Tapos na ang maliligayang araw ko...

At dahil sa tinamad na akong magkwento, d ko na popost ung Galera blog at Hongkong blog ko. Ang haba na, boring pa. hehe ung galera lng enjoy, kaso d ko alam panu kkwento. kaya wag na lng. :)

Ilang buwan na din akong single. Linggo linggo na din gumigimik lage. Ilang tao na din nakikilala ko. Siguro panahon na para magbukas ng pinto para sa panibagong taong papasok sa buhay ko. MEjo umiiwas kasi ako these past few months dahil akala ko d pa ako nakakapagmove on kay James. Mahirap kasi sundan c James. Nasa kanya lahat ng hinahanap ko. Un nga lng, hindi kami nagtagal. Mahal ko pa cia, pero hindi na sapat para makipagbalikan. Ok na din ako sa kung anu meron kami ngaun. Magkasundo naman kami. Nagbabarahan pa din gaya ng dati. :)

Ngaun na halos 6 na buwan na din ang nakalipas nung naghiwalay kami, pwede na cguro ako magmahal uli. Kung sinu man un, sana mas maging masaya at mas magulo hehe

I feel alone pero kaya ko naman. Wag lng sana mahuli ang lahat.

Ibalik ako sa Grade 1 ...

Pauwe na kami galing sa Galera (saka ko na kkwento ung adventures ko dun) at nasa bus kami from Batangas pier to GMA - Kamuning. At dahil sa kainitan ng araw pati na din sa dami ng tao, napilitan na kmi ng kasama ko na maghiwalay ng upuan. Natabi ako sa isang matanda na lalaki. so ok lng. sungitan ko lng to, d na ako guguluhin. so ayun, bayaran na.

ako: manong, sa Cubao lng.

konduktor: ok. eto, (at kinuha ko ang tiket at nagbayad)

Katabi ko na ang sisingilin. Tinanong nia, 'san ho kayo baba?'

sagot ni manong, 'muh-kuh-tee'. as in ung itchy ang meaning. sa isip ko, aba! foreigner pala ito. akala ko naghihihiga lng sa kalsada at nagkataon na naskay sa bus. Wala kasi sa hitusra nia ang foreigner,o kahit na may pera. as in! masama na kung masama, mukha tlga cia alang pera. hehe pacencia naman..

aba, ang binging manong, sabi ba naman, 'saan?'

'muh-kuh-tee... muh-kuh-tee'

bingi ba c manong o sadyang tanga lng, akalain mo ba namang ang isagot eh,

'guadalupe?!' (gusto ko na magpatiwakal nung sinabi nia un. haha)

'muh-kuh-tee'

aba, hindi nakuntento, nilingon ako, kasi ako ung nasa aisle side. eh nakashades ako (taray dba?) so akala nia ata nung una natutulog ako.. eh nilingon ko ung mashonda, tapos nilingon ko cia, ung konduktor...

dahil na rin cguro sa d ko makalimutan niang guadalupe, natanga na din ako at nasabi ko dun sa foreigner..

"where would u like to stop?" hahahah in tagalog, "san ho ba kayo hihinto?"

ang layo sa gusto itanong ng konduktor na "saan ho kayo bababa?"

naghang tlga utak ko nung nasabi ko un. hehe

Sana lng, d ako narinig nung nasa paligid namin, kahiya hiya tlga... hehehe

Buti na lng, nagets ni foreigner at ni konduktor so keber na lng kung mali english ko. hehe

Note to self: wag magmarunong. manatiling tulug-tulugan sa bus para d maghang ang utak. Alamin ang english ng "San nio ho ba gusto bumaba?" Google, here I come.... :)