Konting kembot na lang!

Para sa mga fans ng RuPaul's Drag Race, ilang kembot na lang at mapapanuod na natin ang pinakaaabangan ng mga ditse!

Ang All-Stars!

Mga 80% ng mga contestants I think are deserving.

May 2 or 3 na hindi ko lang sure kung bakit napasok.



RUPAUL'S DRAG RACE ALL STARS TRAILER from POPKern on Vimeo.

Una ko 'tong napanuod nung minsang naghahanap kami ni sisterette ng mga anime DVDs sa quiapo. Nung nakita ko ang pez ni Mama Ru, dali-dali kong isinilid sa supot at derecho sa kahera.

Very porn lang daba? haha

Ay naku mga ditse, kung hindi kayo aware sa show na itiz, hindi kayo ganap na bakla! Hahah

As if naman may magdududa pa sa kalansahan nio diba? :P


Ngumunguya ng Charantia Bitter Herbs

One time pagkatapos ko magtrabaho na parang walang bukas, tinamad na ako makipagsiksikan sa MRT kaya super jeep ang lola nio.

As in with cape and all.

Char!

Dahil medyo late na din, at Thursday noon, wit ko ineexpect na madaming tao.

Kaso pagsapit ng Taft, ayan na ang mga nerdy boys ng DLSU.

Wala man lang gwapo.

Well, late na at for sure ito ung mga nagsara ng library.

Haha diskriminasyon talaga?

Anyhoo, bumaba na din ung sa kanila sa mga sumunod na istasyon kaya kebs na kung ano pa mga ginawa nila habang kasakay ko sila.

Wa naman akong paki.

Hello? Sila ang dapat maging conscious dahil they are in the presence of royalty.

Az in daba?

Makakatulog na sana ako sa kinauupuan ko sa harap ng biglang may mga sumakay na sirenang walang buntot din.

Hindi ko sila knows so may I pretend na kunwari nakatingin ako sa dako pa roon at pinakikinggan ko sila sa kanilang chismisan.

"Kasi naman teh!"

"Teh, ang pait ng hangin bigla!" sagot nung isang mas malambot sa kanila.

"Tse! Basta nakakairita siya noh!"

"Dahil lang dun? Bakla ang bitter." sabay tawa niya.

"Gurl, ikaw ba naman, magdedate kayo ng ilang beses tapos sasabihin sa'yo na hindi pa daw siya ready magkarelasyon uli. Na hindi pa daw siya ready isuko ang bataan." sagot nung baklang pinaglihi sa ampalaya.

"Teh, ok lang naman un. I'm sure ginamit mo din yang linyang yan sa ibang hombre diba?"

"Well.."

"See!"

"Eh un nga. Kaso dinate lang niya si (d ko narinig yung name. Kakaiba kasi.) tapos ngayon ang kwento ni bakla gusto na daw makipagjowa. Ano yun?"

"Bakla, tanggapin mo ng ayaw sa'yo nung tao. Nagustuhan niya ang lambut-lambutang friend natin." At natawa siya sa sariling joke.

"Gagah! Ganun na nga. Kairita lang."

"Bakla, alam ko na tawag jan. Inggit. Hindi pait. Inggit talaga." sabay tawa. "Tapos lalo ka pang nagiging mukhang tanga tuwing pinapakita mong affected ka. Bakla, konting control. 35 ka na." tawa uli.

"Tse!"

"Bakla alam mong totoo mga sinabi ko. Wala ka ng magagawa. Hindi ikaw ang gusto. So tama na ang pagnguya ng charantia bitter herbs and spices!"

Wit akiz binayaran for this. Hihi.

"Hay nako talaga teh! Ang mga lalaki talaga!"

"Bakla, kung gawain mo din, tama na ang pag-iinarte. Wala kang magagawa."

At sabay na silang bumaba after ng ilang stopover ni Manong Driver.

----------------------------

Biruin mo na ang lasing huwag lang ang baklang nawalan ng booking!


Mag V-Neck tayo sa Malaysia mga ditse!

May mga taong singkitid ng skin pores ang jutak at kailangan nilang ipamudmod ang kanilang mga walang kwentang paniniwala.

Kita nio na lang sa Malaysia. Naglabas ng guidelines ang gobyerno nila para maibulgar sa publiko kung paano madedetect at maiiwasan ang pagkabakla.




Uhmm.. dinaig pa nila ang mga scientists at researchers na ilang dekada ng pinag aaralan ang dahilan ng pagkabakla.

So anu-ano nga ba ang sintomas ng pagkalansa ng isang maton ayon sa kanilang mga alituntunin?

1. Borta at bet daw nilang ipakita sa mundo ang kanilang nyutawan sa pamamagitan ng pagsusuot ng V Neck shirts.

 - Wa naman silang magagawa kung bet ipagmayabang ni Brando a.k.a. Stephanie ang kanyang katawan. Ang kyohal kyohal ng membership sa Fitness First tapos itatago nia lang ang pinagpaguran niya?

Bakit ako, ang dami kong V Neck shirts pero ang manly manly ko pa din naman?

Kidlat sabay ligo sa nagbabagang lava!

2. Bet na bet daw nila ang masisikip at light-colored na damit.



- Kung malaki ang nyotawan mo, malamang lahat ng damit ay sisikip. Pwera na lang kung Super Mega XL ang bibilhin mo. Kaso naman, hindi bagay sa isang tao ang napakalaking damit.


Sinung krung-krung ang gagawa nitiz at maglalakad sa kalsada?

 - Kung ung kulay naman ang issue, may magagawa ba sila kung bang favorite color nila ay Carnation, Amaranth, Amethyst, Antique Fuschia, Aquamarine, Atomic Tangerine, Bittersweet Shimmer at Celestial Blue?

Totoong kulay itiz mga ditse! Kausapin nio pa si kumareng Wikipedia

3. Bitbit nila ang kanilang handbag na mas magaganda at mas mamahalin pa sa mga bilat.

- Well, kung maganda at mamahalin, wag itatago! Wag tumulad kay mudra na ang 'special' na kubyertos ay para sa 'special' na mga tao lang. At ngaung matanda na akiz at wit na akiz nakatira sa balor, hindi pa din namin nagagamit evar!

Kawawa naman ang ating mga ate at ditse sa Malaysia.

Kailangan nilang lunukin ang pambabatikos ng gobyerno nila.

Kaya para sa mga beki na nakatira sa masuswerteng panig ng mundo...

Spread your wings mga ditse!!


[Mas madaming balita tungkol ditiz sa: 1, 2, 3.]






Add as a friend agad!

Last week, biglang nagparamdam yung isa kong ex na ngayon ay very close friend ko na din.

In short, 'sis' na ang tawagan namin na parang dati eh daig pa namin ang mga higad sa kati.

"Bakla, buhay ka pa ba?" tanong ng hitad.

"Bakla, hello din!" sagot ng sirena.

"Hahah. Puta ka. Ano ng balita sayiz? I heard single ka na din daw!"

"Napanuod mo pala yung press con ko last month? Akmang-akma ung little black dress wtih bubuyog shades ko diba? 'Tah ka! Bakit ka pa nagtatanong kung alam mo na pala ang balita? Hahaha"

"Keme na! Kailan tayo magkikita? Miss ko na ang napakalambot mong pagkatao"

"Teh, hiyang-hiya yung plema sa katigasan mo!" sagot kiz habang natatawa sa byahe papuntang nyopisina.

"Sus! Walang bahid. Walang pag-aalinlangan! #Char"

Pati hashtags umaabot na sa text.

"O eniweyz, single na nga powHz Aquoh jejeje" sagot ko.

"Puta. Jeje ka na din? Bakla, kaawaan ka. Bakla ka na, jeje ka pa!"

Nakalimutan ko na kung bakit siya nagtext. Gaguhan portion nanaman ang segment ng show today.

"Che. Anong meron?" tanong ko.

"Magkita naman tayo, gurl! May papakilala ako sa'yo!"

"Ay. Hontogol nating hindi nag-eye-to-eye Inday Badiday tapos lalaki agad ang bungad?"

"Ay. Choosy? Ayaw na sa lalaki? Ayaw na madiligan? Ayaw na sa t*t*?"

"Hindi naman sa ganon. Sana yan na agad ang bungad mo kanina pa! Hahaha"

"O basta kita tayo bukas. Magcocoffee kami tapos kunwari napadaan ka. Haha very teleserye! Ikaw si Juday tapos ako sa Claudine!"

"Teh, ang edad napaghahalata. Haha wa ng karir mga bilat na yan. Lalo na si Claudine. Nakatambay na lang siya sa airport at nambabalya ngaun." sagot kiz.

"Basta. Katamad magtext. See you tomorrow. Hihi."

So, siyempre dahil hindi naman ako masyadong naghahanap ng lalaki ngayon, wala akong preparasyon na ginawa masyado.


But if you can't handle me at my worst, then you sure as hell don't deserve me at my best. 

Yan ang linya ng past life kong si Marilyn Monroe.

Imagine nio na lang kung gaano pa ako kaganda ngayon! Hahaha

At dahil ayokong magprepare, pagkarating ng kinabukasan, dagdag 40 minutes ako sa shower.

Ahit dito. Ahit doon. Linis dito. Laklak ng pH Care. Plantsa. Ligo ng pabango.

Bihis ng corporate attire then rampa na sa office!

May extra hood para hindi kumawala  ang aura ko until the moment na makilala ko yung guy.

Dahil boringga sa office, tinapos ko agad lahat ng work para naman mapanatiling fresh ang aura ko.

Iba na ang natural freshness.

Pagkarating ng 7pm, text agad si bakla.

"Teh, out na ako. Ikaw?" tanong niya.

"Teh di pa. Magwawarla kami ni pudra kapag nalaman niyang sirena ako. Baka himatayin yung mga kapitbahay namin kakachismis dahil ang bortang kapitbahay nila, ay lalaki ang kinakain for dessert. Hihi"

Kahit na knows ko naman ang ibig niya sabihin.

Patol naman si bakla.

"Ay teh. Kahit yung bulag naming alaga, alam na kumakandirit ka sa gabi. 'Wag ng itago ang iyong alampay gurl. Iwagayway nah!"

"Pota ka. Mermaid akiz gurl. Remember?" sagot ko.

"Che. Kawawa ang karagatan kapag sumali ka pa sa kanila. O sha. Kita tayo sa UCC later."

"Ay ang yaman! UCC talaga. Libre mo 'teh?!"

"Wit. Libre ni Yul."

Ay. Nagpintig ang invisible keps ko.

Take me, Yul. Take me now!

Kung kamukha ni Yul Servo ang guy na mamemeet ko, bukakang bakla ang makikita niya later. Hahaha

"Ok fine. See yah!"

Nung dumating ako sa labas ng venue, nagsalamin pa akiz sa glass door at saka jumosok.

"Welcome back, Reyna ng Kagandahan at Kalinisan!" ang ineexpect kong bati ng mga tao habang nakayuko.

Kaso day off ata ng mga maida namin kaya wala akong narinig.

Kebs!

Tuloy pa din ako sa paghahanap sa kanila until makita ko na yung friend ko at yung kasama niya.

Infairness, may hitsura yung guy!

Nung nagkita na kami ni bakla, super standing ovation siya.

"Ayan. Matuto gumalang sa tunay na kagandahan." sabi ng mga mata ko sa kanya.

Umismid lang ang ingittera.

"Uy, Barbie, si Yul nga pala." pakilala sa akin ng kaibigan ko.

"Hi. Barbie." sabay extend ng kamay ko.

Napansin ko agad ang slight borta niyang arms. Wow!

Kaso...

In a very babaeng-babaeng boses with matching twitch ng lips: "Hi. Yul."

Pak!

Add as a friend agad!

Wala ng pagdududa.

Walang pag-Like!

Hahaha

Slight nangiti yung kaibigan ko. Knows na niya yung mga nangyari sa ilang minutong nakalipas.

Lumipas ang ilang oras na nagchichikahan kami.

Wala namang issue sa akin kung may slight kalambutan ang guy kaso naman, sa lambot kong 'to sana kahit konti mas hardness pa sa akin yung guy para naman may libog factor din.

Kaso, based sa pag-uusap namin, ang daming warning signs na kulang na lang, magpalit kami ng make up at style tips! Hahaha

Infairness kay Yul, bet niya din magpatawa kaya I'm sure magkakasundo kami.

Kaso hanggang 2 meters away from each other lang ang magaganap every time na magkakasama kami.

Walang libog teh!

Kahit konti.

Well, atleast may bago akong friend na paghihiraman ng eyelash curler kapag nasira na yung akin. :)

Naunahan nanaman ako

Kaya pala pamilyar 'tong si ditse.

Isa kasi siya sa mga dati kong kalaro noon sa dagat.

Go, gurl! I'm so proud of you teh!

Wala na ang bahid ng nakaraan! Hahaha


Wala kasing Gillette

Dahil bored na bored ako sa balor ng weekend, naisipan kong maglakwatsa at maglakad-lakad sa kung san-san until maligaw ako.

Yan na ang bago kong peg lately.

Very Eat. Pray. Love.

Kaso kamukha ko ung matanda dun.

Si Ketut.



Hahaha.

So bihis akiz tapos labas na ng bahay para naman masilayan ng buong mundo ang ganda ko.

Sayang naman kung itatago lang diba?

Parang sofa na hindi tinatanggalan ng plastic.

Or kubyertos na nakatago lang sa tokador.

Ganyan!

Char!

Pagsakay ko ng MRT, napansin ko agad ang pogi sa loob na nakikinig ng music sa ipod niya.

Kamukha ni Mario Maurer!

Eeeeeeee!
Siyempre dun ako umupo sa tapat niya para naman pagtingala niya, ako ang makikita niya.

Then, Love na itu!

Gusto mo maging ninang sa kasal, teh?

Kaso biglang nasira ang napakagandang araw ko nung nakita kong may jowa pala siyang katabi.

Nagkatinginan kami ni bilat.

Gusto ko sana abutan ng piso si bakla para naman may pamasahe na siya pauwe.

Kaso baka magtampo naman si Mario ko.

Sabihin pa niya na ang rude-rude ng future wife niya.

So nagpigil akiz.

Kaso nung napalingon ako sa legs ni bilat, tumbling ako sabay split!

Ang buhok!

Daig pa ung balahibo ni Chewbaca!

Hahaha

As in!

Ang asim-asim ng tingin ni Ate sa akin tapos ang lagu-lago ng buhok niya sa binti.

"Hindi ka ba aware sa existence ng Gillette teh?" gusto ko sana sabihin sa kanya.

Kaya siguro ang talas-talas ng sulyap sa akin ni bakla.

Kasi nacompare niya ang legs niya sa akin.

Hello? Everyday kaya ako magshave!

Kahit kumakain nag-aahit ako!

Kahit natutulog pa!

Hahahah

Sa kinis ng legamba ko, maiinsecure talaga ang hitad.

Kaso hindi pa natatapos ang lahat doon.

Paglingon ko pa sa dako pa roon, mas may gumimbal pa sa akin!

May natitira pa palang dinosaur sa mundo!

At nasa kuko ni ate ang katibayan!

Hahaha

Bukod sa mahabang-mahaba, may dumi pa sa dulo!

Si ate talaga.

Hindi porket may jowa ka na kasing gwapo ng katabi mo, kakalimutan mo na ang hygiene!

Harujusko!

Then again, baka ito ang trip ni kuya.

Ung mga babaeng walang pakialam sa katawan kahit na nakakadiri ng tingnan!

Chos!

Hahaha

Grabe lang talaga.

At dahil panay pa din ang tingin ni Ate sa akin ng masama, tinitigan ko lang ang mga paa niya hanggang sa naconscious siya at nagcurl ng mga daliri sa paa!

Hahaha

Ang mga mata talaga ni Anghelita hindi naitutumba!

Nakakahilo, teh!

Akala ko madami na akong nakilala noong may buntot pa ako at nagrereyna-reynahan sa karagatan..

Hindi pa pala!

Eeeee...

Ang hirap mamili.

Ikaw, kanino mo bet sumisid at magpasisid?



Si Nicki at ang escalator

Hay naku, mga ditse.

Fresh from the experience.

Lecheng-leche lang talaga.

Kung may mas leleche pa, eto na yun!

Az en!

Anyway, pauwe na ako galing work ng nagsimula ako magpatugtog ng bagung-bago kong favorite song na 'Pound The Alarm' ni Manay Nicki.

Hello, MTV pa lang ng kanta, akong-ako na!

Az en!

Magandang substitute ang feathers sa previous na buntot ko. It's a nice change, no?

Kita nio naman.

Makapatay nga ng mga manok sa kapitbahay para naman may pang Casual Fridays ako sa office.


Eto na ang pinakabonggang Casual Fridays with officemates, if ever!
Anyway, so eto na nga.

Andun na akiz sa may walkway rumarampa papunta ng MRT ng bigla kong masight ang aking kaopisinang singsarap lang ni Papa Paolo Avelino.

Hindi singgwapo pero day, ang ang appeal parang hindi ako makakapasok kinabukasan kapag nagsama kami sa iisang bubong ng isang gabi.

Partida, nakadamit pa siya ng lagay na yan ah!

Hahahah

Basta nakita ko siya at feeling ko nakita niya din ako.

Kaso dahil magkakilala lang kami by face, super smile lang ang lola nio.

Ganyang smile. Pinagpraktisan ko pa yan nung may buntot pa akiz!

Kebs na kung may ibang nakakita or kung nagmukha akong shunga dun.

Basta ang jimportant, nagmeet ang aming mga eyes.

Para mapanaginipan niya din naman ako kahit 2 minutes.

Ung moment na kinakati siya.

Un ang bet ko! Hihi

So binilisan ko ang lakad para mag-abot kami.

Nandun kasi siya sa kabilang side ng daanan.

Para sa office lang, nasa ibang floor siya kaya bihira lang kami talaga magkita.

It's us against the world ang peg diba?

So nung nag-abot na kami, may slight pagbabagal naman ako para nauna lang ako sa kanya tapos nasa likod ko lang siya na naglalakad papuntang MRT.

Maglaway ka sa pwet kiz! sa isip ko.

Sana lang walang nakarinig. Hahaha

Tapos pagsakay ng escalator, nauna siya.

Gagamba-levels naman kasi ang biyas ni Kuya!

Ang haba-haba.

Pwedeng magmodel sa haba ng strides.

Dinaig ang lola!

Kaso papatalo ba akiz?

Wititit!

Super junod pa din ako.

At kunwari mauuna na ako sa escalator kaya kumanan ako tapos bumaba na sa gumagalaw na escalator.

Eh ang siste, hindi ako makafocus sa binababaan ko dahil nga feeling ko nakatingin pa din siya!

Nung nasa dulo na ako, wit ko nalaman na umaapaw na pala ung mga tao sa dulo ng escalator.

Az in parang kumpul-kumpol na bulbol.

Eww diba?

Kaya dapat magshave!

Kinalaman? Hahaha

Dahil nalate ako ng pagpansin, bumangga ako sa nasa harap kiz na bilat.

Muntik ko pa masandalan si ate.

Eww! Babae!! The nerve dabah?

Eh di super atras ang lola paakyat para hindi ako maipit. Ganun din ung mga nasa likuran kiz.

Hanggang sa naabutan na ako ni Kuya.

Nakangiti ampotah.

"Are you okay?"

Muntik pa ako jimatayin ng slight dahil kinausap ako.

So lumipat ako ng side at sumingit sa side nila para si Kuya eh nasa harap ko.

I composed myself at sumagot: 'Yeah. Grabe ang dami ng tao diba?'

"Oo nga eh. Buti hindi ka naipit."

"Eh alam mo naman dito. Palaging jampacked." sagot ko.

"Napansin ko nga. May lakad ka ba? Nagmamadali ka eh."

Eeeeeee!

Napapansin niya akey!!

Ibig sabihin, pinanuod niya ang aking pagrampa mula nung nagkita kami!

Ambishosa lang diba? Haha

Tuloy-tuloy lang ang chikahan hanggang sa magkajiwalay kami ng bababaan.

Pati talaga mga tirahan, ayaw kami pagsamahin.

Pero bago bumaba si Kuya: "Lunch tayo bukas."

Hindi nagsink-in ang sinabi niya pero sumagot na lang ako ng 'Sige.'

"Kita tayo lobby lunch time. Ok?"

Tumango na lang ang lola nio dahil hindi akiz makapaniwalang makakasama ko siya bukaz.

eeeeeee!

Pero dahil naalala kong isa akong barako sa kanyang mga mata, siyempre hindi ko pinahalata ang nagwawala kong damdamin.

Damdamin na gustong kurut-kurutin at hambalusin ng dos por dos ang mga katabi ko sa MRT.

Excited na ako bukas!

Ano kaya isusuot kiz?

Help me, mga ditse!

Hala! 4 talaga teh?

Siyempre hindi katulad ng dati, G4M at Fabuloush lang ang avenue ng mga tukling pagdating sa hadahan.

Ngayon, pati mobile meron na!

Salamat sa mga naglipanang mobile apps eh sina mars at tonette eh pwede ng maghasik ng pagkababae sa sangkabaklaan kahit saan man sila dumapo.

Hindi pwedeng sa websites lang sila magpapakapamin.

Dapat pati sa mga phone apps binubuka nila ang kanilang namumulaklak na alindog!

Ang hirap na nga malaman kung tigasin ko nagtitigas-tigasan lang si kuya, mas lalo pa tayong mahihirapan kasi limited resources ang peg ng mga apps sa ngayon.

Anjan ang Grindr.

Kaya naman nung nadiscover ng inyong abang lingkod ang gaybar-in-da-pocket, ay dali-daling nag-install akey ng Grindr.


Ngayon pang paa na ang dati kong malansang buntot, hindi lang ako magtatampisaw.

Makikipagbalyahan na akey sa mga sirena at syokoy ng Grindr!

Hello? Ako pa ba ang magmamalinis? Hihi

Although malinis naman talaga ako.

Sure akiz jan!

Kimi.

Donselya.

Bubot.

Char! 

Tsaka na yung iba. Ito muna para naman hindi ako masyadong pag-agawan. Diba?

Kaso ang plano ko na bumili ng 2 telepono at install-an pareho ng Grindr eh madami na pala ang mga gumawa.

Mga echosera!

Ang dami talagang makakating mga bakla sa mundo.

Lalung-lalo na si kuya!



Apat-apat talaga!!

Mauubusan talaga ng lalaki, teh?

Hahaha