Bakit ganun, sa simula lang tayo nabubulag ng ka-sweet-an o kagwaphuan ng isang tao? Sa una dahil kakakilala pa lng, at mejo kinikilig ka pa sa mga una niong pagkikita. Pero once that has settled in, para dun mo pa lng makikita ang bigger picture. nararanasan ko ito kay Guy. Kahit may nararamadaman ako sa kanya, nagdudududa pa din ako sa kanya.
1. Secretive. lahat naman tayo may kanya kanyang buhay pero sa lagay nia, kahit pabango, ayaw niang sabihin sakin kung anun brand. Pati kung saang gym cia nagppaganda ng katawan, kung hindi pa cia nadulas sa pagkwento, d nia pa masasabi. Sabi nia, d daw nia pakikialaman ang phone ko, dahil private life ko un. Ang sa akin naman, check nia o hindi, ala naman ako tinatagao sa kanya. Bakit cia d nia magawang ipahiram man lng saken ung phone nia? I respect his privacy kaya from that point on, d ko na pinakialaman ang phone nia.
2. Mabagal magreply. Hindi naman ito importante sa aken kaso sa case nia, kakaiba tlga. Kapag magtatampo ako, kasesend ko pa lng, may reply agad cia. Pero kapag normal na txt lng, magrereply cia after 30 minutes pa. At madalas pa, 6 words lng pinaka madami.
3. he doesn't tell me what happens in his life. Parang ung number 1, d din issue saken to. Pero kung gugustuhin niang maging part ng buhay ko, dba dapat maging part din ako ng buhay nia? Malalaman ko na lng, nasa ganitong lugar na pla cia. D magttxt kung nakauwe na kaya mag aalala ka kung anu na nangyari sa kanya.
4. Unpredictable. While he's sweet minsan, minsan naamn parang ung mga sinasabi at tinetxt nia saken eh ung parang may maireply o masabi lng.
5. Hindi ko gusto ang biro nia. Hindi ko gusto ang klase ng pagbibiro nia. Kasi sa kanya, kunwari magagalit cia, o magtatampo sakin dahil nagseselos cia sa isa kong kaibigan dahil may nakaraan kami, tapos pag ako naman nagselos, sensitive naman ang tawag nia saken. Tapos itotodo nia pa ang pagseselos kuno hanggang sa tumahimik ako at marealize niang galit na ako, saka lng cia titigil at magsosorry. Sinadya niang maasar ako tapos magsosorrry cia?
Kung tutuusin nanliligaw pa lng cia saken ngaun kaya hindi din ako makapagsabi ng mga problema sa kanya at mga kakaiba sa knya dahil walaakong pinanghahawakan sa kanya.
Kung ito lng din ang ugali na makakasama ko ng pang matagalan, parang d ko makakaya..
Gusto ko cia, kaso sa pinapakita nia saken, parang cia mismo nagpapalayo sa knya saken.
Bhala na.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
0 ang nakichika:
Post a Comment