday
ako: sama ka?
friend ng friend: bsta kasama sila (ung main barkada nia)..
ako: hindi eh. d dw cla pede.
friend ng friend: ah.. ayoko. mas masaya kung kasama cla..(ung friend nia nga..)
Wednesday
ako: anu na lagay mo? one week na ako nagtatanong sa status mo. ikaw pa naman nagyaya nito.
barkada 1: oo nga eh. tagal kasi dumating nun..
ako: hala. eh ilang linggo na natin plano yan. may pag asa bang makasama ka?
barkda 1: SANA nga eh.
ako: (puro na lng gnyan. simlpeng OO o HINDI na sagot, d mo maibigay) ok. txt mo na lng ako mamaya gabi kung anu status mo.
Kinagabihan.. ako pa din nagtxt. late na nga ako nagtxt, 48 yrs pa cia bago nagreply. nakakadisappoint.
ako: yo, anu na lagay mo?
cia: ala pa din dw. d nila ako mabigyan ng matinong sagot.
ako: (kasi naman deretsahin mo. nag aaral sa isa sa pinakamahal na skwelahan tapos nahihirapan ka jan? Simpleng oo o hindi lng na tanong ang kelangn mo para makakuha ka ng sagot na OO o hindi lng..) ok cge. (hindi na ako aasa sayo. huli na to. ayoko na magmukhang desperado't tanga.)
Thursday
ako: tayo na lng. tuloy ba tayo? ayoko na itxt un, aasa lng ako sa wala. ayoko na madisappoint.
barkada 2: ok cge. tayo na lng. sayang at d kasama ung c (isa pa namin barkada),..
ako: pabayaan mo na. may srili ng buhay. kita mo, ala na sa sirkulasyon natin. parang hindi na tyo kilala, unless may kelangn cia malaman from us.
pinagsama sama ko na mga sinabi nila, para umikli.. simple nga lng na outing, d pa kmi magkasama sama. Hindi na nga cguro ako dapat malungkot dahil na-expect ko ng mangyayari tlga to. un nga lng, umasa din akong sana hindi.
Kung tutuusin, mciado tong mababaw. Pero, kung nabuhay kang kagaya ko, mag isa mula bata, hahanap hanapin mo ang kasama. Kaibigan na maituturing mong pamilya. Hindi masaya gumalaw sa mundo kung saan hindi ka pa tanggap. Hindi ka pa pwede. Hindi ka pa, ikaw.
Swerte ako dahil nakakilala ako ng mga kaibgan sa kanila. Malas lng, umasa akong magiging 'sex and the city' style kmi.. 'queer as folk' na barkada. 'will and grace'' na samahan. "friends" na pagkakaibigan. Nakakalungkot mag isa. Nakakalungkot maging bakla.
Eto ang nagagawa ng 2 siraulo na alang magawa isang Saturday afternoon... inedit ko na to, mahaba pa din..
Tonio : bsta secret lng natin to ah.... promise ka muna
Iko : cge i swear...
Tonio : okie.. umm..
Tonio uli : pano ba to.... ako si darna!!!!!
Iko : pagkatapos ng lhat ng pamasahe na ginastos ko para makita kita?! ngaun mo sasabhing marunong kang lumpad?! e di sana nagpasundo na lng ako sayo sa bahay.. tipid pa!
Tonio : sori na...pinoprotektahan ko lng kayo
Iko : buhay p aba c balentina?
Tonio : kaya wag mo pagsasabi ha?
Iko: panu kapag kinidnap nila ako at tinorture na paaminin kung cnu c darna?
Tonio: madali lng yan.. andyan pa si pio
Tonio uli: ooops..nadulas pa ako
Tonio nanaman : nga pala si pio si zsasa zaturnah
Tonio pa din (bida ka ni? -ako) : wag mo sasabihin sa iba ah
Iko : hala?! 3 tayong superheroes?!
Tonio: waaah
Iko: oppss...
Tonio: ikaw din?
Iko: nadulas ako! oo... ako din...
Tonio: hinaan mo lng bka marinig ka
Iko: nung minsang naglalakad ako pauwe dahil naubusan ako ng pamasahe.. bigla akong nalaglagan ng ipot ng ibon..at kaboom! superhero na ako..
Tonio: wag mong sabihin ikaw si kristala?
Iko: shet!! alam mo?!
Iko uli : ako nga c kristala... diosa ng kalawakan. reyna ng ka-siopao-an
Tonio: haaa!?!?!?!? sabi ko na eh pag nakikita ko ksi sa news.. parang kamuka mo!!!!
Iko: shet! kelangan ko na bang magbago ng costume?
Iko nanaman : mciado na ba ako narerecognize?
Tonio : ksi nkasalamin ka naman lagi eh kaya di rin halata...ganun lng kita kakilala talaga...
Iko : tsk tsk.... kaya pla minsan nawawalan ako ng qouta sa mga krimen... kaagaw ko kayo... magbibihis pa lng ako, naunahan nio na ako..
Tonio : ksi naman kami lulunok lng ng bato tpos... vavavoom!!! may costume na kami
Iko: un na nga eh! ilang minuto ang nauubos ko pagbibihis pa lng.. tapos kukulutin ko pa buhok ko. kmusta naman un?
Tonio: oo nga noh hassle...
Tonio nanman : at least dyosa ka...
Iko: un na nga
Tonio: ako kasing sexy din ang diyosa... si buddha nga lng.
Iko: buddha? diet ka ni...sayang ang bimpo sa panty mo.
Tonio: yeah.. at least dyosa pa rin... naiipit na nga ung bimpo sa singit at taba taba ko eh.
Iko: alam mo ba kung asan c zsa zsa?
Tonio: hmm.. di eh...
Iko: palitan mo na ng tuwalya ...
Iko uli : nasa baguio cia ngaun...kasama nga pamilya.
Tonio: bibili pa ako eh...(patungkol sa bimpo... delayed ym mo baks? -ako)
Tonio uli: hirap ksi ng trabaho natin.. di naman tayo kumikita
Iko: dun daw cia maghhnap ng krimen...(delayed din ym ko..pcencia)
Iko uli: un na nga! tapos magagalit pa cla kapag d natin sila naligtas..(ayan, nakahabol din..)
Tonio : haaaay hirap din eh noh
Tonio uli : alam mo.. pwde nating talunin powerpuff girls sa ratings pag nagsama tayo
Iko: onga no ? mgandang partner up yan. saang channel tayo magpapa bidyo?
Tonio: hmm... hirap naman
Iko: onga eh
Tonio: kapamilya ka.. kapuso ako, kapamilya din si zsazsa
Iko: gusto mo sa channel 4?
Tonio: ano buzz?! chipipay naman!! studio 23! or rpn9
Iko : wag sa 9. ala akong kilalang talent dun. c madam ratsa lng
Tonio :ui may tumatawag sa akin hve to go na..ingat sa mga masasamang loob ah?
Iko: cge cge... i-hi mo na lng ako kina superman at batman jan
Tonio : hay naku! may mga kwnto pa ako sa mga papables na yan.. kaya buti andito ako sa amerika
Iko : ala na akong sex life.. baka naman madiligan nila ako...
Iko : cge, pag usapan natin ang mga adventures natin apag online din c zsa zsa
At jan natapos ang pag uusap namin ni Darna. Kinaya mo ang powers namin?
Papasok ako sa work. MRT to LRT. Minsan gumagana topak ko dahil naiirita ako sa umaga kapag LRT lng sinakyan ko papunta work (although super lapit lang kapag LRT ako at mas tipid). MInsan lng gumagana kaartehan ko. Kasi ba naman, sinu gusto pumasok sa work ng lukot lukot na damit at pawis na katawan, umagang umaga? hehe
Asan na ba ako? Ayun, so ayun, naglalakad ako sa bridge connecting LRT and MRT. Nakakita ako ng Tennis racket na binebenta. D pla un tennis rackets, fly swatter pla. Nakalimutan ko ung price. San ka nga ba pa naman? Pamatay lamok na, excercise pa?! Two birds with one stone. Kung type mo pa magmaganda, magsuot ka ng pekpek shorts then shirt, Voila! Instant Tennis player slash mosquito assassin ka na! Taray!
Wait, wait, wait! There's more! May libreng nail clipper kapag bumili ka! Naman! Pag pagod ka na kakahampas sa ere sa mga lamok, pede mong pagandahin ang mga kuko mong mukha ng paa ni Shrek! Panalo!!
Makabalik nga dun at makabili ng isa. Aba, kelangan minsan, umeksena din ako sa bahay!
"Ma, may bago ng sport! Mosquito Killing!" habang nag uumeksena ka sa bahay.
Akala ko noon, ang diskriminasyon eh nararamadamn lang ng taong may pagka-inferior na nararamdaman towards others... hindi pla. Ipinamumukha din pla un. Masakit dahil totoo. Pero mas masakit dahil akala mo, wala kang ipinagkaiba sa knila..
"well, what can you expect from a *** grad?"
ang sagot ko sana eh NOTHING dahil para saken, mas magnda ung ala kang ineexpect from someone dahil it only adds pressure lalo na kung maciadong mataas ang expectations ng ibang tao. Hindi ba mas magnda ang feeling na ala clang ineexpect from you tapos bigla plang may nagawa kang magnda?
Pero iba ang pinadating sakin ng isa kong nakilala. Nothing. As in wala. Walang kwentang tao. Hindi nararapat bigyan ng importansya. Bato, in short. Masakit, hindi dahil sa totoo o hindi, kundi dahil mangagaling pa mismo sa taong hindi mo iisiping magsasabi nun sayo.
Ganoon na ba kami kababa at hindi kami dapat bigyan ng importansya?
Dahil hindi kami nakapasa ng UPCAT?
Dahil hindi kayang pumasok sa Ateneo o bayaran ang tuition fee ng Lasalle?
Dahil lumipat ng eskwelahan dahil hindi RAW tumatanggap ang UST ng shifter kaya napilitan akong lumipat ng ibang unibersidad? (iilan lng ang hindi tumatanngap. malas lng at ung gusto kong lipatan, hindi DAW tumatanggap. Tapos malalaman kong sa sumunod na sem eh tumatanggap na pla sila dahil nakalipat ung kabatch ko dun...)
Nakakapanghinayang dhil hanggang ngaun, buo pa din ang diskriminasyon. Nasa skwelahan ba tlga ang ikatatagumpay ng isang tao? OO, nakakatulong pero dahil ba dun eh may karapatan na ciang matahin ang hindi pinalad? Ako. Kami?
Nakakalungkot dahil naranasan ko din ito nung naghahanap ako ng trabaho. Kuha ko na ung posisyon. Sila na nagsabi na congratulations. Pinaghihintay na lng ako for signing, pero nung ininterview nila ung isang taga TOP school, biglang "we'll call you for updates about the position you applied for." ang sakit. Late na dumating pero cia pa din ang natanggap. Bitter? Cguro. Pero hindi naman cguro tama un. Hindi naman cguro tama ung gnawa nila saken.
Sa chat, ilang ads na din ang nabasa ko. ANy1 from UP, ateneo, DLSU, USt only?
nasa skwelahan bang pinanggalingan ang ikatatagal at ikasasaya ng relasyon nio?
Hindi naman ako bitter. Naiinggit lng. Dahil hindi pantay ang tingin sa amin. sa akin. Anung kulang sa amin? sa akin?
Nakakalungkot. Nakaka-disappoint. Bakit gnun?
Narinig ko ang usapan na 'to sa mga 2 ka-opisina kong kababaihan. ala na atang magawa kaya nagkukulitan na lng..
Senior sales exec: anu ba number mo?
Junior sales exec: para saan, ma'am?
Senior: malamng para sa trabaho. anu pa ba?
Junior: o cge ma'am, eto oh. ***********. S-O-T tayo ma'am ah?
Senior: anung s-o-t?
Junior: Sex on Text! (sabay halakhak..)
Senior: hala. ayoko nun. d ako magwawater. (sabay ngisi...)
Senior uli: ay picture-an kita para kapag tmawag ka makita ko pagmumukha mo...
Junior: kelangan pa ba un mam?
Senior: wag ka na magsalita. pose na lng.
Junior: mam, d pko nag aayos. baka panget.
Senior: ok lng yan. ala naman magbabago mag ayos ka man..
Junior: mam, gusto no video? para habang tmatawag ako eh tmatawa kayo dhil sumasayaw ako sa phone nio... (ngisi uli...)
Senior: gaga. ala pang ganung phone. batukan kaya kita?
***
Ang boring ng araw na 'to. ALang excitement sa buhay. Sumayaw kaya ako dito office? Eksenadora lng. baka bangasan lng ako ng boss ko. wag na lng un.. ummm.. kumanta? wag. mas malala. baka d na ako makalabas ng buhay ng opis. hayy.. im bored..
Kalolog out ko lng g4m. alang interesanteng tao. puro libog. sabagay, mejo horny ako ngaun. hanap kaya ako kasex?
isip. isip. isip. cge, hanap ako... wag na lng. baka mapuyat pko. pasok pa tom. next time na lng kapag naggovernment ako. or gumimik somewhere. shet, tigang na ako. gusto ko ng lalake. Ngaun din! Saan ba pedeng maghanap ng lalake na hindi ka marereject? Hirap mag approach. Although, pogi naman ako (salamat, nay!).. mahirap pa din. baka lalapit pa lng ako, tutukan na ako ng paa sa mukha .. hayy..
Lunes na lunes, ala ako magawa. Chat? gnun din. pagod na utak ko sa isang 'intellectual conversation' (shet, nosebleed! nosebleed!) tapos mauuwi lng pla sa etits ko ung pwet nia (or worse, ung etits nia sa bibig ko! hehe) eww.. laswa..
im bored. may magagawa ba jan?
Alang kakaibang kaganapan ngaun... usual na araw. Pero kagabi, tumambay ako kasama pa nung iba kong kaibagn sa bahay ng close friend kong c Em Em. Andun ang balikbayan nilang barkada at literal na nagwala cia.. nanghada. Imbes na gumimik eh naisipan na lng nilang mag inuman (na ala namang exciting na naganap bukod sa pagsipa ko sa isang baso ng beer..salamat sa excitement ko sa pagpicture picture...). Nagkodakan buong gabi hangang sa inantok at nagsitulog...
ang resulta? LATE AKO. Ilang araw kong inalagaan ang time in at time out ko para alang bawas sa sweldo, eto, may bawas nnaman. Naghalf day na ako dati dahil sa kalandian, ngaun naglate naman dahil sa kapuyatan...
Sayang, may kameet sana ako ngaun, after kng magpalaki ng katawan.. kaso aun, nag inarte. Taga-philcoa cia. Sa Malate pa ako manggagaling. EB place? SM North. Ayaw niang umabot ng lagpas 10pm. Cinderella?! Korek!! Ayun, ako na nagcancel bago ko pa maitsa ang computer ko sa kabilang building. Ayoko ng Maarte. Ayoko ng pahabol effect. Ayoko ng kumplikasyon. Ayoko.
Pero kahit papano, magnda naman ang araw ko ngaun... salamat sa pagpapabasa sakin ng sulat ng kaibgan ni Jiban. Dahil nagkahiwa hiwalay na ang barkada nia. Parang ung akin.
Jiban, d ako nagpaalam, pakopya ng isang linya...
"Hindi ako magiging ganito kung hindi dahil sayo.." un ung isang linyang nagpabigat ng dibdib ko.. Yan din ang masasabi ko sa mga kaibigan ko nasan mang panig sila ngaun ng buhay nila. Nagkanya kanya na kami. Isa na lng ang nakakasama ko dahil iisa kami ng lugar kung san kmi nagpapaka alipin ng dumbells at barbells. Lalo kaming naging close pero twing magkasama kmi, lalo ko din hanahanap hanap ung iba pa naming mga kaibgan.
Sa mundong ginagalawan ko ngaun, ang paghhnap ng kaibgang makakasama mo hanggang mamatay ka, eh parang paghahanap ng isang butil ng buhangin sa boracay. Ang pagiging bakla lang eh isang problema na. Panu pa kaya kung ala kang kaibgang tutulong sayo? Alang kaibgang sasama sayo twing napagtripan mong maglakwatsa? Kaibigang magagalit sayo twing may ginawa kang hindi maganda sa kapwa bading? Kaibgang sasabhin sayo, "***, Andito ako, Mahal naman kita.." sa twing hihiwalayan ka ng boyfriend mo...
Nabuhay akong mag isang bakla. Tahimik. Malungkot. Akala ko noon, ako lng ang ganito. At mula elementary hanngang early years nung college eh mag isa ako. Madaming kaibgan. Madaming tunay madaming peke. Pero hindi ung kaibgang katulad ko na makakaintindi sa kalagayan ko. Kaya siguro konti lng nakakalaam na ganito ako. Bakla. Kaya nung nakilala ko ung mga kaibgan ko, na tinuring ko nang barkada, hindi ko akalain na ganito ko din sila kamahal. Sila ang nagbago ng buhay ko. Ang naging dahilan kung bakit kahit single ako, ok lng. Bsta anjan sila. Ang naging dahilan kung bakit mas tanggap ko kung anu ako ngaun at kung anu ako bukas. Hindi kami nabigyan ng pagkakataon na magkasama sama madalas. Bihira lng. Pero sila ang mga kaibigang hinahanap ko.
Sa kasamaang palad, hindi pwedeng ganun na lng kami. Nagtuloy tuloy nga ang agos ng ilog. Ngaun? Kahit na andito lng sila, kanya kanya pa din kami. Naiyak ako nung umalis papuntang ibang bansa ung isa, hindi lng dahil mamimiss ko cia, kundi dahil noon pa lng eh alam ko ng imposible na kaming magkasama sama. Hindi na kami magkikita kitang magkakasama. Siguro pagkatapos pa ng ilang taon. Ok din yun, kaso iba na kami. Hindi na kami ung makukulit na siraulo gaya ng dati. Hindi na kami, kami...
Kaya sana, kung nasan man kayo ngaun, kahit saglit, maalala nio din ako. Dahil sa inyo, ganito ako. Kumpleto. Masaya. Bakla.
Hindi ko alam ang buhay ko kung hindi ko kayo nakilala. Kayo lng ang kinilala kong pamilya sa labas ng bahay ko.
Siguro maghihintay na lng ako kung kelan kayo babalik. Hanggang dun lng ang kaya kong gawin. Sana masaya din kayo gaya ng saya ko kasama nio. Sana masaya kayo ngaun hanggang bukas. Salamat.
Salamat...
Sa kadahilanan wala nnaman akong magawa dto sa opisina at naghuhumiyaw na sa sakit ang mga daliri ko sa kakatype, (parang ito hindi ako nagtatype, ano? Adik lng.. pacencia) eh nagpaikot ikot na lng ako sa mga websites at nakakita ng mga kakaibang impormasyon tungkol sa ilang kahayupan sa mundo..
1. Kaya bang magsuka, as in throw up, ng mga daga?
-- Yes? Wrong! Hindi po nila kaya. Akalain mo un. matry nga mamaya sa mga alaga ko sa bahay. Kaya pla c Dorang rat killer ay epektib... minsan.
2. Kaliwete ba or kanan ang gamit na kamay ng mga polar bears?
-- ciempre isasagot mo, depende sa bear, daba? well, mali ka. Kaliwete po sila.
3. Natutulog ba ang mga langgam?
-- una kong sagot, oo. aba, kahit langgam may karaptan magpahinga no. Mali ako! Hindi sila natutulog! Kumusta naman ang mga eyebags nila?
4. Ilan ang eyebrows ng camel? Kilay un sa tagalog dba?
-- natural iisipin mo, 2 dahil 2 mata nila dba? well well well, 3. Yesh, 3 ang eyebrows nila. Kung nasaan ang isa, yun ang hindi ko alam.
5. Nakakarinig ba ang mga ahas?
-- pare, hindi ung mga ahas na mang aagaw ng jowa, ung tunay na ahas.
-- ang sagot ay hindi. They rely on vibrations from creatures in their environment. shet! Nosebleed... english un...
6. Ilan ang mata ng mosquito? Lion tigah katow, lamowke shiguradowng teypoke!
-- apparently (shet, apparently tlga?) eh may 2 lng silang mata. d gaya ng dragon fly na nuknukan ng dami... at 6 ang mga paa nila. kung alam mo na un, manahimik ka!
7. Nakakalangoy ba ang mga giraffe?
--imagine ang langoy aso ng giraffe! haha. pero sorry, hindi sila marunong lumangoy. naman! sa haba ba naman ng leeg nila, kelangan pa ba nila lumangoy? Tsaka sa payat nilang un, maka-sagwan kaya sila? hehe
8. Nakakrecognize ba ng letters at words ang mga unggoy?
-- Naman! Hindi mo naman to maiintindihan kung hindi, dba?? hehe
Well, mga tsong, iyan lng ang mga nakita ko. Kung san ko sila nakita ay d ko na maalala. Kung may mali man jan sa mga nakatype sa taas, pcencia. Sisihin nio na lng ung mga website. D cla accurate. Nakakatamad magverify.
Nax, educational na ang blog ko? Parang sineskwela lng. (ang edad, napagahalata..) Parang nagfield trip ka lng. Un nga lng, may bayad bawat minuto. Para naman hindi kabalbalan lng ang nababasa mo dito, dba?
Maaga nagising ang gago para pumasok sa trabaho. May gagawin ba naman kaya ako ngaun bukod sa pagtatype na parang makina?
Ayos lng naman. Hindi lng naman mga letra ang inaatupag ko sa office. May kasamang shopping ng lalake. Baka ako pa ang sumuko sa dami ng lalaki online. busog nnaman ang mata ko at ang gabi ko mamaya....
Multiply? next! ... Manjam? may isang invite. humihina na ang market value ko. panu ko kaya to patataasin? Gym? eto, may sariling buhay na mga binti ko. tumitibok na cia. Face value? ah, wag na natin pag usapan. Datung? Next please. Ingles-an? kashe naman, ish like... peste! panu nga ba?
friendster? kaninang umaga 61 views. ngaun 68. ala naman nadagdag na mukha. mga intuil. ayaw magpakitang nagview.
connexion? alang kwenta.
fabuloush? 2 lng ang online sa buong populasyon ng kabaklaan.
g4m? ok lng. new friends.
nagpopost ako sa forums nung makita ko ung thread.. 'Better Dead than Gay' ...
Ganoon na ba kami ka-walang kwentang nilalang?
Honestly, ilang beses ko ng pinagdasal na sana paggising ko isang umaga, straight na ako. Hindi dahil sa ayaw ko maging bakla, kundi dahil sa gusto kong maranasan maging normal... uuwe from work, kiss sa asawa, yakap sa anak, kulitan.. typical na pamilya (hindi sa abnormal ang maging bakla, pero iba eh.. alam mo un?)
Masaya naman maging bakla. Maganda ka. Mahaba ang buhok. Umaabot hanggang Pasay. Kaya ba ng mga straight un?
Hingian ka ng payo from both gender. Best of both worlds, 'ika nga.
Independent ka. Kelangan pa bang imemorize yan?
Aba, kadalasan ng mga bading, talentado, ni!! hehe. Walang bakla na alang iisang talent na maipagmamalaki.. sa loob o labas man ng kwarto...
Madami pa. Nakakatamad na magtype. Nakakapagod din magtype, no.
Pero ang point ko lng, hindi tama na isiping better dead than gay. Dahil lng yan sa problema mo ngayon kaya naiisip mo yan. chupain kita jan eh! hehe
Nakakapagod na araw, actually hindi pa tapos, 4pm pa lang. 2 hours pa ng pagtatype. Kasi ba naman, mukhang kinakarir ng boss ko ang pagtanggap ng pera at pati ang magazine ads eh kami na ang mag mamanage ng website nila. Imagine, from scratch eh gnwa ng team mate ko tapos eto ako ngaun, nag eencode ng articles mula November 2006 hanggang ngaun. At hindi manipis ang magazine, isa ciang glossy magazine na 100-page. At ang catch, itatype namin lahat ng articles, not to mention the pictures eh scan pa at ang advertisements ay irerecord pa. from trainee to writer to copy editor to editor to promo boy eh ngaun encoder naman job description ko.. abangan mo vukazz kung anez susunod... Hay, kafagod, daba?!
Anyway, anu ba ang highlights ngaung araw na 'to?
Masaya ang G4M, madami ako nakakachat. Lahat na ata ng klase ng bading nakilala ko dun, at sana mas makakilala pa.
May magmessage ba naman saken na,
"you're alive. good." <-- peste! mukha ba akong patay?!
ung isa naman nag dare saken makipagmeet, tapos nung sinabi kong kelan (ciempre, pautot ko lng, d ko kaya makipagmeet agad sa d ko pa nakikilala noh!) aba, biglang bawi, sabi ba naman..
"joke lng. d ako nakikipagmeet.." <--- kmusta naman un? Mas adik ka pa saken ah! hehe
Sa Manjam, aun, boring. mas may buhay pa sa sementeryo kesa sa website na un. pangit ba ako?
Sa dowenlink, ayun, regular friends ko lng ang kamsg ko. May mga cute, kaso naman, ang hanap nila eh super cute. pogi lng ako. hindi super cute. hehe
Sa friendster, mahina ang benta. Mga isda at hipon lng ang andun. Bili ka na suki?
Sa multiply, ehehe eto goodtaym. wala akong gnawang matino kundi mang asar at magpost ng kabulastugan. nakita ko din ngaun dun ung sobrang crush ko sa government. hehe tagal na din kami nagtititigan. hanggang dun lng. lumapit ka na kasi.. hehe <--feeling tlga! :D
Excited na ako mag-gym bukas. Makikita ko nnaman c (at itago na lng natin cia
sa pangalang...) Miko. hanggang kelan ba ako magtitiis sa nakaw na titigan?
Bukas, sana ngitian mo naman ako. hehe
NOTE TO SELF: Magpaganda para hindi magmukhang patay.
Pagkatapos ng pagkahaba habang panahon na hindi ako nagblog, eto, sa kasamaang palad, binubuhay ko uli ang walang kwenta kong blog.
Wag ka ng makialam. Magbasa ka na lang. Kung hindi man un ang trip mo, lumipat ka sa ibang blog.
Eto, sana mamaintain ko na 'tong site na to. Sa dinami dami ba naman ng accounts na minemaintain ko, G4M, Multiply, Friendster, Manjam, Yahoo Mail, Hotmail, PinoyExchange, Downelink, Gmail, at sa kung saan pang mga sites na may account ako na hindi ko na matndaan.
Dito ko ilalagay ang lahat ng kagaguhan ko ng walang nakikialam at walang makakaalam kung cnu ako (ciempre bukod sa piling mga hinayupak na nilalang) ... Kabaklaan, Katopakan, Kalokohan, Gimikan, Kariran, Kabarkada, Lakwatsa, Pamilya, lahat na.
So sit back. Read and enjoy the posts.
Mabuhay Ka. Mabuhay Ako. Mabuhay tayong lahat. weehh.. korni.