grand carousel pa lng 'to

Nagtxt c Paps sakin. Nakilala ko cia sa Multiply. Turns out, friends pla sila nung isa kong nakilala online (fabuloush) a year ago, I think, at ni Rod, na nakahangout ko sa Bo's sa may SM sa QC. Small world. The 3 of them lives in an apartment in Pasig.

"You wanna go grab dinner after work?"

Nakita ko na din c Paps sa Government nung Friday at Saturday na magkasunod na gimik namin. Nakilala nia ako. Natawag pang suplado. hehe lagi naman un ang feedback saken. Kasi naman, kahit gustuhin kong hindi magmukhang suplado, it comes out naturally daw. haha kmustahin naman un daba?

Anyway, I told him after work gym pa ako. Turns out, ayos lng sa knya and mangagaling pa siya somwhere I forgot kaya ayos lng daw. Kasi uwe pa cia ng Pag. Nakakatuwa lng kasi mejo sweet din cia. Balak nia pa akong sunduin from the gym. What's up with guys these days? Mahilig mangsundo. hehe

Sa gym, kasabay ko c Sentot. Baklang Kargadora ng Espanya. As usual, baklaan kami. Dumating bigla si Select. Kamustahin naman ang araw ko diba? gwapo pa din cia. Mas gwapo c Miko, pero yummy cia. Ang kinis ng balat at amputi. Parang ang sarap... wag na lng nating ituloy. hihi

Nagkatinginan uli kami ni Select. As usual, hanggang dun na lng ang lola mo. Kalandian kasi sa gym ay d ko ginagawa. (yeah right! -Sentot)

Ako: Bakla, naeebs ako.

Sentot: Ako nga din. Eto, ebs ako ngaun. kaw ba?

Ako: Leche. Dito ka pa magpapasabog ng kabalahuraan mo.

Sentot: Bakit ba? Kayanga may CR eh. Ang arte mo, pare. *biglang may pare? kalurki!*

Ako: Str8 ka, pare? *may lalaking boses ability din kaya ang lola mez*

Sentot: haha nakakagimbal ka maging str8 acting. hahaha ambaboy. mawawalan ng karir c Rey Pumaloy sayo, girl!! hahaha

Ako: tseh. Kung anu anu pa nalalaman mo. haha. Pero gurl, naeebs tlga ako. Panu kung maebs ako sa date namin ni Paps?

Sentot: haha isang malaking gudlak. ittxt ko nga c Paps, sabihin ko natatae ung kadate nia. hahaha

Ako: Tseh! Magshoshower na lng ako. *sabay walkout ang beauty ko*

So after mag ayos for the date, papunta na ako ng meeting place namin ni Paps, Gloria Jeans. Habang naghiihintay ng jeep na masasakyan palabas:

Sentot: Bakla, 1st time mo cia mamimit tlga, bukod sa government, magpakalalaki ka naman.

Ako: Gurl, lalaki anman ako ah *with matching kulot ng voice in the end*

Sentot: Bastos ka! T.O agad sayo yan kita mo. haha

Ako: Inggitera! Mas lalaki pa kayaa ko sayo! haha

Sentot: Tlga lang, pare?! *biglang lalaki voice ang kargadora*

Ako: Leche. *Habang naghhnap ng barya pambayad sa jeep.*

Ako uli: Bakla, palibre naman sa jeep. Kulang anda kez.

Sentot: Leche. May kadate ka mamaya, tapos wala kang pera?

Ako: Bakla, barya. Mamiso. Pambayad sa jeep?

Sentot: Leche. Kiss muna. *sabay ngisi*

Ako: Kilabutan kang baktol ka! hahaha

Sentot: *tawa din cia*

Pagdating sa meeting place namin. Nakita ko cia. Umiinom habang nagbabasa ng magazine.

Ako: Sorry nlate na.

Paps: Ok lng. U need anything? Drink? Food? Where'd u wanna eat?

Ako: *leche, english. duduguin ata ako dito.* No. I'm fine. *Winner, dava?!*

So after ng debate kung saan kami kakain, we ate ate Teriyaki Boy. Masarap ung food na naorder ko. Nakalimutan ko lng dahil mahirap i-pronounce. Bsta chicken cia na may halong egg. Kwentuhan at barahan kami. Masaya cia kausap. Makulit. One year older ako sa knya pero he's 5'10. Kmustahin naman ako daba? tatapakan nia lng ako sa liit ko. hihi



hindi itong mga ito ang kinain namin. Natuwa lng ako sa picture. hehe

Kasabay ko pla ciang uuwe ng probinsya. Kasi graduation ni Rod, ung friend nia na nakahangout ko sa Bo's one time. So sabay kami uuwe. At dahil walang sakayan cia dun sa dinadaanan ko, nagdecide kami sa SM North na sumakay ng FX pauwe. So Imagine, galing cia ng Makati, umuwe ng Pasig, pumunta ng Malate kumain para lang bumalik sa QC para umuwe. Around the world ang labanan tlga! *pakikulot nga ang hair ko. Humahaba nnman eh*

Ang kulit ni Paps sa fx. Dahil nagmistulang Government ang fx na nsakayan namin sa dami ng paminta ang bading na nsa loob, todo okray cia. Kinabahan ako dahil anytime, baka upakan pa kami ng mga badessa dun. Virgin pa ako, d pa pwede maupakan ng panget na mga badess. hihi

Paps: Aba, kung aawayin nila ako, ikaw itatapon ko sa harap nila haha

Sweet daba? Ako pa pala ung gagawin niang panangga. Sakit sa bangs!

Pagdating ng QC, ubos na ang mga FX. Saya dapat nagLRT na lng pla kami.

Nagjeep kami pa-Monumento. Ang adik ni Paps. Sobrang harot sa jeep. Matagal kasi umalis ung jeep dahil nagpupuno.

Paps: Ang tagal naman ng waiting time. 456,345 years!

Ako: Wow, buhay ka pa nun?

Paps: Naman! Kita mo, lumipas nanaman ang 34 eyars ng d mo napapansin.

Ako: Wow, ambilis ah. Gnun tlga kabilis? Kalurki!!

Paps: Naman! Tapos tong ilaw pa ni manong nakatapat saken. Para spotlight. Sawang sawa na ako sa spotlight. Lagi na lng ako center of attraction. Banash!

Ako: Ay, talaga? Parang hindi naman convincing.

Paps: Kita mo, lumalapit mga tao sa area natin. Nalaman kasi nila nandito ako.

Kasi palabas na mga empleyado ng SM.

Ako: Ang kyopal naman ng fezlak mez! Kalurki. I wanna make kyombag u na tlga.

Paps: *with matching husky voice* Pare, bakla ka ba? D ko nagets ung sinabi mo eh.

Ako: Mas adik ka pa saken eh. Kakabuang ka. haha

Nung napuno na ang jeepang, harurot na c Manong. Ang adik na Paps, akala ata nasa space shuttle kami. twing magswerve c Manong Disc Driver, titili ng mala-kettle with boiling water ang Bakla. As in, kinabog nia c Mariah at Nina sa tili nia. Pero mahina lng. Ung ako lng ung makakarinig pero nakakabasag ng 5 eardrums.

Ako: *siniko ko sia habang humahagikgik* T*ng*na ka. haha anu to? Junggle Log Jam o Space Shuttle?

Paps: *habang todo kapit cia sa estribo ng jeep para kunwari takot na takot cia* hindi. Grand Carousel pa lng to.

Ako: Leche ka! haha

Paps: *sabay kapit bigla saken* Ayan na iikot na!! Waaa!! *tili na mejo mahina pero sa mga nasa paligid namin, tinatawanan na ung kalokohan nia*

Ako: D ka ba nahihiya sa ginagawa mo? *habang natatawa pa din dhil tuloy tuloy lang cia*

Paps: Ehh kasi naman, katakot magdrive si manong. Waaah!! *biglang kapit cia sakin dahil todo harurot bigla si Manong sabay Mariah scream*

Mukha tlga ciang adik sa ginagawa nia. Pero natatawa din cia sa mga ginagawa nia kasi napapangiti nia ung mga tao sa paligid namin.

Magkahiwalay na kami ng babaan dahil mas malayo pa ung kanya. Ang saya nia kasama. Sabi nia, ako pa lng daw ung una niang liligawan. Kaya sana d cia masaktan. Sana hindi Guy part two ang drama nito. hehe

my gawd, sabaw na gulay ito

Dahil sa pag aakala kong tapos na ang paggimik namin nung friday night, nagkakamali ako. Azz in, super duper mega at over na mali! Nung Saturday, gumising ako ng 9:00am, mega late na ang lola mo. 9am ang pasok ko dava? Kamustahin naman kasi ung sobrang basag moment ko nung multiply party? hayan, pumuputok-putok pa tuloy ang utak ko kahit na papasok pa din ako sa office. Nasan ako? Nasa pad ng friend ko sa Makati. Wiz ko keri na maglakbay sa probinsya para lng umuwe at matulog at pumasok after a few hourz. Ligo. Bihis. Paganda. (may ganda pa ba ako? wa na paki. shit.)

Pagdating ng office, may training. Tepok. So mega habol ang kagandahan. Kaya ayan, d ko naabutan 1/4 ng pinag usapana. Keri lng, Katamad ung training. Mga laptop eklaver. So after nun, lunch na. Winnur daba? kakarampa ko lang papasok, lunch na! keri lng. Wiz pako nagbbfast. Fly kami kina Manag Carinderia. At ang paborito kong tinola ang niluto. Hayy kapag sabog ka, sabaw ng tinola ang tirahin mo. Siguradong mawawala ang amats mez. hihi

Dpat may date ako after work. Kaso naman, ang lulurki, dinaig pa ang memory gap ko. Twing magttxt at magchachat kami, tama ba naman na tanungin ako ng mga tanung na natanong na nia before that day, and before that day? Azz in walang palya. Sa dami cguro ng mga lulurki nia, d na nia matrack record ang mga impormasyon tungkol sa mga lalaki. Shet. Isa lng pala ako sa mga lulurki nia. Aba, umiral ang pride ko. Hindi ko cia nireplyan. Ang huling txt ko...

"Bakit ka ganyan? Lage ka na lng ganyan. Nakakaturn off ka. Next time, i-save mo sa cellphone mo ung info ng mga guys mo para d nahahalata na nakakalimot ka."
So super BV (Bad Vibes) na ang lola mo. Biglang paramdam c Guy. (refer to previous posts to know more about the dude), heller, hey daw. So, txt-an kami. Aba, may pagseselos factor pa ciang nalalaman, nung nakwento ko ung paggimik ko, kahit na 2 weeks pa mula nung nagdrama drama cia at nagdecide na d na cia manliligaw sakin.

"(keme, eklaver, blah blah)... So wala na pla akong pag asa sayo?" txt ni Guy.

Ang winning piece ko?
"Ewan ko sayo. Palagi ka na lng ganyan. Kung manliligaw ka, gawin mo. Hanggang salita ka lng Guy. Napatunayan ko na yan sayo."
ang reply ni bakla?
"Naiimagine ko na sinasabi mo yan sarap ko. Nakakalungkot lng kasi nagisip ka na ng masama tungkol sakin bago mo pa man ako makilala."
"Mabuti para naman makuha mo ung msg ko. Nakakapagod ka na Guy. At ang amsama pa nun, sinabi mo na nag isip ako ng mga bagay na hindi ikaw. Pero may ginawa ka ba para patunayan na mali ung mga iniisip ko sayo? tumigil ka, dba? Wala ka ng ginawa kasi hindi mo ako kayang ipaglaban."
At hindi na nagreply ang kumag. Bwisit na gabi. Wala na ngang date, nagpaalala pa ang kumag.

Umuwe na lng ako after work, tumambay sa bahay. Sabi ko sa nanay ko na hindi ako aalis nung gabi na un. ang sagot ng magaling kong ina?

"Aba, may himala. Hindi ka aalis ng bahay. Magpapamisa ako. Wait lng."

Kaso kaso kaso at isa pang malaking kaso, nagtxt ung barkada ko. Pupunta daw uli sila sa Government. Nainggit nmn ako. Niyayaya nia ako. kaso naman, ala na ako anda. Ubos na ang anda ko the previous night.

Ang deciding factor?

"Keri na! may libreng pass si friend."

"cge, sama ako." sagot ko.

Winner!!

Dahil libre, bakit pa ako mag iinartiz dava? So mega zoom akez sa Makati at bumalandra ng kagandahan.

May mga nakakilala saken. Mega GV (Good Vibes) ang lola mo. Aba ang saya, may event at hindi basta bastang event.

"Men of Government Grand Finals"

Mga lulurking nakajubad! Extra Rice, pls!!

Kaso naman, iilan lng ang kalaway laway. ung iba, normal na nilagyan lng ng magandang shotawan.

Sa question and answer portion, may isang nakakalokang question na sinagot ng mas nakakalokang answer.

Question: So, what do you do? (meaning anung trabaho mo?)

Answer: I'm working. (Winner dabuhz!! trabaho nia ang sumali sa mga pakontest! hahaha)

Walang mciadong bright sa mga lulurking ito. Az in, hindi mciadong bright tlga. Mga karne lng na pandisplay. Sayang tlga. Pero bet ko ung 2 kalbo. Bakit ba ang hilig ko sa kalbo? hehe


i-click ang larawan para mapalaki ang nota, este picture

After nun, inom, sayaw at konting balandra. Hayy, ang saya tlga dito. Kahit anu gawin ko, walang pakialamanan *kahit na wholesome naman tlga ako pag andun.*

Andun naman ang mga crushezz ko. Madami kasi sila. Ung mga magaganda sa paningin ko kasi hanggang dun lng ako. Sa tingin. Sana makilala ko tlga sila. Pakitawagan naman ang Wish ko Lang, hehe

After nun, umuwe na ang lola mo. Ang saya ng araw na un. Mejo lng ang kalasingan pero masaya kasi bonding moments namin. Masaya tlga kapag ang friends mo, happy din kasmaa ka at ung iba pa ninyong mga kasama. Tapos u meet others pa na GV din sayo. Mga may pambobola na hotness daw ako sabay hatak paitaas ang shirt. haha buti na lng may control pa ako, kundi nakita na ang boobz ko *shet, wala pla ako nun*

Pagdating ng bahay, kain bfast at sabay natulog. Linggo. May pasok nanman kinabukasan. Kapaguran tlga ito. Kapaguran.

Ang sarap este saya ng gabi

After two weeks ng pagiging tigang sa party scene ng Government, nakabalik uli ako to attend the Multiply Party. Sobrang saya.

Ang daming pogi. Nakakaloka. Pero as usual, hanggang tingin lng ako (na may kasamang paglalaway) sa knila. Mciado naman kasi silang magaganda para sa simpleng kagandahan ko. hihih

Madami akong nakilala. New friends. Tumambay. Sumayaw. Hayy, namiss ko un. Gumimik na parang walang problema. Gumimik kasama ang mga taong malalapit sayo. Mga kaibigan na laging anjan.

Party tlga kung party. Ang dami naming nainom. Lahat kami nalasing. hehe buti nakauwe pa ang lola mo. Yang picture sa kaliwa, bet ko ung kalbo na naka-itim with a chinese character on his left side ng chest nia. Ang cutie nian, pramis! *drools* shet, sorry. haha

Pinatugtog pa ang favorites ko. Tapos narinig ko din for the first time ung mix ng Shut Up and Drive ni Rihanna. Bet ko pa naman un. hehe Kaso sana, i-remix din ni DJ Brrrittttt (parang c mother lng) ung Breaking Dishes ni Rihanna.

Yang nasa kaliwa na pic, C Jhon, Creative Director ng Government, sia ang responsible for the concepts ng performances. At pinipilit nia ang rupo namin na magperform. Parang d ko pa ata kayang magsuot ng pang-girl,kahit na alam kong i was born to be a superstar. haha well, kahit star, papatusin ko na bsta madaming pera at madaming boys. haha malandi nnman tlga ako. Leche! haha. At ung nasa kanan c Mother Henry. May ari ng Government. Anu kaya ang aariin ko pagtanda ko? hihi

Ang saya ng gabing ito. Pagsamahin ba ang sangkaterbang bakla sa iisang lugar. hihi. I've been going to Government since last year. Mas gusto ko kasi ang music dito kesa sa Bed. Although masaya din sa Bed, kaso dito ko na talaga sa Government nakilala ung friends ko.

Dito din sa event na 'to nagtapat ng pagtingin sa akin ang isa kong friend. Matagal na daw nia ako gusto. Buti na lng daw naging friends kami. Natuwa ako sa kanya kasi nasasabi nia un (well, may tama na din c bakla. haha) Pero I envy his courage. Lalo pa sa friend nia cia nagtapat. Kahit ako d ko kaya un. Kaya I told him how flattered I am and nagsorry na din dahil I don't have the same feelings for him. He understood. Gumawa pa daw cia ng songs for me. Touching dba? Ang haba ng hair ko that night! haha Sana lng things don't change between the two of us kahit na nagtapat na cia saken. Well, he said it was for the closure thing. I understood what he meant. kasi napagdaanan ko na yan.

Mahirap para sa akin ang magreject dahil alam ko ang feeling ng nirereject. Kaya kagabi, I was speechless tlga. D ko alam anu irereply ko sa kanya. Good thing, he understood.

Nakilala ko pa si mother that night, at napagsabihan pa akong heartbreaker (sabay spray nia sa buhok ko habang sinasabi niang ''ang haba haba naman ng buhok mo! Itaas nga ito para umikli!''). Kmusta naman un dba? haha

After that, tuloy ang party. Lasing ang lahat. Sayaw, yosi (sila), Inuman at tambay, kwentuhang bakla. Winnur dava?!

At habang may mga nagsasayw, may mga rumorondang karne na gusto kong iuwe. Ang sasarap nila. Namimigay sila ng free drinks from jaggermeister (tama ba spelling?) nang nakatopless. Gusto ko sana sabihin, "Kuya, pwedeng ikaw na lng inumin ko?!" hahahaha

Nauna na ako umuwe sa kanila. May pasok pa ako in 6 hours. Kmustahin naman un daba? Pagdating condo ng friend ko, derecho tulog. At nagising ng super late na. Buti na lng pagdating ko ng office, wa pa ang mga bossing ko. Kundi todo, mega, at super explain ako sa knila kung burrket akiz nahuli sa pagtitipon. hehee

Sa tatlong namimigay ng libreng alak, bet ko tlga ung kalbo.Malakas tlga dating ng mga kalbo saken. Nakadamit pa lng cia laway na laway na ako sa knya. What more nakatopless pa? At kamustahin natin ang mga pandesal?Manyak mode tlga ako nung nakita ko cia. Natuyuan ako ng tubig sa katawan. Sumingaw nung nakita ko cia. haha

Nakita ko na ang magiging katuwang ko sa habang buhay. Sarap nia dalin sa bahay at ipakilala sa magulang.

"Ma, Pa, ito po si *kung anu man ang name nia*, ang pagkain este asawa ko."

Kuya, pansinin mo namn ako

Got this from Yahoo!, and I found it cute and charming. So I thought of sharing it with you, guys. Enjoy!



Kakaiba kagabi. Masaya na weird. hehe

After work, derecho ako punta gym. At habang naglalakad ako, correction, rumarampa na parang model ng Calvin Klein hehe, may napansin akong mejo naglalakad papalapit saken. nakayuko ako so d ko napansin ung mashonda na guy na papasalubong sa akin.

Akala ko naman magkakasalubong kami, un pala, sinaja niang lumapit sakin at nung 2 metro na ang lapit nia saken,bumolong cia. Naloka ako sa narinig ko. haha

"gwapo mo."

Tama ba ung narinig ko? naisip ko. Un ba tlga ung sinabi nia?

natawa na lng ako. Siguro gutom lng un. haha Matandang lalake. Mukhang adik sa kanto na walang ginawa kundi punuin ng alak ung tiyan nia. Katakot. Kung gwapo din cia, eh di sumampa na ako sa likod nia. nyahaha

So tuloy ang rampa, este lakad. Effort tlga. Every other day ako naglalakad sa kahabaan nito. Keri na, sanay na din eh. hehe

Leche pa ung jeep na sinakyan ko, pinababa ako sa gitna ng kalsada. Lipat na lng daw ako kasi iikot na sila. Ang asim dba?

Sarap tusukin ng takong ko. *ay lalaki pla ako ngaun.*

Pagsakay uli ng isang jeep, habang gumagawa ako ng mtv sa lakas ng hangin, may napansin akong ad. Ung mga for abroad. nakalagay, sa haba ng listahan, ito tlga napansin ko. Nagpalit ata ung ulo at talampakan ko sa nabasa ko.

"WANTED FOR *name ng country*:
.

.
.
.
.
COFFEE MAKER

.
.


Naloka ako! Trabaho na pla ang paggawa ng kape. haha 8 oras kang magtitimpla ng kape. Paikot ikot ng kutsarita sa tasa.

May college degree bang kailangan dito?

Anu ba ang mas tamang paran ng pagstir ng kape, clockwise or counter-clockwise? hahaha

Tambling na lng ako jan. hahah

Pagdating ng gym, ayos! Konti ang tao. Makakaconcentrate ako sa workout ko ngaun. Kaso hinahanap ko si Miko. Ang tanging lalaki na nagpapatibok ng puso ko. Chos! ahaha

Wala. Leche.

Tuloy ang workout. Kapagod. Kapawisan. Effort tlga. Bakit ba ako nagsign up dito? hahaha

Dadating daw c Pikoy. Magggym daw. Kung hindi na, hahabol na lng para magbayad at inatyin na ako matapos.

Malapit na ako matapos nung biglang dumating c Miko. Shieeett. Ang yummy nia tlga. Kaso d na cia sing gwapo nung una ko ciang nakita. Gwapo na lng at masarap. Nung una kasi may halong libog at pagpapantasya twing nakikita ko cia. haha

After 98 years, dumating c Pikoy. Lalaki ang bakla.

Pikoy: Matagal ka pa ba?

Ako: 3 set na lng ng abs. then lipad na pauwe.

Pikoy: Go.

At umalis ako para tapusin ang nalalabing 3 set ko habng dinadaldal nia c Mike. Ung coach sa gym. Kano c Mike. So english ang labanan nila. Walk-out ang ganda ko. Baka maging kulay pula ang puti kong damit kapag nakidamay pko sa kanila. haha

Tapos na ako. Punta shower para makligo. Andun c Ate. Ung naglilinis ng buong gym. Sa men's locker room Kaloka tlga.

Ako: Ate, naninilip ka ah. haha

Ate: *ngiti cia* Leche ung bago. Ung lalaki. Cia dapat gumagawa nito. Ito dapat una nia ginagawa pagdating nia dito. Bait ba kasi ako gumagawa nito?

tuloy tuloy c ate sa monologue nia habang umiihi ako. Puno ng poot ang mga salita. Kakaloka cia. haha

Nung natahimik cia. Ako na pla ang sasagot.

Ako: hehe kaya nio yan ate. hehe go lng ng go. *un na lng nasabi ko. D ko na kasi narinig ung iba niang sinabi o hindi ko tlga pinakinggan. d ko lng sure. haha*

Balik ako locker para maghubad. Paghubad ko, balik ako shower, andun pa din c ate.

Ako: Ate, virgin pko! wag ka maninilip! ahaha

Ate: Anu ka ba? dami ko nang nakitang ganyan. hahaha

AKo: Hala. Napatambling naman ako dun, ate hahaha

So shower ako. Ssarap ng tubig. Ang lamig. hehe

Sabay na kami umuwe ni Pikoy. Sakay jeep at harurot c kuyang driver na may pagkabingi.

May naalala ako about cum, ung puting lumalabas kapag nagbabionic ang isang lalaki. haha Curious mode na may pagkmanyak. C pikoy naman to, kahit anu pag usapan namin, gaguhan lang kami.

Ako: Pikoy, natikman mo na ba ung anu ng jowa mo?

Pikoy: *Inom ng rush, ung parang c2.* Anung anu?

Ako: *sabay turo sa hawak niang liquid* Ung liquid nia. haha grabe, kabuang ang topic! hha
Pikoy: oo. *inom uli cia* eto, tkman mo rush. ganito lasa.

Ako: hala. seryoso? haha

Naisip ko, iinom ba ako para malaman ang lasa ng liquid ng jowa nia, may pandidiring inbolb pero curious ako. totoo. curious na may pandidiring inbolb tlga. haha bakit naman kasi rush pa i-compare. para ayoko na uminom ng rush.

Pikoy: haha shunga. joke lng. pero natikman ko na nga. ayos lng.

Ako: ok. *un na lng nasabi ko* sabi kasi nila, kapag umiinom ka ng vitamin c drinks, like pineapple juice, nakakatamis daw un ng liquid mo. Sabi din ni Sentot.

Baboy din kami mag usap ni Sentot. Kahit anu lng mapag usapan basta may mpagtawanan lng. haha

Pikoy: haha sabi nga nila. epektib ba sayo?

Ako: haha ala akong taste tester eh. haha

Umuwe kaming nagtatawnan. Kung anu anu lang pinag uusapan. Minsan, mas masaya ung kaibigan na ganito. Kahit kababuyan, patol pa din sa usapan. Ang saya. Walang arte sa buhay.

Pineapple juice, anyone?

effort para sa papa este trabaho

Kaloka kagahapon. Nagdeliver kami ng goods sa kung anuk anuk na eskwelahan. Kapaguran. Super na, mega effort pa! Kapaguran itei. Leche!

1st stop: MAPUA

So fly kaming Intramurozz to fetch my papas, este magdeliver ng goods. ANG DAMING POGI! Kalokah. Tpos kung kelan ako bibisita sa luagr na puro lalaki, saka pa ako mukhang ahente ng encyclopedia dahil sa bitbit kong bagahe. D lng pla bagahe, bahay na ang dala ko. Effort!!

So mega wait kami sa front desk. Mga 48 years lng naman. Only to find out, sa MAKATI ang office ng contact person ng kasama ko. Kalurki!! Akala ko naman alam na nitong gurl na to ang mga importanteng kabagayan. Well, atleast, nakasight ako ng hot college boys! *halata bang natitigang ako sa lulurki ngaun?*

So dala ang aming bahay, mega tawag kami ng pajak palabas ng Mapua. Kasi naman, kung d lng heavy ang keri namin pwede na lakarin. Kaso naman, kahit todo gym ako, d tlga keri ang bigat. Mas mabigat pa sakin. Effort!

Tinakasan pa kami ng pajak driver. Pagkatapos kasi namin magbayad ng tumataginting na P20, umalis cia. Papapalit daw. Aba, ang kumag, d na bumalik. Nung nagpasya kaming d na intayin ang sukli kahit sure na naming tinakasan kami, nasalubong pa namin c kuya driver-na-tinakasan-kami-ng-sukli, tiningnan na lng namin cia ng masama. Karmi Martin, sana bisitahin mo c kuya.

2nd Stop: UST

hayy, mas kalokah dito. Mas madaming papa. Sandali lng kami, pero namiss ko ang USTe. Madami akong memories sa eskwelahang itei.

3rd Stop: FEU

Normal. May mga pogi. Pero d sing dami ng sa Mapua at UST. Keri na din. Puro boys. Nakilala ko pa kung saan nagwork ung kasama kong girl. Teacher kasi sia dati dun. May na-sight pa akong boylet. Bagets pero mejo malansa naamoy ko sa knya. Pogi, silent-type. Sarrapp..

Tapos na ang misyon namin. Ung sa Mapua, ipagpapabukas na lng namin. D keri mag OT dahil d naman kalakihan din ang OT para ituloy pa namin ang pag eeffort. Aksaya lng ng ganda. haha

Pagdting ng bahay, may pasalubong c Inay. Harry Potter and the Deathly Hallows. Ang pinakaaabangan kong libro ngayong taon. So after shower, basa na ako. Hanggang sa nakatulog.

Ay nagpagupit pa pla ako bago nung dumating ako sa bahay bago ako nagbasa ng HP7. Keri na. Mukha lng akong deodorant. Nawala ung pinag eeffort-an kong haba ng buhok ko dati. Ang init naman kasi. haha

I thought you thought you knew what I thought


While browsing websites to look for clothes I could wear to Friday's Multiply Party at Government, Guy txted me saying

"I'm sorry. I am not the man you thought I was"

I didn't bother sending a reply. That's him. Emotional quotes taken from some book or song he happened to read or hear somewhere. Considering what we've been through in a span of a week, I've gotten used to his 'excerpts'.

We dated. He was sweet so I showed him I liked him. Too bad, I think I showed him too much to make him think I love him already. And what happened next? I lost him. He became too complacent, I think is the right word.

I never expected anything from him. Gumawa cia ng mga bagay na hindi nia kayang panindigan.

Now, even if he sends text msgs every so often, I could never be the man I was with him anymore. Too bad, I've cried and moved on already.

There are others I've met. 'Potentials' sabi ng friends ko. They're not as sweet as Guy, but they could give me the time Guy couldn't give me.

So I guess I'll be back to choosing which clothes I could buy for Friday's event. Maybe then, I cold choose the right guy, este, outfit for me. :)

bakit naman kasi may pasok pa?



Lunes na lunes, may pasok.

SONA daw.

Panu ko naman mapapanuod ung mga babalita ni PGMA kung andito akos a trabaho?

Well, kung wala naman pasok eh d ko tlga mapapanuod un dahil buong araw akong tulog.

Gusto ko lng wag pumasok ngaun. hehe obvious bang ginagawa ko lng dahilan ang SONA?

Nakakatamad. I hate Mondays.

Ala na c Guy.

Sabi nia sa txt..

"I can't give u the time you want."

Ako: It's not the time I want, but the time I deserve. lagi ka kasi busy. Sa gabi mo na lng ako tinetxt, tapos para ka pang tinatamad makipagtxt saken.

Guy: Madami lng kasi tlga ako iniisip these days.

Ako: Ok. I understand naman. Sana lng kahit konti may space ako para makasingit.

*Kung tutuusin, sia pa ung nanliligaw nian. Tapos ako ung humihingi ng time para mameet at makasama cia*

After nung pagttxt-an namin na un, buong araw kami hindi nagtxt at nag usap kinabukasan. Hanggang sa kamustahan na lng, At ngaun, wala na tlga.

Naisip ko na lng nuon, pasalamat na lng ako nakakilala ako ng isang taong katulad nia. Pinaranas saken ni Lord na makakilala ng isang matinong lalaki.

May natitira pa naman tlgang matitinong lalake. Mahirap lng tlga hanapin.

Ngaun, I'm ready to go out again. Kay Guy ko narealize na maikli ang panahon para magtago sa lungga ko.

Boylets, I'm coming to get you! *hehe kala ko din serious na ako ngaun eh*

Ok na kasi ako ngaun. I'm happy being single, pero mas masaya naman may kasama sa buhay. Kung wala, ok lng. Anjan naman mga kaibigan ko para gaguhin at asarin ko eh. hehe

red day boy


OMG, there's a cute guy sitting right across from my station. I came from my lunch break and lo and behold, he's right there. wearing the same color of shirt like me: RED. Woohoo! Is this destiny?

Gawd, I hope so! I can't remember the last time I got laid. Unh, I can't believe I'm typing this down. I ain't that desperate. Shit.

He's just soo cute, in a guy-next-door sorta way. I hope I could meet him since we work for the same company..

5 minutes passed.

I found out something about him. He used to work here. Private sales rep. I wonder how many guys he screwed or screwed him. He's soo cute.

Oo, ganyan akiz kakire kapag may pogi. hihi

Si kuya at si randy santiago



Nung lunes, galing ako ng gym. May nadaaanan akong gasoline station at nag iisip kung bibili ba ako ng pagkain dahil gutom na gutom na ako. Naisip kong wag na lng, diet din un para lumiit ung tiyan ko. And besides, sayang pera. hehe

So balik tingin ako sa nilalakaran ko. Nung biglang may nakita akong lalaki, tawagin nating siang si Select (dahil dun ko cia nakita) . Hmm.. maganda tindig, may korte ang katawan. Halatang naggym. Nung mejo malapit na siya saken, aba, tumambling ako, gwapo at nakatingin pa saken! Kamustahin natin un dba? haha

So mega titig din ako sa kanya.. Naalala ko ung mcdo moment nina Rhian Ramos at nung isang model na guy. Ganun na ganun kaming 2. Hanggang sa mag abot kami, nagtitinginan kami.

Naputol lng ung titigan namin nung mejo naalampas na cia saken. Eh feeling ko straight naman, gusto ko sana makita ung pwet nia. hehe manyak mode lng, sorry. :P

So tingin ako uli sa likod ko dahil gusto ko maktia ung pwet nia, nung biglang lumingon din cia saken, at napangiti! Aba, tambling uli ako! badet din cia. haha at type nia din ata ako. haha so bigla akong lingon pabalik sa nilalakaran ko.

Makalipas ang 4 pang araw, eto, gym uli ako. Hay buti an lng wala mciadong tao. Isa lang gwapo kaya makakapag concentrate ako. So benchpress, at kung anu anu pang nakakamatay na bigat ang binuhat ko.

Nung biglang may kumausap saken na isang lalaki na nagygym na matagal na dun. Nasa mga 35 - 40 na cguro c Kuya. At nabalitaan ko, doctor pa to. Sushal dava?

Doctor: Kanina pa kita napapansin, may kamukha ka. Hindi ko lng naisip kanina.

Ako: ha? cnu naman un?

Doctor: Cnu ung laging sinasabing kamukha mo?

Ako: *may pagtataka* Ha? Ala naman silang nasasabi. *altho sabi nung isa kong friend, Mark Bautista daw, pero d ko na sinabi baka sabihin nun nagfefeeling ako*

Doctor: C Randy Santiago! Kso kirat cia, ikaw 4 mata mo. *sabay ngiti*

4 dahil nakasalamin ako.

Ako: Ngek. Ang layo ah! haha

Doctor: Oo no. haha tanungin mo ung mga kaibigan mo, kita mo oo sila.

Ako: Sige, tatanung ko mamaya.

So umalis cia para ituloy ang work out nia. Pinagtripan lang ata ako nun. Haha.

Nung mejo patapos na ako, umupo uli ako dun sa may drinking fountain para magpahinga, may kumausap uli saken, nakalimutan nia din name ko, nakalimutan ko din name nia, quits lng. haha kwentuhan ng konti at umalis na uli cia para ituloy ang work out.

Nung biglang nakita ko ang isang lalaking pamilyar saken. Naisip ko, san ko ba to nakita. Nung biglang may bumagsak na building sa ulo ko. Alam ko na! Cia si Select!! Akalain mo nga naman, sa dinami dami ng lugar na makikita ko uli cia, sa gym ko pa! haha at masarap ang braso nia. Masel kung masel. Sarap hawakan. hihih

Alam kong nakita nia din ako dahil nakita ko ciang napangiti cia sa sarili nia. Ung ngiti na parang nasabi mong "ang liit nga naman tlga ng mundo. dito ko pa to makikita uli" alam ko dahil napangiti din ako nung nakita ko cia.

Nung palapit na ako sa exit para umalis, alam kong tumitingin cia saken, baabtiin ko sana kaso baka may ibang makakita. Next time, babatiin ko tlga cia. Baka may future pa kami, dba? hehe ilusyunada mode lng. pcencia! haha

Ang sarap na sa gym ngaun. Andun na si Miko, andun pa si Select. I'm sure masisipag pa akong bumalik dun lage. hehe




ng dahil sa neon na tsinelas




Work-out session ko last night. Nkasama ko for the first time ng sabay cna Pikoy at Boisen. Effem na ako kapag kasama ko ung isa sa kanila, kamustahin natin kapag 2 na silang kasama ko?

Ako: Bakla kayong 2!! Nagsama pa kayo! Kung kelan ako naghahanda dahil makakasabay ko c Miko, saka ko pa kayo nakasabay! Mga inutil, wag kayong didikit sakin. Kelangan pa-mhin ako ngaun, pakshet na itu!!

Boisen: Ilusyunadang bakla! d ka pamhin, babae ka na. bwahahaha *bwahahaaha tlga ung nsabi nia. kaloka!*

Pikoy: *halakhak lng ang pota*

Ako: Makasira kayo ng moment namin ng asawa ko. Lumayas kayo sa teritoryo ko! mga inutil!

*sabay walk out ang 2 bakla. Kamustahin ang katarayan daba?*

Pagkatapos ng isang madugo at makaputol litid na set ng deadlift, nakita kong nagbabas si Pikoy.

Ako: Anu yan, gurl?

Pikoy: Stats. Aral ako. MAy exam kami.

Sa pag aakalang may exam sila sa trabaho, natanong ko...

Ako: hala bakla. May exam kayo sa trabaho? Masisipa ka na?

Pikoy: Shunga, dba nag aaral ako?

Ako: ah oo. kasi naman d nagsasbi kung para saan *kunwari lulusot pa ako* Tungkol ba san yan?

Pinakita nia saken ung libro. Naloka ako. Statistics! ang daming numbers. Nahilo ako. Literal.

Actually keri lang daw kasi basic lng. Mean Median Mode. So mega tawag ako sa baklang engineer kong kaibigan habang sina-sight ko ung papa Miko ko nagbubuhat. Ang sarap. Nagutom ako bigla.

Ako: psst, bakla! *lapit c boisen* dba engineer ka? Turuan mo 'to. Statistics. Mean median mode.

Boisen: ah ito ba? Ang hirap naman bumalik, tagal na namin to pinag aralan eh.

Ako: Maarte! bsta gawin mo na lng, nagmamaganda ka pa eh.

Boisen: Kalokah!

So mega teacher at student ang drama nilang dalawa. Habang nag isang set uli ako ng makabaling buto na deadlift. Nung napansin kong may neon green na manipis na tsinelas sa tabi ni Pikoy.

Ako: *hmm, ala suot c Boisen. So malamang kanya to. mapagtripan nga.... (pagsuot ko)* Baklang bakla lang tong tsinelas mo ah? hahaha

Boisen: *sabay tingin* bakla, d akin yan! nyahaha

Biglang umakyat ung dugo ko sa utak ko. Eh kanino toh? May suot naman kaming 2 ni Pikoy. So nagmadali kong binalik ung tsinelas kung san ko nakita. Nahiya ako bigla. Kanino kaya un?

So tuloy ang work out. Duduguin na ata ako sa bigat ng binubuhat ko. ON second thought, magiging tunay na babae na ako.. hmm.. pwede din!! nyahaha

Paglabas ko ng dungeon room, *lugar na mas tago sa nakakarami para d makita ang mukha kong nahihirapan kapag nagbubuhat, lost ako kapag nakita ni papa Miko un. hehe*, super hanap ako kay Papa Miko. Namiss ko kasi eh, pacencia, malandi lng. hehe

Umuwe na ata. D ko na nakikita eh. Biglang takbo palapit saken c Boisen.

Boisen: Bakla, alam ko na kung kanino ung tsinelas! haha

Ako: Kanino?

Boisen: Kay Papa Miko mo!! hahaha bad shot ka na! Lost ka na sa pageant!

Ako: Tlaga? *habang namumutla ako at iniinom ng sahig ung dugo ko*

Sobrang nahiya ako. Bwisit. Ang dami daming tsinelas tapos sa kanya pa! haha

Super approach din c Pikoy sakin.

Pikoy: haha akin na cia!!

Ako: Ahas!

Pikoy: Lost ka na. Bad shot ka na sa kanya girl... hhehe

Ako: Bwisit tlga. Bwisit.

Pikoy: Pero feeling ko, badet tlga ung papa Miko mo. Kasi naramdaman ko ung aura (pagkabading) nia eh. Idagdag mo pa ang mahiwagang neon slippers! hahaha

Lesson for the day: wag magmaasim at magsuot ng kung kaninong tsinelas. Baka sa future jowa mo pala un, lost ka.

one step back..


Pagkatapos ng isang araw na parang bnabastos nia lng ako, nagdecide akong pag isipan mabuti kung handa na ba kaming preho na maging kami. Madami ciang priorities na hindi ko pwedeng kalabanin.

Nakakalungkot dahil ang dating saken, ako ung last option nia, na parang saka nia lng ako papansinin kapag tapos na ung iba niang obligasyon.

Last night, nagdecide akong ititigil ko na ang paghahabol kay Guy. Kasi ang nangyayari, imbes na cia ung manligaw, ako pa ung humahabol sa knya makasama ko lng cia. Ako pa ung gumagawa ng efforts para magktia at magkasama kami. Kahit sa text, ang dami kong kaagaw.

Kaya after namin mag usap, sinabi ko sa knyang, maghihintay na lng ako sa kanya na kusang lumapit saken.

Naisip ko, binigyan ko na cia ng madaming atensyon na prang binabalewala na lng nia dahil iniisip nia ata, cia na lng ung gugustuhin ko. Kaya cguro naging kampante na cia at hindi na gumagawa ng efforts.

Sa kanya na nanggaling na madami ciang inaasikaso kaya sobrang stressed out din cia. Ibibigay ko na lng ung oras na un sa kanya para mtapos nia ung dapat niang gawin.

Hnggang dito na lng yata kami. Hindi ko alam..

sa utak ba o sa puso?

Bakit ganun, sa simula lang tayo nabubulag ng ka-sweet-an o kagwaphuan ng isang tao? Sa una dahil kakakilala pa lng, at mejo kinikilig ka pa sa mga una niong pagkikita. Pero once that has settled in, para dun mo pa lng makikita ang bigger picture. nararanasan ko ito kay Guy. Kahit may nararamadaman ako sa kanya, nagdudududa pa din ako sa kanya.

1. Secretive. lahat naman tayo may kanya kanyang buhay pero sa lagay nia, kahit pabango, ayaw niang sabihin sakin kung anun brand. Pati kung saang gym cia nagppaganda ng katawan, kung hindi pa cia nadulas sa pagkwento, d nia pa masasabi. Sabi nia, d daw nia pakikialaman ang phone ko, dahil private life ko un. Ang sa akin naman, check nia o hindi, ala naman ako tinatagao sa kanya. Bakit cia d nia magawang ipahiram man lng saken ung phone nia? I respect his privacy kaya from that point on, d ko na pinakialaman ang phone nia.

2. Mabagal magreply. Hindi naman ito importante sa aken kaso sa case nia, kakaiba tlga. Kapag magtatampo ako, kasesend ko pa lng, may reply agad cia. Pero kapag normal na txt lng, magrereply cia after 30 minutes pa. At madalas pa, 6 words lng pinaka madami.

3. he doesn't tell me what happens in his life. Parang ung number 1, d din issue saken to. Pero kung gugustuhin niang maging part ng buhay ko, dba dapat maging part din ako ng buhay nia? Malalaman ko na lng, nasa ganitong lugar na pla cia. D magttxt kung nakauwe na kaya mag aalala ka kung anu na nangyari sa kanya.

4. Unpredictable. While he's sweet minsan, minsan naamn parang ung mga sinasabi at tinetxt nia saken eh ung parang may maireply o masabi lng.

5. Hindi ko gusto ang biro nia. Hindi ko gusto ang klase ng pagbibiro nia. Kasi sa kanya, kunwari magagalit cia, o magtatampo sakin dahil nagseselos cia sa isa kong kaibigan dahil may nakaraan kami, tapos pag ako naman nagselos, sensitive naman ang tawag nia saken. Tapos itotodo nia pa ang pagseselos kuno hanggang sa tumahimik ako at marealize niang galit na ako, saka lng cia titigil at magsosorry. Sinadya niang maasar ako tapos magsosorrry cia?

Kung tutuusin nanliligaw pa lng cia saken ngaun kaya hindi din ako makapagsabi ng mga problema sa kanya at mga kakaiba sa knya dahil walaakong pinanghahawakan sa kanya.

Kung ito lng din ang ugali na makakasama ko ng pang matagalan, parang d ko makakaya..

Gusto ko cia, kaso sa pinapakita nia saken, parang cia mismo nagpapalayo sa knya saken.

Bhala na.

Nalugi ka ba sa lotto?

Nagdate kami ni Guy. This time, nagkita kami sa Trinoma at dapat na manunuod kami ng Harry Potter. Kaso sa dami ng tao, d na kami tumuloy at nagdecide cia na sa Kalye Juan kami kumain sa may Tomas Morato. Tabi ng Barracks.

Guy: Bakit ba ang sungit sungit mo saken? May ginawa ba ako..?

*umiling lng ako. Wala ako sa sarili ko that night. Bad mood cguro. Depress depress-an dahil sa bagay na d ko na babanggitin dito...*

Guy: *akala nia galit ako sa kanya dahil nalate cia ng isang oras sa date namin* Sorry na po.. *halata ng malungkot cia at nababadtrip dahil d ako nagsasalita mciado*

Ako: Ok nga lng. d naman dahil sa late ka. wala un.. *sabay pilit na ngiti*

Guy: Eh bakit ka ganyan? Nagkita pa tayo kung d ka magsasalita. Parang nalugi sa lotto yang hitsura mo eh.

Ako: Ok cge. magsasalita na.

*Um-order kami. Ayoko dun kumain sa labas. AS IN. Imagine mo naman, kakain ka sa tabi ng mga nagbebenta ng DVD at mga pulubi. Kakain ka sa may kalsada puro usok at may kung anu pang tumutulo na tubig from above the resto. Eh kung tumulo un sa pagkain mo? Lost ka dba?!*

Dumating ung order. tahimik pa din ako. Todo lamon lang. Gutom na din ako eh. Masakit tuhod ko from all the walking I did while waiting for him to arrive.

After eating, nagkasundo kami na uminom. Order ng Isang bucket ng SanMig Light. 6 Bottles. Dapat tig-3 kami, kaso 2 lng ininom ko kasi malayo pa uwian ko.

Kwentuhan kami. Kulitan. May mga moments na hawak kamay. Imagine in public lahat yan. Straight ang crowd. Kamustahin naman un dba? haha

Nagpapacute cia. D ko na lang pinapansin. Mejo nagiging ok na din mood ko kasi dumadaldal na din cia.

After 5 bottles. Napansin nia na may mga numbers sa ilalim ng bottle caps.

Guy: Kelan mo ba ako sasagutin? Ilang beses na kita nilalandi. *ang haba ng hair ko dba?*

Ako: alam mo naman isasagot ko jan dba? hehe *sabay taas ng 2 kilay 2x*

Guy: alam ko na. Ung huling tansan, un ang magiging araw kung kelan mo ako sasagutin. eheh

Ako: haha tama bang iasa sa SanMig light ang kinabukasan mo? Panu kung 12? *sabay tawa ako. July 14 nun. At ung mga naunang numbers sa mga tansan eh, 3, 3, 28, 1 , 23.*

Guy: Ibig sabhin, more than one month? *paawa effect ang bakla*

Ako: eh sabi mo jan nakasalalay ung araw kung kelan kta sagutin eh. hehe

Guy: Ok cge. Kinakabahan na ako. *pacute effect nia. sabay ngiti* Iihi lng ako bago buksan yang huling bote.

*nag cr ang bakla*

Pagbalik nia..

Guy: O cge, buksan mo na.

*Binuksan ko na nga. At tumalsik ung tansan. CIa ang kumuha at sabay abot saken.*

Ako: *tiningnan ko. Sabay ngiti. Sakto, dun ko sia balak sagutin sana. Tpoas pinakita ko*

Guy: 1. Hala ang tagal.

Ako: Makayanan mo kaya mag intay ng gnun katagal? *sabay ngiti*

Guy: Kaya yan. Ako pa. hehe

Kwntuhan uli kami. Kulitan. Nagpapacute cia. Kunwari papaselos sia. AKo naman, kunwari pauto lng din at nagseselos sa mga binabanggit niang name kahit na alam kong wala namang gnun. hehe Lapit na kami umuwe.

Nag cr ako, then safter ko, cia naman. Habang nag hihintay cia sa labas ng Restroom, ako nakaupo sa upuan sa loob ng resto, dinare ko cia.

Ako: Kiss mo nga ako dito. *sabay ngiti*

Ampuota, nakatayo cia. Nakaupo ako. Sabay dahan dahan ciang yumuko at hinalikan ako s pisngi. Natahimik ako dahil d ko akalain na gagawin nia. Napangiti cia after. Natulala na lng ako.

Pagkalabas ng resto, uwe na kami.

Ako: Taxi na tayo. D ko na kaya upo at tayo at lilipat ng ibang sakayan.

Guy: Bus ayaw mo? Sayang pera eh.

Ako: Ok lng. Nakakapagod na kasi tlga. Masakit na tuhod ko.

Guy: Ok. *sabay tawag kami ng cab at sumakay*

D kami nagsasalita the entire ride. Magkahawak lng kamay. HInalikan nia kamay ko. HInalikan ko din kamay nia. Hanggang sa nauwe na sa labi ung mga halik namin. Sarap. Dahan dahan. Un pa naman gusto ko sa halik. Mabagal at malambot na labi.

Tumigil cia.

guy: Malapit na tayo.

Ako: Ok.

Pero akala ko tapos na, lalo pa sia bumawi sa halik. Todohan ito. Ang asim dba?!

Pagbaba ng cab, hiantid nia ako sa sakayan.

Guy: O cge, uwe na ako. Sakay ka na.

Ako: Ok cge. Goodbye kiss? *hinahamon ko lng cia dahil ang dami tlgang tao*

Ampota ginawa nga tlga. Nagsmack cia sa lips ko bago ako sumakay. natawa cia sa hitsura ko dahil nabigla daw tlga ung dating.

Unang beses namin maghalikan that night. Kahit na ilang beses na kami nagdedate. Masaya. Kutento ako sa kanya. Sasagutin ko na ba cia?

mama's boy?

I went out uli with guy. Trinoma uli ang setting at Gilligan's ang eksena.

Setting: Gilligan's. Labas na side with view of the traffic at mga sasakyang busina ang tunog. Table namin, pang 4. Upo ako sa isang side para kita ung view, cia sa kaliwa ko.

Guy: Kumain ka ng gulay ah? *Tingin sia sa menu at iniisa isa ang mga food na puro gulay sabay ngingiti kapag nakakita*

Ako: Hala, papanuodin na lng ktia kumain kung gnun. *sabay tawa*

Guy: Ah!! alam ko na kakainin natin! Pakbet, sarap nun dba? *sabay ngisi*

Ako: uhmm.. busog na pla ako. *sabay hawak sa tiyan*

*hahawak din cia sa tiyan ko, mataba ka nga. hehehe*

Ako: loko. hindi pa ako humihinga nian. hahaha

Guy: haha ewan ko sayo. payat ka naman eh. tiyan lng hindi.

Ako: mamili ka na nga jan.. ung kakainin ko ah..

Guy: o cge eto na lng.. *sabay isa isa ng pagkain. Parehoong baboy na ulam*

Ako: ok cge cge ok na din yan.

*kwentuhan, kulitan, pacute-an, at madami pang kulitan bago dumating ung order.*

Ako: ayan, dumating na nagugutom n ako. Kmusta naman ung kanin, ang dami!

Guy: uubusin mo yan.

Ako: ewan. Parang wala kang balak kumain ah. *sabay kinuha nia ung plato ng kanin at cia pa naglagay ng kanin sa plato ko*

*nanay ko lng gumawa nun sakin ah? weird pero sweet.*

Ako: Ang dami!!

*di cia nakikinig sakin. todo buhos cia sa plato ko. kamustahin naman un dba?*

Guy: Since mama's boy ka, ako na maghihimay ng ulam mo. *sabay kuha ng ulam at hiniwa tlga nia into strips. Again, weird pero sweet.*

Ako: Salamat naman. Nanay lng? hehe

*Lamon, lamon, kwentuhan at ams madaming lamon. Sarap ng food. 48 years nga lng kung dumating*

Ang saya ng araw na to. Gabi pala. Parang nakikita ko na ung magiging problema namin kung magiging kami. Seloso. Mahilig mangkunsiyensya.

Dahil gigimik pa ako pagkatapos ng dinner namin, at kahit todo cia parinig na maiiyak cia dahil lalandi daw ako, sinamahan nia ako papunta sa Buendia. Imagine, andun na cia, one bus na lng pauwe, pero hinatid nia pa ako sa Buendia. Pagdating namin ng Buendia, pinasakay lng ako ng jeep at umuwe na cia.

Ganun pala ang feeling ng may manliligaw na hatid-sundo. Ang saya pero nakakatakot dahil d ko sigurado kung ginagawa nia ba un dahil nanliligaw cia, or dahil gusto nia?

Luneta, Kamusta ka na?


Galing ako sa opisina ng isa kong boss sa may Baywalk. Nung pabalik na ako sa opis namin sa taft, tinamad dumaan ng LRT line c manong driver kaya ayun, mega lakad ang bakla. Ok an san kahit lakad, kaso d ata nakapaglinis ng tenga c kuya kaya lumagpas ako kahit na megaphone na ang gamit ko pangsaigaw ng "Manong, PARA!!"

Ang ending, binaba ako sa may Luneta. Ung side ni Lapu-Lapu. Walang tao. Nakakapanibago. Kasi dati, kahit umaga, punum-puno ng tao dun. Pamilya at mga magsing-irog.

Habang naglalakad naman ako, may magsyuta. as in syuta tlga. Nagkikilitian. Kmustahin naman un dba? Parang sila lng 2 ang tao sa mundo. Nakakakilig na sana kung hindi lng dahil sa kanilang hitsura na parang 48 years na ang nakaraan mula nung naligo sila. (Di po ako nang ookray dahil totoo. as in! hehe)

So tuloy ang pagbaktas sa kahabaan ng Luneta. Wala tlgang tao. Parang feel kong magkandirit, kaso baka hulihin ako ni manong guard, ayoko naman batutain ako diba? (On second thought....hmmm)

Napadaan ako dun sa mini-park na lagpas ng Department of Tourism na isa pang inaagiw na dahil walang tao. Un na nga, ung sa mini zoo nila na ang ganda ganda dati. Kahit semento lng na pininturahan para magmukhang pampamilya, keri na un nung bata pa ako. Duon kami pinasyal nina Mama at Papa nung taga Caloocan pa kami. Ang saya saya namin nun dahil ang daming tao at ang daming bata na kalaro.

Sabay takbo ang 10 years, eto na cia ngaun. Kandado na ang mga gate. Walang tao. Blanko. Ang mga dinosaur, konti na lng, kakulay na ng lupa. Ang mga slide, ang dumi dumi na. Parang sumisigaw sila ng "pansinin nio kami!" nung dumadaan ako.

Nakakalungkot.

Naisip ko, ito ba ang kahihinatnan ko kapag tumanda na ako?

Pagkatapos gamitin, iiwan na lng basta?

Ayoko tlagang tumanda. Ayoko...

Gogo boy mo lng pala ako...

Katxt ko ung date ko. Pangalanan natin ciang Guy. hehe .. Todo karir c guy sakin.. (ang haba nga ng buhok ko. pakikulot naman please?)

Ako: itigil na ang pambobola. Mciado nang pasweet. hehe

Guy: D ako titigil hangga't d mko cnasagot.

Ako: So sweet ka lng ngaun dahil nanliligaw ka saken (pa-demure effect)

Guy: Ngek. Ciempre sweet ako pa din. Sweet ako dahil gusto ko, Hindi dahil kelangan lng. ok?

(Tambling naman jan.. hihi)

Ako: gnun? sana nga gnun pa din. kasi ayoko magbago ung mga pagganito natin.

guy: Wag ka na mag isip ng ganyan, Yakapin na lng kita..

(suportahan mo nga ako, tatambling uli ako. hihihi)

Guy Ulit: Wala pala tayocommon friends sa friendster, so parang pinagtagpo tlga tayo no?

Ako: Hala, makata ka na nian? lolz. Mis na kta. (aba, totoo namang miss ko na cia. hehe wag na kumontra!)

Guy: Malapit na tayo magkita. 2 tulog na lng. Kelan pla bday mo?

Ako: December **, ikw ba?

Guy: Sept. **. So nung pinanganak ako, at nung pinanganak ka, alam ko na dahilan kung bakit ako isinilang?

(Ayan na ang totoong pambobola. hehe)

Ako: gnun? Bola na tlga. hehe gusto ko sa bday ko, nasa loob ka ng cake tapos nakathongs lng. hehe joke.

Guy: Gogo boy? hehe.

Ako: Korek!

Guy: So gogo boy lng pala ako sayo? Habang ikaw ang nagpapatibok ng puso ko. Gogo boy lng pla ako sayo. :(

(drama ito ni. kunwari apektado din ako. Paawa effect ako teka...)

Ako: "Guy" naman... :(

Guy: Cge na nga. Titigil ko na. Alam mo namng d kita matitiis eh. May paawa effect ka pa jan. hehe

Ako: sabi ko na nga ba. drama mo lng un. hehe

Guy: Miss na kita..

Ako: Halika nga dito. Para mabatukan kita at makiss. Sa pisngi lng ah? (pavirgin ako, bakit ba?! nyahaha)

Ngayong nabasa ko ito, mali pla ang title ko.

Dapat pla, Landiin mo akooohh, Bakla. :P

Nasa tagal nga ba tlga?

Kausap ko ung kaibigan ko, nagtatalo kami kasi ba naman, may bf cia, tapos naghahanap ng 'kembot' (na noon ko lng nalamang eb/landi ang ibig sbhin)

Sinasabihan ko cia, bakit mo pa kelangang kumembot kung may jowa ka na?

Cia: eh gnun tlga. alangan namang landiin ko asawa (boylet nia) ko dba?

Ako: OO. bakit may masama ba kung landiin mo cia? Kaya ka nga nagbf para iisa na lng landiin mo dba?

Cia: Gaga, ang asawa hindi nilalandi, nilolove un.

Ako: girl, kung lalandi ka pa sa iba, bakit nagjowa ka pa? Tsaka may mali ba kapag nilandi mo ang asawa mo na parang kakakilala ni lng dba mas makakapagpatibay ng pagsasama nio un? kasi parang kakasimula pa lng ng relasyon nio.

Cia: gaga, palibhasa d ka pa nagtatagal ng 7 months hahaha

Aray. Tinaman tlga ako dun. Pinakamatagl ko ng relasyon eh 6 months.

sagot ko: atleast proud akong masasabing sa 6 months na tagal na yun, naging matino ako. walang gaguhan. walang kembutan.

Cia: proud din naman ako na malandi ako. tsaka sayang ang ganda ko noh! haha (kahit alam kong nagbibiro cia, nagalit pa din ako sa sinabi nia na to. Mahal nia ang bf nia pero kaliwa't kanan ang kembot nia.)

Anu ba ang mas tama, 5 months na faithful, na iisa lng ang kasama mo, o 1 year na tagal pero 2nd month pa lng, lumalandi na sa iba?

Valid ba ang sinabi niang d pa kasi ako tumatagal for more than 7 months para sabihing hindi na ako magiging faithful after 6 months?

Mas importante ba ang tagal ng relasyon kesa sa pagsasama niong alam niong naging maayos ng walang halong gaguhan?

Siguro nga dahil medyo idealistic pa ako sa mga elemento ng isang matinong relasyon dahil kulang pa ako sa experience.

Ako ung tipong madaling magsawa kapag paulit ulit na, pero bakit kahit sawa na ako sa paulit ulit na ginagawa namin ng mga naging partner ko, d naman ako naghanap ng iba. Kahit every week ako gumimik noon sa lugar kung saan mas malakas ang tukso lumandi, bakit d ko nagawa? May mga nakilala na din akong nagtagal, pero alang gaguhan, or siguro d ko lng alam.

Nasa tagal ba o sa pagsasama?

Tumayo ka na kasi...

After a few months ng walang date, nakipagdate ako sa isang guy na nakilala ko sa isang bar thru a friend na matagal ko ng close. Nabwisit pa sakin ung friend ko kasi type nia din ung guy... isex! haha

Guy: (text) asan kna? txt mo ako pag paaalis ka na.

ako: (sa isip) shiet, ala akong load. d nagpapasa c mother, tumawg kaya ako sa house ni "boylet"?

dial. dial. dial.

ako: andito po ba c "boylet name"

girl: ala eh. nakaalis na po.

ako: tepok sakin un. nakipagkita pa ata sa iba bago ako kitain. grr.. *gigil effect ng konti*

guy: (text uli): patay. nawalan ka na ata ng batt. reply ka naman.

ako: (isip ko) lecheng to. makikipagmeet ka saken after mo imeet yan? grr tlga.. *konting gigil pa*

tumawag na c boylet. sagutin ko ba? sinagot ko na.

Guy: asan ka na? kala ko nawlan k ana ng batt.

ako: eto, shift end na din. palbas na office. asan ka? tmwag ako sa inyo, ala ka daw.

Guy: oo. andito na ako sa ****, papunta na sa office nio. dun tayo kita sa labas ng office nio.

ako: ha? bakit andito ka? *taranta effect pro tumatambling na ang puso ko sa tuwa* ang layo ng dinayo mo.

boy: gnun tlga. gusto mo umuwe na ako?

ako: hala. biglang uwe? wag na. sabay na tayo umuwe *pacute effect sabay pademure na tawa*

napatawa din cia.

guy: o cge, kta na tayo sa labas ofc mo.

First time kong may imemeet na sinundo pa ako sa office para lng magdate sa mall one ride away from his place.

Nagkita kami. Sakay LRT then baba Monumento then intay sakyan papunta EDSA. Trinoma ang date namin.

Guy: Bakit walang bus? Uuwe na ako.

ako: aba malay ko. uuwe ka? eh bakit andito pko?

guy: hahatid mko eh.

ako: so umikot ka ng edsa at lrt line para lng magpahatid pabalik ng Munoz sa bahay nio?

guy: oo. ayaw mo?

ako: batukan kaya kita? *smile*

Natunaw ako bigla sa smile nia saken.

Sa bus

ako: bakit ang tagal mo sumakay?

guy: e malay ko bang aandar ung bus agad pagkasakay mo?

ako: o cia sige. malapit na tao bumaba.

guy: oo. at andito pa din tayo.

ako: e mejo layo layo pa lng eh. hhnto naman yan sa may MRT.

guy: eehh.. tumayo ka na kasi... (*biglang tulak. ang sweet nia davah?)

Nung nasabi nia un, ang sarap ulit ulitin. May halong lambing bago nia ako tinulak. haha

Lakad papunta Trinoma. Bili food. Ang tahimik nia. Hirap ispellingin. May free pass pla cia sa sine. Kaya nanuod kami cne. Take out kmi food then pasok sinehan.

Kain cia. Lamon ako. *patay gutom effect*

guy: kala ko ba d mo mauubos yan? eh bakit nauna ka pa makaubos ng pagkain saken?

ako: eh pasensia. baka sabihin mong pasushal ako kapag d ko inubos to.

*pero gutom tlga ako nung gabing un*

Ganda ng movie. Ang lamig sobra sa loob ng sinehan. Nahalata nia un, kaya binigay nia saken ung jacket nia. Magiginawin din cia. Pero binigay nia pa rin saken kahit nanginginig na cia. Cguro panliligaw effect nia to. Kahit he's putting his best foot forward, na-sweetan pa din ako.

ako: ang lamig lamig na, binibigay mo saken yang jacket mo.

guy: eh gniginaw ka eh. nanginginig ka pa.

ako: eh nung tawag mo sayo?

*magkahawak kamy kami the entire movie.

so nagshare na lng kami sa jacket nia. at twing malalaglag ung jacket sa side ko, cia mismo ang magbabalik sa balikat ko para d ako ginawin. Ni hindi na cia titingin saken, automatic na ung kamay nia mag aadjust para d ako ginawin.

Ang sarap ng ganitong feeling. Unang date kaya cguro mabait pa cia at mejo gentleman. Pero kahit ayoko magcompare sa previous dates at exs ko. Sa knaya ako nakaramdam ng security.

ako: ang galing nu ah?! *nasabi ko sa isang eksena na nakakagulat ang special effects*

Paglingon ko sa kanya, natutulog ang mokong habang hawak nia kamay ko ng 2 niang kamay. Napansin nia ata, kaya nagising. Napasmile. Ngumiti na lng ako.

Unang date na d ko malilimutan hanggang tumanda ako..

Hindi na ba talaga?

Hindi na ako bibili nitong ulam na to.
Kinabukasan, un pa din ang ulam ko.

Hindi na ako kakain ng madami para pumayat.
Kinabukasan, naka 4 na extra rice ako.

Hindi na ako lalandi tlga.
Kinabukasan, 5 ang pinagbigyan ko ng numbers.

Hindi na ako hahabol sa mga gwapo.
Kinabukasan, inignore uli ako ng isang gwapo. dahil ang kulit ko.


Lage na lng bang ganito ang mangyayari? May sasabihin pero d nasusunod? Ilan na din nakilala kong ganyan. Kahit ako amdalas na biktima nito. Sasabihin kong ayoko na, pero kinabukasan, madedepress dahil ginawa ko nnaman.

Nakakapagod na magdahilan.

Ayoko na ng ganito dahil ako lng din nasasaktan at nabubwisit.

Do we always eat the words we say?

I told you so.. sarap sabihin sa iba, dahil tama ka. Pero nakakabwisit kapag ikaw nasabihan.

Pride? OO.

Pero bakit nga ba gnun tayo mag isip? Magdedecide na parang sigurado na, pero magbabago din pla.

Mali siguro ang ahilan kung bakit nagdesisyun itigil o gawin ang isang bagay.

Do we change them because we want to, or because others want us to?

WANTED: j-o-w-a!!

Pitong buwan ng pagiging single, parang pwede na uli ako magkajowa. Kaso ang hirap naman maghanap. Sana para lang itong naghahanap ng empleyado. May screening process. At may advertisement sa internet, newspaper, likod ng uupuan ng bus, pati na din ng public c.r. at flyers sa loob ng bubble gum..

Wanted: Jowa / Partner / Karir

Responsibilities:

* Maging kasama sa buhay, sa hirap at ginhawa, 'til death do us part (oo, uso na 'to. wag makialam)

* Kakulitan twing bored and araw ko

* Kalandian twing naghahanap ng kalandian

* Kakamot sa malalamig na gabi, minsan umaga, minsan araw, or pang - 3hours lng nyahaha

* Magbibigay buhay sa patay kong buhay (huh?)


Qualifications:

* 22 to 30 yrs old. Pwedeng mas bata, pwedeng mas matnda. teka, bakit nag lagay pko ng edad?

* Lalake. Lulurki. Tao ito ha?

* May trabaho, o nag aaral. Ayoko magpaka-sugar daddy! Pulubi lng din ako. Owns a car and lives in a mansion, definitely a plus.

* Bottom. or pwede din Versa. Kung Top ka, at nagustuhan kita at nagustuhan mo din ako kahit na top akodeadma na itong part na ito. Choozy pa ba ako nian?

*Sweet, thoughtful, malambing, honest, faithful, mabait na mejo bastos. Ayoko sa pari, kelangan pa bang imemorize yan?

*Kalbo, slim/toned body, an advantage. Wag lng uber tingting o uber jubis.

*Matalino, witty o bright, a plus. Kung hindi naman, basta alam ang kaliwa, kanan at biglang liko, keri na!

*Gwapo, kahit hindi ka pasok sa mga unang nabanggit, pasok ka na agad! nyahaha


Kung ikaw ay pasok sa mga nabanggit, maaaring magpost ng komento at iwan ang inyong numero, adres at pangalan. Lakipan na din ng inyong recent 2x2, full body at close up, kasama ng karton ng gatas na ininom mo nung 2 years old ka. Kung wala naman, wag na.

Bawas na, bakla...

Opo, tama nga, babawasan ko na ang kabaklaan ko. Napagtanto kong, wala akong matinong nakukuha sa pamamakla ko kundi ang makita ng buong sangkabaklaan ang pagmumukha ko. Ala din namn akong nakikilalng matino.

Puro sex lng.

Ok lng, kaso minsan nakakpagod din.

Dinelete ko na ang Manjam ko. Pati na din ang Connexion ko. At cguro sa mga susunod na araw ko, tatanggalin ko na ang pictures sa G4m ko. Gagamitin ko na lng un twing may events at invites.

Ititira ko na lng ung Downelink, Friendster at Multiply ko. Madami kasi akong nakilala sa Downelink, at ilan din sa kanila ang naging tunay kong kaibigan.

Bawasan ko na lng cguro ang pictures.

Cguro phase lng ito sa buhay ko. Ibig sabhin, nagmamature na ako. Sana nga.

Eenjoy ko na lng ung mga moments na kasama ko ung mga barkada ko. Bahala na ang lvoelife. Tutal, d din naman ato ako magkakaroon anytime soon. Pagod na ako maghanap. Pagod na din ako maghintay.

Bahala na.

We're gay and we're pride! Happy Gay Pride, mga bakla! haha

Sabado na! Pinakaiintay kong araw sa buong linggo. Kasi naman, ito ang araw ng closing ng White Party / Gay pride sa Manila. Well, same lng to like any other week dahil every week naman kaming nasa Government eh. pero this time, we're going out not just party, but to celebrate Gay Pride.

Akalain mo ba naman, ang buong sangkabaklaan eh nasa 2 lugar noong Sabado. MAlate at MAkati. Todo ang Gay Pride. Ang damingbading. Victoria tlga!! Azz in, dapat magbigay ng award sa lahat. Lumabas lahat sila sa lungga nila. Inuna ang pagparty bago ang pagchupa ng araw na un. hihih

Anyway, ang daming papa sa Government. ANg daming gwapo, pero madami din naman ang pilit nagpapagwapo kahit na sa dilim lng sila mukhang tao. Todo ang porma. May head dress pa ung iba. Kabog tlga kung kabog. haha

Sayaw sa ledge. Inom ng punyeta. Yosi barkada. Pero ciempre, good boy ako kasi d ako nagyoyosi. tomador lng. hehe

Super enjoy nung Sabado na un. The best party I've had this year after Henry's (Government owner) Birthday Bash.

ANG DAMING BAKLA.

Winner tlga. haha

May isang guy pa na nakikipagtitigan saken. (o feeling ko lng un?! hahah feeling c bakla!)

May nakilalang new friends. Kaso alaang karir. Pero amy isang guy na d ko sure kung cnu type sa barkada namin, pero todo dikit cia samin twing tatambay kmi sa second floor. Cute na chinito. hmm.. Abangan...

At umuwi kaming may araw na. D ko first time un pero un ung gimik na paglabas ng ko ng Gov't eh maliwanag na. haha nasilaw tlga ako, bakla! haha

Saya tlga. Mejo tipsy na ako nung pauwe na pero kerri lng dahil masaya tlga.

Next time, magmamaganda na tlga ako. hahaha kahit na kupas na ang aking ganda.