bakit naman kasi may pasok pa?



Lunes na lunes, may pasok.

SONA daw.

Panu ko naman mapapanuod ung mga babalita ni PGMA kung andito akos a trabaho?

Well, kung wala naman pasok eh d ko tlga mapapanuod un dahil buong araw akong tulog.

Gusto ko lng wag pumasok ngaun. hehe obvious bang ginagawa ko lng dahilan ang SONA?

Nakakatamad. I hate Mondays.

Ala na c Guy.

Sabi nia sa txt..

"I can't give u the time you want."

Ako: It's not the time I want, but the time I deserve. lagi ka kasi busy. Sa gabi mo na lng ako tinetxt, tapos para ka pang tinatamad makipagtxt saken.

Guy: Madami lng kasi tlga ako iniisip these days.

Ako: Ok. I understand naman. Sana lng kahit konti may space ako para makasingit.

*Kung tutuusin, sia pa ung nanliligaw nian. Tapos ako ung humihingi ng time para mameet at makasama cia*

After nung pagttxt-an namin na un, buong araw kami hindi nagtxt at nag usap kinabukasan. Hanggang sa kamustahan na lng, At ngaun, wala na tlga.

Naisip ko na lng nuon, pasalamat na lng ako nakakilala ako ng isang taong katulad nia. Pinaranas saken ni Lord na makakilala ng isang matinong lalaki.

May natitira pa naman tlgang matitinong lalake. Mahirap lng tlga hanapin.

Ngaun, I'm ready to go out again. Kay Guy ko narealize na maikli ang panahon para magtago sa lungga ko.

Boylets, I'm coming to get you! *hehe kala ko din serious na ako ngaun eh*

Ok na kasi ako ngaun. I'm happy being single, pero mas masaya naman may kasama sa buhay. Kung wala, ok lng. Anjan naman mga kaibigan ko para gaguhin at asarin ko eh. hehe

1 ang nakichika:

Anonymous

Wednesday, July 25, 2007 at 8:58:00 PM GMT+8
Permalink this comment

1

said...

hay naku ganyan talaga ang life... eniweiz marami pa namang iba jan... naku napapansin ko comment ako ng comment pero pakiramdam ko hindi mo naman mababasa ito dahil naka-automatic yung comments...